✾15✾

31 18 0
                                    


Apat na taon ang lumipas. Isang taon nalamang ang magtatapos na ako bilang nurse. Inn Shaa Allah. Minsan nalang magkita ni Malik dahil busy na din siya ngayon na magtatapos na siya ngayon taon bilang engineer. Nakakatuwa lang dahil sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang kasi siya nakapagtapos ng senior high. Teacher ang kinuha ni Ameera. Habang si Aliyah naman ay abogado. Si Aminah naman ay isang flight attendant pero hindi dito sa Pilipinas pang international dahil nga naka hijab siya.

Nakakatuwa lang dahil excited na din ako makapagtapos. Isang taon nalang. Mas lalong gumuwapo si Malik nanatili din siya na top 1 sa klase nila at ganun din si Rafi. Sa nakalipas na taon ay mas lalong nag matured si Malik. Marami din sa school natu ang nagka-crush sakanya. Campus crush nga sila ni Rafi sa school natu.

"Hindi ako makapaniwala na magtatapos na tayo sa susunod na taon." sabi ni Ameera. Nandito kami ngayon magkasama ngayon nga lang kami nagkasama dahil nga masyado na din kaming busy.

"Kaya nga parang kailan lang noh?" sabi ni Aminah.

"Hindi na ako makapaghintay!" masaya sabi ni Aliyah.

Nasabi ko ba sainyo na mag fiance na sina Rafi at Aliyah. Sa susunod na taon din silang ikakasal ni Rafi. Kahit na ganun ay hindi pa din naman sila nagpapansinan ni Rafi kahit na mag fiance na sila. Ang saya nga ni Aliyah dahil sa wakas ang lalaking parating nasa dua niya ay binigay din ni Allah sakanya. Ganun din si Rafi pero ni minsan ay hindi sila nagkasama dahil hanggat hindi sila pa sila halal ay hindi pa sila pwedeng magsama o di kaya lumabas ng silang dalawa lang.

"Luhh malapit na din ang kasal niyo ni kuya." tukso ni Ameera kay Aliyah. Namula naman ito na ikanatawa namin.

Masaya talaga ako para sa kanilang dalawa ng pinsan ko.

"A-ameera naman." nahihiya na sabi ni Aliyah.

"Ano mahihiya kapa sakin? Soon to be wife kana ng kuya ko tapos hanggang ngayon ay nahihiya ka pa din sakin? HAHAHAHA" sabi ni Ameera.

Oo simula ng maging fiance sina Aliyah at Rafi ay naging mahiyain na si Aliyah kay Ameera. Lalo na kapag tinutukso siya nito sa kay Rafi. Minsan talaga ay kapag nagkikita sina Aliyah at Rafi dito sa school ay akala mo hindi mag fiance dahil parang hangin lang ang peg ng dalawa.

"Kasi naman Ameera. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na magiging asawa na ako ni Rafi." sabi ni Aliyah.

"Sanaol diba? HAHAHAHAH" natatawa sabi ni Aminah.

"May crush kana noh?" tanong ni Ameera kay Aminah.

"Wala pfft." natatawa na sagot ni Aminah.

"Sabihin mo lang kung meron na para maasar naman kita." sabi ni Ameera at umiling iling nalang ako. Kahit kailan talaga itong si Ameera pala asar.

"Insan ilang buwan mo nalang makikita si Malik." paalala ni Ameera sakin. Bigla naman ako nakaramdam ng lungkot pero binalewala ko lang iyon.

"Graduate na din siya ngayon taon pagkatapos nun ay lilipad na siya papunta Baguio." sabi ni Aliyah sakin. Hindi na din kasi matutuloy si Rafi sa paghahafidz. Pero si Malik ay tuloy pa din.

"E ano naman? Hindi niya naman ako kaano ano. Kung kami naman ang para sa isa't isa ay gagawa si Allah ng paraan para magkita kami muli." sabi ko sakanila.

"Tara na." yaya ko sakanila at tumayo na din kami at naglakad papunta sa mga room namin.

Nandito kami ngayon sa Mall kasama ko si Ameera. Magpapatulong kasi ako kung anong magandang iregalo kay Malik. Ilang linggo nalang kasi ay gra-graduate na siya. Siguro nasa dalawang linggo nalang? Parang. Papabigay ko nalang siguro sa kaniyang Ina ang regalo ko. Nahihiya din ako na ibigay ito sakanya mismo ng personal.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now