✾04✾

51 18 0
                                    


Ilang buwan na din makalipas simula nangyari yung kay Halim. Mukhang seryoso siya dahil parati siyang sumasama sa pagsusundo kina Aliyah kapag uwian na namin. Kahit kapag may importanteng lakad kami ay sumama siya. Umiiwas nalang ako sakanya. Buti nalang ay hindi siya pumupunta dito sa bahay.

Lumabas na ako sa aking kwarto. Naka abaya ako at nakahijab na din. Katatapos ko lang magsalah kanina. Pumasok si Ummie at sinabi sakin na may bisita daw kaya tumulong ako sa paghahanda ng meryenda. Pagkalabas ko mula sa aking kwarto ay nakita ko naman kaagad ang isang lalaki na nakagamis at isang babae na naka niqab. Nakatalikod sila mula sakin kaya hindi ko sila makita.

Nag uusap sila ngayon nina Ummie at Abie habang nakaupo sa sofa. Naglakad na ako papunta sa kusina para ipaghanda sila ng meryenda. Nang matapos na ako ay dinala ko na ito papunta sa kanila. Nakatungo lang ako at nilapag ko na sa lamesa ang meryenda.

"Ikaw nga." sabi ng isang babae sakin na naka niqab. Napatingin naman ako sakanya .

"Sabi ko na nga ba. Habibi, sabi ko sayo kaya pamilyar ang batang ito ay nakita ko na siya dati." sabi nito sa kaniyang asawa.

Lumapit naman ako sa kanila para halikan ang kanilang mga kamay. Pagkatapos nun ay naupo na ako sa tabi ng aking Ummie habang nayuko pa din.

"Nagkita kayo ng anak ko?" tanong ni Ummie sa ginang.

"Oo. Napakabait ng anak mo, Mina. Alam mo ba na pinauna niya ako para magbayad ng sapatos na binili ko para sa anak ko. Ang haba ng pila nun pero pinauna niya pa din ako. Napakaganda ng anak mo at magalang pa." sabi nito sa aking mga magulang.

Naalala ko naman kung sino siya. Siya yung ginang nun sa Mall. Yung pinauna ko para magbayad. Sila nga yun. Bat ko ba nakalimutan?

"Ganyan lang talaga si Zahrah. Napakabait na bata." sabi ni Abie.

"Ahm papasok lang po ako sa kwarto ko." paalam ko sakanila. Nakatingin lang sakin ang ginang na babae.

Nang makarating ako sa loob ng aking kwarto ay hinubad ko na ang aking hijab. Nagpalit na din ako ng pangbahay. Habang nandito ako nagbabasa ng aking libro. Ilang minuto pa ang lumipas ay may biglang pumasok sa kwarto ko at nabigla naman ako.

"Astagfirullah!" sigaw na sabi ko.

"Maaf, hija." hinging tawad sakin ng ginang na naka niqab. Tatayo sana ako para kunin ang aking hijab at suotin ito ng awatin niya ako.

"Wag kana maghijab, hija. Pareho naman tayong babae dalawa. Kaya okay lang." sabi niya sakin. Naglakad naman siya papunta sa aking kama at naupo sa tabi ko.

"Kamusta naman po kayo? Nagustuhan po ng anak niyo ang binili niyong sapatos para sakanya?" tanong ko sakanya.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang inalis ang kaniyang niqab. Napakaganda niya at ang puti niya kahit may edad na ito ay masasabi ko nong dalaga pa siya ay napakaganda niya.

"Oo, nagustuhan niya naman." sagot niya sakin. Habang ako nakatingin lang din sa napakaganda niyang mukha.

"Masha'Allah. Ang ganda niyo po." puri ko sakanya at natawa naman siya sakin.

"Mas maganda ka, hija. Hindi na ako magtataka sa kwento ng iyong Ina sakin na marami ng pumunta dito para daw hingin ang iyong kamay."

"Ahm"

"Napakahiyan mo, Zahrah." nakangiti niyang sabi at lumapit naman siya para suklain ang napakahaba kong buhok.

"S-salamat po. Hindi ko lang po maiwasan mahiya." sagot ko sakanya.

"Siguro kilala mo ang aking anak. Nag aaral din siya katulad mo. Nasa higher grade nga lang siya. Parehas kayo ng pinapasukan." sabi niya sakin.

"Babae po ba ang anak niyo?"

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now