✾16✾

31 18 0
                                    


Ngayon araw na ang graduation ni Malik. Yung regalo ko naman para sakanya ay binigay ko na kay Rafi. Nong una ay ayaw niya dahil mas mabuti daw na ako nalang ang magbigay nito sa kaibigan niya. Pero tumanggi ako at sinabi kong may importante akong gagawin kaya hindi ko iyon mabibigay sakanya ng personal. Kaya wala ng nagawa si Rafi kung hindi kunin ito.

"Insan bakit kasi hindi pa ikaw nagbigay nun?" nangungulit na tanong ni Ameera sakin.

"Nahihiya nga ako e." sagot ko sakanya.

"Zahrah, si kuya nagtatanong samin kung may boyfriend kana daw HAHAHAHA" natatawa sabi ni Aminah sakin.

"Ha?"

"Oo, nakita ka daw niya nong isang araw ang tagal na din daw na nakita kana niya. Mas lalo ka daw gumanda kaya nagtanong samin kagabi. Nagulat nga kami bigla nalang nagtatanong ulit tungkol sayo." sabi ni Aliyah.

"Bakit naman siya magtatanong tungkol sakin?" tanong ko.

"Naniniwala na talaga ako na napabago mo si kuya Hamil, Zahrah." sabi ni Aminah.

"Simula nang makilala ka niya noon ay hindi na puro babae si kuya. Kahit hindi naman naging kayo dahil puro iwas ka din sakanya. Mukhang hanggang ngayon ay gusto ka pa din ni kuya." sabi ni Aliyah sakin.

"Sabi ko ba na nga ba insan. May gusto pa din si Hamil sayo hanggang ngayon HAHAHAHAH" natatawa sabi ni Ameera sakin pero binalewala ko lang ito.

"E ano na sabi niyo?" tanong ko sa kambal.

"Sabi naman may isang Eng. Abdul Malik kana HAHAHAHAHA" natatawa na sabi ni Aliyah na ikinalaki ng mata ko.

"Astagfirullah. Bakit niyo sinabi iyon sa kuya niyo?" nagugulat na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Trip lang namin pagtripan si kuya. Nong malaman niya nga yun ayun nalungkot ang loko HAHAHAHAHA" sabi naman ni Aminah. Napatawa na din si Ameera habang ako dito napailing iling nalang sa pinaggagawa nila sa kuya nila.

"Ewan ko sainyo. Mga loko loko talaga kayo!" singhal ko sakanila.

"Totoo naman ah? Dahil for sure pagkatapos ni Malik na mag hafidz ay hihingin na nun ang kamay mo mula sa Ummie at Abie mo heheheheh." tukso ni Aliyah sakin.

"Ano ba kayo. Tumigil na nga kayo." pagpapatigil ko sakanila.

"Teka nga. Bakit pala hindi kayo sumama pumunta sa graduation ni Malik?" tanong ni Aminah.

"Ito kasi si insan nahihiya daw kay Malik. Sayang nga at hindi siya mismo ang magbibigay ng regalo niya na iyon kay Malik. Mas maganda pa din kasi siya mismo ang magbigay tsk." nakasimangot na sabi ni Ameera sakin.

"Oo nga, Zahrah. Mas maganda yun na ikaw na ang nagbigay ng regalo mo atsaka yun na din ang huli mong kita kay Malik. Alam mo naman siguro yun diba?" sabi ni Aminah sakin.

Nalungkot naman ako dahil totoo ang sinabi ni Aminah. Baka huling kita ko na din kay Malik dahil nga lilipad na din siyang papunta Baguio at hindi alam kung kailan ulit siya uuwi dito.

"Sabi ko sayo e." sabi ni Ameera sakin.

"Hayaan niyo na, okay lang yun. Ipagdadasal ko nalang na si Malik kay Allah na kahit saan man siya ay pumunta gabayan siya nito." sabi ko.

"Teka parang may tao sa labas ah." sabi ni Aliyah at naglakad papalabas at tinignan kung sino ang nasa labas.

Bigla naman siya humarap dito na parang nakakita ng multo habang namumula ang kaniyang pisnge. Nagkatinginan naman kaming tatlo dito at tumingin kay Aliyah na namumula.

"Ahm si ano—"

"Sino yung nasa labas?" tanong ni Aminah sakanya.

"S-si Rafi." namumula sabi niya at lumabas naman kami habang nasa likod lang si Aliyah na nakayuko.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now