✾25✾

81 18 0
                                    


Ilang araw na din simula ng ikasal kami ni Malik at magsama bilang mag asawa. Nong unang kita ko sa bahay namin dalawa ay humanga talaga ako dahil ang ganda nga pagkakagawa nito. Sinabi niya sakin na siya ang gumawa mismo ng bahay namin.

Engineer pala ang asawa ko.

Namula naman ako sa naisip ko na iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din ako sanay na tawagin siyang 'asawa ko'. Kinikilig din ako kahit sa utak ko lang sinasabi iyon. Pano nalang kaya kapag tinawag ko talaga siya ng ganun? Baka imbes na siya ang kiligin ay ako.

"Habibti?" tawag ni Malik sakin na nandito lang sa tabi ko.

"Bakit?"

"Pupunta na ako sa masjid, dito kana magsalaah." sabi niya sakin. Tumango naman ako at ngumiti sakanya.

Hinalikan niya naman ako sa aking nuo at naglakad na siya papunta dun para mag wudhu. Nang masigurado ko na wala na siya ay nagpagulong gulong ako sa kama habang kinikilig. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na asawa ko na siya. Yung lalaking nasa duwaa kulang tapos crush ko ay asawa ko na.

Habang nagpapagulong gulong ako dito ay dumating naman si Malik at naabutan ako na ganun. Namula naman ako at nag iwas ng tingin sakanya. Lumapit naman siya dito sakin.

"Okay kalang ba habibti? Namumula ka atah." sabi niya sakin.

"Ahm wala to. Sige na, mag ingat ka Malik." sabi ko sakanya.

"Habibi. Yun ang itawag mo sakin." sabi niya sakin habang nakangiti. Mas lalo naman ako namula sa sinabi niya iyon.

"H-habibi mag ingat ka." nauutal na sabi ko at tumango naman siya.

Naglakad na siya papalabas ng kwarto namin. Umupo naman ako sa kama ko at ilang sandali pa lang ay narinig ko na ang boses niya na nag aazan. Masha'Allah. Napangiti naman ako at nagsalaah na din. Pagkatapos kong nagsalaah ay umupo na ako dito sa kama at lumapit naman si Elvis dito.

"Hey baby." nilambing ko naman siya habang nakahiga sa lap ko.

Bigla naman dumating si Malik at napangiti ito agad ng makita ako. Naglalakad na ito papalapit dito hindi ko naman maiwasan hindi napatingin sa napakagwapo niyang mukha. Hanggang ngayon talaga hindi ako makapaniwala na akin na siya ngayon.

"Assalamu'alaikum, habibti." sabi niya at hinalikan ako sa aking nuo.

"Wa'alaykumus salaam, habibi." sagot ko sakanya.

"Nakatulog na atah si Elvis." sabi niya at kinuha niya naman ito mula sa lap ko at dinala ito sa tulugan mismo.

Lumapit naman siya kaagad at tumabi sakin. Sumandal naman ako sa headboard ng kama namin at ganun din ang ginawa niya. Hinawakan niya naman ang mga kamay ko at nakatingin ako sakanya.

"I will ask Allah for you twice habibti, once in this world and once in Jannah (paradise)..." sabi niya sakin at hinalikan ang aking nuo na napakatagal.

Napangiti naman ako ng dahil dun dahil hindi ko talaga maiwasan minsan na hindi na kiligin mismo sa harap niya. Napaka sweet kasi niya sakin. Walang araw na hindi niya pinapaalala sakin kung gaano niya ako kamahal yung tipong hindi lang dito sa dunya (world) na gusto niya ako makasama pati na din sa jannah (paradise). Inn Shaa Allah.

"I love you, habibi." sabi ko sakanya at nagulat naman siya sa sinabi ko.

Ni minsan kasi ay hindi pa ako nag 'i love you' sakanya. Siya kasi parati ang nauuna na nagsasabi nun at sumasagot ko naman ito. Napangiti namam ako ng makita ang reaksyon niya sa sinabi ko at hinalikan din ang kaniyang nuo.

"Mahal na mahal kita mula noon at hanggang ngayon." sabi ko at hindi niya na napigilan na yakapin ako.

"I love you too, habibti."

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now