Naging busy na din sa sumunod na araw dahil bukas na ang kasal. Nandito na din ang damit na ipinadala kaninang umaga para sa susuotin ko bukas. Hindi din ako makapaniwala na ikakasal na ako bukas."Insan ang ganda naman ng susuotin mo. Mayaman siguro ang mapapangasawa mo." sabi ni Ameera sakin.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Araw araw ay nandito si Ameera sa bahay. Ewan ko din sa babaeng to kung bakit. Parati din siya nangungulit sakin. Napatingin naman ako sa susuotin ko bukas. Napakaganda nito at kulay puti ito. Napangiti nalang ako dahil saya din ang nararamdaman ko para bukas.
"Malay ko. Hindi ko naman siya kilala noh. Kahit nga ng makita nitong nakaraan na araw ay hindi ko man lang nakita." sabi ko sakanya.
Nandun siya nakatingin sa susuotin ko para bukas habang ako nandito lang nakahiga sa kama ko habang nilalaro ko si Elvis. Napatingin naman siya dito sakin ng nakangiti at umupo sa kama ko.
"Bat nakangiti ka dyan?" tanong ko sakanya.
"Nakikita ko din kasi sayo na masaya ka. Kahit hindi si Malik ang lalaki na yun ay nakangiti ka pa din." sabi niya sakin.
"Kailangan ko kasi tanggapin na hindi si Malik ang para sa akin." sabi ko sakanya at napatingin naman ako kay Elvis na tulog na ito.
"Sa totoo lang Ameera, gusto kong makita si Malik bago ako ikasal." malungkot na sabi ko at umupo na din ako. Nakatingin naman siya sakin.
"Baka kapag nagpakita Malik sayo ay hindi matuloy ang kasal niyan HAHAHAH" biro niya sakin. Napatawa naman ako at hinampas ko siya sa braso niya.
"Kahit kailan ka talaga Ameera HAHAHAHA. Hindi naman ako tatakas noh." natatawa ko sabi sakanya.
"Malay mo naman. Piliin mo si Malik kaysa sa magiging asawa mo HAHAHAH." sabi ni Ameera sakin at umiling iling naman ako.
"Hoy Ameera HAHAHAHAH. Hindi ko naman gagawin yun." sabi ko sakanya.
"Bakit mo siya gustong makita?"
"Wala lang. Tatlong taon ko na siya hindi nakikita, Ameera." sabi ko sakanya. Napabuga naman siya ng malalim na hininga dahil sa sinabi ko.
"Sabagay, first love mo siya. Mag deny ka man sakin ngayon ay alam kong si Malik pa din ang tinitibok ng puso mo." seryoso niyang sabi sakin sabay turo sa puso ko.
Nag iwas naman ako ng tingin sakanya. Dahil totoo naman talaga ang sinabi niya. Ilang araw na din ako kasi ako kinukulit ni Ameera kung mahal ko pa din si Malik ang palaging sagot ko sakanya ay ikakasal na ako. Hindi man kami ang magkatuluyan ni Malik pero nasa duwaa ko pa din si Malik. Kung noon ang nasa duwaa ko ay sana ibigay siya ni Allah sakin ngayon ay iba na. Ang maging masaya siya.
"Teka nga. Bukas sa Masjid ang kasal tapos sa susunod na araw ang celebration ay sa hotel?" tanong ni Ameera sakin at tumango naman ako.
"Oo, yun ang sinabi nina Ummie at Abie sakin." sagot ko sakanya.
"Sinong gagasto daw? Sa lalaki?" tanong niya at tumango naman ako.
"Umayaw sina Abie at Ummie ng sabihin ng magulang ng lalaki iyon. Pero pinilit nalang sila dahil gusto daw ng anak nila na maging memorable sakin ang kasal."
"Kilala ka siguro ng lalaki." sabi ni Ameera sakin at napatingin naman ako sakanya ng dahil dun.
"Pano mo naman nasabi?" tanong ko sakanya.
"Dahil gusto ka niyang maging masaya sa araw ng kasal niyo at maging memorable ito sayo. Napaisip na tuloy ako kung sino yung groom mo insan." sabi niya sakin at napahawak naman siya sa baba niya na akala mo ay nag iisip talaga siya.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***