Sumunod na araw ang parati namin ginagawa sa school ay nagpra-practice kami para sa darating na moving up namin. Tapos na din kami kasi nag exam. Maaga kaming pina exam dahil na din siguro para matapos na din ang lahat ng to. Pagkatapos namin magpractice ay mga gr. 12 naman ang sunod na nagpra-practice."Grabe.... excited na talaga ako! Ilang araw nalang ay mag moving up na tayo!" masaya sabi ni Aliyah. Nandito kami ngayon sa tambayan namin dahil lunch na din at katatapos lang namin nagpractice kanina ay dumiretso na kami dito.
"Ako nga din! hehehehe." sang ayon ni Ameera sakanya.
"Tapos nito ay senior high na tayo pagkatapos ay sa college na. Yeheyyy!" masaya sabi ni Aminah. Napangiti naman ako sakanila dahil nakikita ko na masaya naman sila at may lungkot din na nararamdaman kasi ay matatapos na ang high school life namin.
"Hindi na ako makapaghintay na maglakad papuntang stage." sabi ni Ameera.
"Hindi tayo maghihiwalay ng school kahit mag college na tayo ah?" nakasimangot na sabi ni Aliyah samin.
"Oo naman. Walang iwanan." sabi ko at ngumiti.
"Walang iwanan!" sigaw ni Ameera. Buti nalang ay walang tao dito. Grabe din kasi makasigaw ang isang to akala mo nakalunok ng mikropono.
"Teka nga, ang dinig ko ay magha-hafidz si Malik insan." sabi ni Ameera sakin. Nasabi ko din ba sainyo na medyo may pagka chismosa itong si Ameera. Kapag nandun kasi ang mga kuya niya at pati na ang mga kaibigan nito ay kapag si Malik ang pinag uusapan o di kaya ako sabi niya.
Hindi talaga maiwasan hindi maging chismosa ang isang to. Lalo't pa ay botong boto din siya kay Malik. Kaya hindi na ako magtataka na malaman niya pati yun. Yung tungkol sa balak ni Malik na mag hafidz.
"Masha'Allah. Totoo ba yan?" tanong ni Aminah kay Ameera.
"Oo narinig ko sila nag uusap. May balak daw maghafidz si Malik pagkatapos sa kolehiyo. Dalawang taon din yun kapag naghafidz si Malik." sabi ni Ameera.
"Saan naman daw?" tanong ni Aliyah.
"Sa Baguio daw." sagot nito. Malayo mula dito yun ah.
"Ehem! Insan mahihintay mo ba ang iyong future habibi ng dalawang taon?" tanong ni Ameera sakin. Namula naman ako sa itinanong niya sakin.
Kung ako ang tatanungin ay makapaghihintay na naman ako sa lalaking binigay sakin ni Allah. At kung si Malik man yun ay syempre mahihintay ko naman talaga siya. Parating nasa duwaa ko si Malik na sana ay kami din sa huli. Inn Shaa Allah.
"Oo nga, Zahrah. Matagal tagal din yun kaya mo ba?" tanong ni Aminah sakin.
"B-bat niyo ba ako tinatanong ng ganyan? Mukha bang nangako si Malik sakin pag uwi niya ay hihingin niya ang aking kamay mula sa aking mga magulang?" tanong ko sakanila. Nagkatinginan naman silang tatlo at sabay tumingin sakin.
"A-ano?" tanong ko sakanila.
"Malay mo din insan. Kapag nagsa-salaah pala si Malik ay hinihingi sa kaniyang duwaa mula kay Allah." sabi ni Ameera sakin na mas lalo kong ikinapula.
"Oo nga. Posible yun lalo't pa may gusto sa iyo si Malik. Hindi ka man niya nililigawan ngayon pero nililigawan ka niya mula kay Allah. Masha'Allah." sabi ni Aliyah.
"Tumigil na nga kayo." awat ko sakanila
"Yieeeee kinikilig ka siguro noh?" tukso ni Aminah sakin.
Astagfirullah.
"Tigil tigilan niyo na nga ang panunukso sakin." nahihiya ko awat sa kanila.
"YIEEEEEE!!" tukso nilang tatlo kaya umiling iling nalang ako at natawa sakanila.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***