✾21✾

33 18 0
                                    


Nandito na ako ngayon naglalakad papunta sa bahay nina Ameera na malapit lang dito. Sabado din kasi ngayon kaya napag isipan ko na dalawin nalang siya sa bahay nila. Hindi din naman kasi mahilig gumala yun katulad ko lalo na ganitong wala naman gagawin.

Nang makarating ako sa bahay nila ay kumatok nalang muna ako. Bigla ko naman narinig si tita na sandali daw at naglalakad na papunta dito para pagbuksan ako. Nang mabuksan na ang gate ay nagulat siya ng makita ako.

"Assalamu'alaikum, auntie." bati ko sakanya habang nakangiti. Niyakap niya naman agad.

"Zahrah! Namiss kita hija." sabi niya sakin habang nakayakap.

"Namiss ko din po kayo. Dala ko po ang pasalubong ko para sainyo." sabi ko at binigay ang dala dala kong pasalubong para sakanila.

"Nag abala ka pa, hija. Halika ka pumasok ka." sabi niya sakin at pumasok naman ako habang naglalakad na kami ngayon papasok ng bahay.

"Nandito po ba si Ameera?" tanong ko kay tita.

"Oo, nandun sa kwarto niya. Miss na miss ka ng pinsan mo, Zahrah." sabi niya sakin at napangiti naman ako.

"Puntahan ko lang po siya sa kwarto niya." paalam ko sakanya at tumango naman siya. 

Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Ameera at pinihit ko ang pintuan niya. Pasalamat nalang ako na bukas din ito. Hindi ako gumawa ng ingay para hindi niya ako makita agad. Nakita ko naman siya na nakatingin sa labas ng bintana habang malalim ang iniisip niya.

Napabuga naman ito ng malalim na hininga. Mas lalo atah gumanda ang pinsan ko. Napangiti naman ako dahil miss na miss ko na siya lalo na yung kakulitan niya sakin.

"Ehem! Bakit parang malalim atah ang iniisip mo, Ameera?" pormal kong sabi sakanya.

Napatingin naman siya dito sa likod at nanlalaki ang mata niya na nakatingin sakin habang nakanganga. Napatawa naman ako dahil sa mukha niya ngayon. Lumapit ako sakanya at pinisil ang pisnge niya.

"Namiss kita kulit." sabi ko sakanya at tinalon niya naman ako at niyakap.

"INSAN!!!" sigaw niya habang nakayakap sakin. Napatawa naman ako.

"Hoy ang ingay mo HAHAHAHAHAH." natatawa ko sabi sakanya.

"Namiss kita ng sobra huhuhu." umiiyak na sabi niya sakin.

"Hala bakit ka umiiyak? HAHAHAH." natatawa ko sabi at hinampas niya naman ako sa braso. Nakayakap pa din siya sakin at niyakap ko naman siya pabalik.

"Bakit ngayon kalang umuwi?" tanong niya sakin habang umiiyak pa din.

"Namiss din kita. Kasi ngayon ko lang naisipan na umuwi? HAHAHAH"

"Ewan ko sayo! Kahit kailan ka talaga insan. Kailan ka pa nakauwi dito sa Pilipinas?" tanong niya sakin ng humiwalay na siya ng yakap mula sakin. Umupo naman kaming dalawa sa kama niya.

"Siguro dalawang araw na ako simula ng makauwi ako dito." sagot ko sakanya. Hinampas niya naman ako ng unan niya.

"Tapos hindi ka man lang nag abala na magpakita sakin agad?!" nakasimangot na tanong niya sakin.

"May inasikaso pa kasi ako ang kasal ko." nakangiti kong sabi sakanya.

"Kasal? Nagbibiro ka ba ah?!" sabi niya sakin habang nakasimangot pa din sakin.

Napatingin naman siya sa seryosong mukha ko at napatakip nalang siya sa kaniyang bibig habang nanlalaki ang mata niya nakatingin sakin. Tumango naman ako habang nakangiti pa din.

"Oh my God! Seryoso?!"

"Oo nga HAHAHAHAH"

"So kaya ka umuwi dito kasi ikakasal kana? Ganun ba insan?" tanong niya sakin umiling iling naman ako kaagad.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now