✾03✾

76 18 0
                                    


Nandito kami ngayon sa isang Mall kasama sina Aminah, Aliyah, at Ameera. Mamimili kasi kami ng kailangan namin para sa aming proyekto. Masyado din maraming tao dito lalo't pa ngayon ay sabado.

"Kumpleto na ba ang kailangan natin?" tanong ni Aliyah.

"Oo, okay natuh. May mga materyales naman ako sa aking kwarto noon na magagamit pa natin." sabi ko sakanila at naglakad na kami para pumila.

Masyadong mahaba ang pila kaya medyo natagalan din kami para makarating at makapagbayad na dahil na din sa dami ng tao ngayon. May isang ginang naman ang nakatayo dito sa aking gilid. Naka niqab siya at puro itim ang kanyang suot tanging ang kaniyang mga mata lang ang aking nakikita.

"Miss?" tawag ng babae sakin. Dahil ako na ang susunod.

"Excuse me po. Mauna na po kayo magbayad." nakangiti kong sabi sa ginang. Tumingin naman siya sakin at base sa mga mata niya ay ngumiti din siya.

"Shukran." pasalamat niya sakin. Habang nakatingin lang siya. Isa lang naman kasi ang babayaran niya ang sapatos na mukhang para sa kaniyang anak kaya pinauna ko na siya.

"Afwan." sagot ko sakanya at ngumiti.

"Pamilyar ka sakin, hija."

"Po?"

"Anak ka ba ni-" hindi niya na natuloy ang kaniyang sinasabi dahil may isang lalaki na dumating habang nakasuot ito ng gamis.

"Habibti tapos kana ba?" malambing na tanong sakanya ng lalaki. Asawa niya atah.

"Tapos na din, habibi." sagot sakanya ng ginang. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Dahil nakikita ko ang aking Ummie at Abie sakanila.

Halal relationship is so beautiful. Indeed.

"Salamat ulit, hija." sabi niya sakin.

"Walang anuman po yun." at ngumiti sakanya. Umalis na sila at nagbayad na din ako ng mga binili ko.

"Kilala mo ba ang ginang na iyon, Zahrah?" tanong ni Ameera sakin.

"Hindi, pero parang pamilyar sila sakin. Parang nakita ko na sila dati. Hindi ko lang matandaan." sabi ko sakanila.

"Napakabait mo talaga, ukhty. Kahit ang haba na ng pila kanina at nahihirapan ka na dun ay pinauna mo na siya kahit hindi naman siya nakapila kanina." sabi ni Aliyah sakin.

"Isa lang naman ang babayaran niya, Aliyah. Kaya pinauna ko na siya. Hindi dapat tayo mapagod gumawa ng mabuti lalo't pa sa kapwa natin kapatid na Muslim." nakangiti ko sabi sakanya.

"Kaya nga idol talaga kita!" sabi ni Aminah sakin at natawa naman ako.

"Batang to. Tara na nga, gagawa pa tayo ng proyekto natin." sabi ko sakanila at naglakad na kami papalabas ng mall.

Sinundo naman kami ng driver nina Aliyah dahil dun kami sa bahay nila gagawa ng proyekto namin. Nakapagpaalam naman ako kanina kina Ummie at Abie na gagawa kami ng project at pumayag naman sila basta daw hindi ako magpapagabi.

Nakarating na din kami sa mansion nina Aliyah. Mayaman kasi ang pamilya nila. May kapatid din sina Aliyah na lalaki. Pero hindi ko pa ito nakikita.

"Tara na sa taas." yaya ni Aminah. Sumunod naman kami ng biglang nakasulubong namin ang mga magulang nina Aminah. May katabi itong matangkad na lalaki at mukhang ito atah ang kuya nila.

"Oh nandito pala sina Zahrah at Ameera." sabi ni auntie.

Agad naman kami lumapit sa kanila para halikan ang kanilang mga kamay.

"Napakagalang na bata." sabi ni uncle ang Ama nina Aliyah.

"Kuya nandito ka pala." sabi ni Aliyah. Nakayuko lang ako habang nakatingin sa selopin na hawak ko.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now