"Hirap pala pag senior high na!" sabi ni Ameera. Napatawa nalang kami sakanya."Kahit anong hirap ay kakayanin natin." sabi ko at tumango naman sila sa sinabi ko.
Nandito kami ngayon sa canteen. Magkakasama kaming apat. Hindi na kami magkaklase ngayon. Nasa STEM ako habang sina Ameera, Aliyah, at Aminah ay nasa HUMS. Buti pa nga sila dun ay magkasama samantalang ako. Okay lang din naman kasi may naging kaibigan naman ako dun.
"Ibang iba sa buhay natin nong high school." sabi ni Ameera.
"Ibang iba naman talaga HAHAHAHAH" sabi ni Aminah sakanya.
Graduating student na din si Malik. Matatapos na siya ng senior high. Since pareho lang din kami ng pinapasokan ay parati kaming nagkikita. Lalo't pa same building na din kami. Walang araw atah na hindi kami nagkikita dalawa. Nag iisip na din ako habang maaga pa kung anong ireregalo ko sakanya. Dahil ilang buwan nalang ay gra-graduate na si Malik.
Magkasabay sila ni Rafi ng pinsan ko na magtatapos sa taong ito. Sa pagkakaalam ko ay engineer ang kukunin na kurso ni Malik. STEM din siya pareho sila ni Rafi. Kaso si Rafi naman ay medisina din ang kukunin pero siya ay magdo-doctor habang ako naman ay nurse ang kukunin. Totoo naman napakahirap lalo na sa STEM. Hindi atah kakayanin ng utak ko yung mga topic sa math. Yung mga calculus na yun.
"Pinagmamalaki talaga ng mga teachers dito si Malik grabe. Kahit nga yung guro namin kanina ay ganyan ganito daw si Malik." sabi ni Aminah.
"Napaka perpekto talaga ng future habibi mo insan HAHAHAHAH." tukso naman ni Ameera sakin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Kaya pala pati mga transferee ay nagka-crush sakanya pero sorry nalang sila. Dahil si Zahrah ang gusto ni Malik yieeee!" tukso ni Aliyah.
"Tumigil nga kayo. Baka may makarinig sainyo, nandito pa naman tayo sa canteen." sabi ko sakanila.
"Aliyah kahit si Rafi din naman ah. Pinagmamalaki ng mga teachers dito dahil na din sa angkin talino nito." sabi ni Aminah sa kakambal natu na si Aliyah.
"Kaya nga e. Marami din nagkakagusto sa lalaki na yun hindi lang ako tsk." nakanguso na sabi ni Aliyah.
"Kung alam mo lang, Aliyah." sabi ni Ameera at umiling iling kay Aliyah habang nakangisi ito na para bang may alam siya na hindi namin alam.
"Ano na naman yang tinatago mo samin Ameera ah?" tanong ko sakanya.
"Luhhh kilalang kilala ako masyado ni insan HAHAHAHA" natatawa niya sabi.
"Oo nga, ano yun?" tanong ni Aliyah sakanya.
"Tungkol sa future doctor mo, malamang." sabi ni Aminah sa kakambal habang kumakain pa din ito.
"Tompak!" sabi ni Ameera kay Aminah.
Napailing iling nalang ako kasi parang sila pa nga ang magkambal dalawa dahil pareho palagi ang iniisip ni Aminah. Tapos si Aliyah naman ay palaging inaasar ng dalawang to. Buti nalang talaga ako ngayon ay minsan nalang na din asarin.
"Anong tungkol sakanya? May girlfriend na siya?" tanong ni Aliyah na ikinatawa namin tatlo.
"As if naman papasok si kuya sa ipinagbabawal na relasyon. Pareho lang yun pati si Malik e. Kaya nga matalik na magkaibigan ang dalawang yun. Isang future engineer at isang future doctor. Oh san ka pa? HAHAHAHAH" natatawa sabi ni Ameera.
"Baliw ka talaga." sabi ko sakanya.
"Totoo naman ang sinabi ko ah. Atsaka Aliyah wala ka dapat ikabahala sa kuya ko. Hindi din yun mahilig makisalamuha sa mga babae maliban samin ni Ina at mga pinsan namin babae. Maliban dun ay wala na." sabi ni Ameera kay Aliyah.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***