✾24✾

49 18 0
                                    


Ilang araw nalang ay simula ng makauwi ako ng Pilipinas at ilang araw na din ay simula ng malaman ko na ikakasal na pala ako sa lalaking hindi ko kilala. Okay lang naman sakin yun. Dahil kung siya na talaga ang ibinigay ni Allah sakin bilang magiging asawa ko. Hindi ako kailan man pumasok sa isang relasyon dahil naniniwala pa din talaga ako na may isang lalaki na dadating para sakin na ibinigay ni Allah.

"Insan okay kalang ba?" ni Ameera sakin.

Nandito kami ngayon sa aking kwarto at inaayosan na nila ako dahil ngayon araw na din mangyayari ang kasal at gaganapin ito sa Masjid. Hindi ko pa din nakikita ang lalaki dahil sina Abie at Ummie lang ang nakakita sakanya at pati na din ang mga magulang ng lalaki.

"Okay lang, ano kaba." nakangiti ko sagot sakanya.

"Nakauwi na si Malik nong isang buwan pa." biglang sabi sakin ni Ameera. Napahinto naman ako at tumingin sakanya.

Ang lalaking nasa duwaa ko noon at hanggang ngayon. Siguro nga ay hindi talaga kami para sa isa't isa. Ngumiti nalang ako dahil alam kong noon pa man ay siya na ang lalaking tinitibok ng aking puso. Pero ngayon na ikasasal na ako ay kailangan ko na siyang alisin sa aking puso't isipan. Dahil dapat kong pagtuunan ng pansin ang aking magiging asawa.

Nang matapos na nila ako ayusan ay sinuot ko na ang isang kulay puti na napakaganda at may kasama itong kapareha niya na hijab. Sabi ni Ummie sakin ay galing ito sa aking magiging asawa. Pinagawa daw nito mismo at pinatahi para sa akin.

"Masha'Allah. Ang ganda mo talaga, insan." naiiyak na sabi ni Ameera sakin. Niyakap niya naman ako at niyakap ko din siya pabalik.

"Hindi talaga ako makapaniwala na ikakasal kana." sabi niya sakin at tumawa naman ako dahil dun.

"Malay mo tapos nito ikaw na ang susunod HAHAHAHAH." biro ko sakanya at hinampas niya naman ako ng hindi kalakasan.

"Alam kong magiging masaya ka."

"Masaya naman ako sa aking kasal, Ameera. Siya ang aking magiging asawa at siya ang ibinigay ni Allah para sakin." humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin ng biglang may pumasok na dalawang babae na kilala ko.

"ZAHRAH!" sigaw nila at lumapit sakin dalawa para yakapin nila ako.

"Bat ngayon ko lang kayo nakita?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kahapon lang kasi nalaman namin na ikasasal kana kaya agad agad kaming umuwi ni Aliyah dito." sabi ni Aminah sakin.

"Namiss ka namin!" sabi nilang dalawa.

"Grabe talaga kayo. Ako hindi niyo namiss ganun?" tanong ni Ameera sakanila. Humiwalay naman sila sakin at nilapitan din si Ameera para yakapin ito.

"Namiss ka din namin syempre HAHAHAH" natatawa sabi ng kambal.

"Wag niyo nga ako paiyakin. Masisira ang make-up ko e." sabi ko sakanila at tumawa naman silang tatlo.

"Namiss ko kayo." sabi ko sakanila at nagyakapan kaming apat.

"Sino ang maswerteng lalaki na mapapangasawa ng kaibigan natin?" tanong ni Aliyah.

"Hindi namin kilala." sagot namin ni Ameera sakanya.

"Hindi mo kilala? Hindi ko mo pa ba siya nakikita, Zahrah?" tanong ni Aminah sakin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanilang dalawa at ngumiti.

"Hmm hindi pa." nakangiti sagot ko sakanila.

"Pano si Malik?" tanong ni Aminah sakin.

"Kung siya talaga ang para sakin ay Alhamdulillah. Pero kung hindi naman kami para sa isa't isa ay Alhamdulillah." nakangiti na sabi ko.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now