✾20✾

34 18 1
                                    


Dalawang taon na ako dito at uuwi na ako ngayon sa Pilipinas. Kasama ko si Ayesha umuwi. Excited din ang isang to dahil namimiss na din niya ang pamilya niya. Habang ang mga kaibigan at pamilya ko naman ay walang kaalam alam na uuwi ako ngayon ng Pilipinas.

"Bakit mo naman hindi sinabi sakanila na uuwi ka ng Pilipinas?" tanong ni Ayesha sakin.

"Gusto ko sila i-surpresa HAHAHAH" sagot ko sakanya at napailing iling nalang siya sakin.

Ang sabi ko kasi sakanila ay sa susunod na linggo pa ako uuwi. Ang hindi nila alam ay ngayon ako uuwi ng Pilipinas. Excited tuloy ako makita ang reaction nila. For sure mabibigla talaga ang mga yun. Ilang oras ay nakalapag na din ang eroplano. Lumabas na kami at naghiwalay na kami ni Ayesha.

Nang makarating ako sa lugar namin ay napangiti naman ako dahil namiss ko talaga dito. Nang makarating na sa tapat ng bahay namin ay huminga na muna ako ng malalim bago pumasok.

"Assalamu'alaikum." sabi ko at lumabas naman si Ummie. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya.

"Ummie, namiss mo ba ako?" sabi ko sakanya habang gulat pa din siya at iniwan ko na ang bagahe ko dito at niyakap siya.

"Astagfirullah! Zahrah?!" nagugulat na tanong ni Ummie habang nakayakap ako sakanya. Natawa naman ako.

Agad naman ako napatingin kay Abie na kalalabas lang galing sa loob. Napangiti naman ako.

"Anong kaguluhan ang nangyayari—anak?!" gulat na sabi ni Abie ng makita ako. Lumapit naman ako sakanya at yumakap din habang tulala pa din sila ni Ummie.

"Namiss ko po kayo." sabi ko habang nakayakap kay Abie. Humiwalay naman ako at tinignan sila. Nagkatinginan naman silang dalawa at tumingin ulit sakin.

"Bakit mo hindi sinabi?!" sabay nilang tanong nila sakin at napatawa naman ako.

"Surprise! HAHAHAHAH." natatawa ko sabi at sa huli ay niyakap pa din nila ako ng mahigpit.

"Namiss ka namin ng sobra." naiiyak na sabi ni Ummie. Humiwalay naman ako ng yakap mula sakanila at pinahid ang luha na tumulo sa mga mata ng aking Ummie.

"Ummie.....wag na po kayo umiyak. Nandito na po ako hindi na ako aalis ulit." sabi ko sakanya.

"Meow....meow..meow...." napatingin naman ako kay Elvis na naglalambing sa paa ko ngayon. Kinuha ko naman siya agad at niyakap ito.

"Namiss kita, Elvis!" sabi ko at hinalikan ang kaniyang ulo.

"Ang laki muna at ang bigat mo na din HAHAHAHA" natatawa ko sabi habang buhat buhat ito.

"Bakit marami ka atang dalang bagahe?" tanong ni Abie sakin habang nakatingin sa mga bagahe ko na iniwan ko lang dun sa baba.

"Mga pasalubong ko po yan sainyong lahat." sabi ko habang nilalaro pa din si Elvis.

"Dalhin na natin to sa loob." sabi ni Abie.

Binigay ko naman si Elvis at bumaba na ulit ako para tulungan si Abie na magdala ng mga bagahe ko sa loob. Nang matapos na namin dalhin ay umupo naman ako sa sofa namin habang tumalon si Elvis papunta sa lap ko at humiga. Napangiti naman ako at sinapo ang kaniyang ulo habang nakasandal ako.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now