✾10✾

43 18 0
                                    


Nakarating na kami kung saan gaganapin ang seminar. Nakita ko din ang ibang babae na katulad ko ay naka abaya din sila. Yung iba naman ay naka niqab. Napangiti naman ako. Mukhang mag enjoy ako.

"Bakit nakangiti ka dyan, Zahrah?" tanong ni Malik sakin.

Napatingin naman ako sakanya na nandito sa tabi ko pero medyo malayo layo naman siya mula sakin. May pinuntahan lang kasi si sir Alih kaya naiwan kami dito ni Malik ng kaming dalawa lang.

"Okay lang. Masaya lang ako." sagot ko sakanya.

"Buti naman."

Nanatili lang kaming dalawa ng biglang may kalalakihan na lumapit sakanya. Lumayo naman ako kaagad.

"Assalamu'alaikum, akh." bati nito sakanya. Ngumiti naman si Malik sa kanila.

Pala kaibigan talaga siya. Lalo't pa mukhang pareho niya lang yung mga lalaki natuh.

"Wa'alaykumus salaam." sagot ni Malik sakanila.

"Oh ikaw na naman ang pinadala nila? HAHAHAHA" natatawa sabi ng isang lalaki sakanya. Napatawa naman si Malik at umiling.

"Hindi may kasama ako. Si Zahrah ayan siya oh." sabi ni Malik sakanila at tinuro ako na malayo sa kanila. Napatingin naman sila sakin nakita ko sa gilid ng mata ko kahit nakayuko ang aking ulo.

"Masha'Allah ang ganda niya, akh." sabi ng isang lalaki kay Malik at nahiya naman ako kaya mas lalo kong niyuko ang aking ulo.

"Sang ayon ako dyan kaibigan." sabi pa ng isang lalaki.

Astagfirullah.

"Zahrah? Diba Malik, siya yung babaeng hinahangaan-" hindi na natuloy ng isang lalaki ang sinasabi niya dahil agad na nilagay ni Malik ang kaniyang mga kamay para takpan ang bibig nito.

"Napakadaldal mo talaga, Med." sabi ng isang lalaki at nagtawanan naman sila.

"Pumasok na nga kayo sa loob." sabi ni Malik sakanila at natatawa naman ang mga ito na tumango sakanya.

"Sige. Magkita nalang tayo sa loob, akh." sabi nito sakanya at tuluyan ng umalis.

Umiling iling naman si Malik habang nakangiti. Napatingin naman ako sa kaniya at ganun din siya. Nag iwas naman ako agad ng tingin. Dumating na din si sir Alih at sinamahan na kami pumasok sa loob. Nang makarating kami sa loob ay may mga istudyante na galing sa iba't ibang paaralan. Sinulat ko naman ang aking pangalan at binigya ko ng isang tag habang nakasulat ang aking palayaw dun.

Nakita ko din si Malik na nagsusulat ng kaniyang pangalan at binigyan din siya ng tag at nandun din nakasulat ang kaniyang palayaw. Umupo na ako dito habang si Malik ay nandun sa kanilang upuan. Nakahiwalay kasi ang babae at lalaki. Mukhang maraming kakilala dito si Malik. Dahil nandun na siya kausap ang mga kalalakihan sa kabila. Umupo naman ang ibang kababaihan dito.

"Siya ba ang tinutukoy mo?" dinig kong sabi ng isang babae dito sa tabi ko.

"Oo nga, siya nga yun! Ang pogi niya talaga!" sabi naman ng isang babae.

"Habibi uwuuu!" kilig na sabi ng babae dito sa tabi ko tinignan ko naman ang tinitignan nila kung sino ito at nagulat nalang ako na si Malik pala ang kanilang tinutukoy.

Nang mapatingin ako sakanya ay nakangiti siya at napatingin din sa banda ko. Agad naman ako nag iwas ng tingin.

"Nakita mo ba yun?! Tumingin siya dito at ngumiti!" kilig na sabi ng babae na nasa tabi ko.

"Oo nga! Mas lalo siyang gumugwapo kapag nakangiti!" sang ayon naman ng kaibigan niya.

Hinayaan ko nalang sila at tahimik lang ako nakaupo dito. Habang wala pa nagsisimula ay sa isip ko ay nagbabasa ako ng Surah. Ilang minuto na ang nakalipas ay nagsimula na din ito. Ang unang pinagawa samin ay ang nagpakilala sa isa't isa ganun din ang ginawa ng mga kalalakihan. Marami ako nakilala at naging kaibigan ko din kaagad.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now