✾14✾

35 18 0
                                    


Ngayon araw na din ang graduation nina Malik. Hindi ako makapaniwala na parang kailan lang ay high school pa ako at siya naman ay nasa senior high pa din. Ngayon ay magtatapos na siya sa senior high at bilang valedictorian at salutatorian naman si Rafi. Madami tuloy humanga sa pagkakaibigan nila dahil pareho silang matalino tapos may gwapo pa.

"Nahihiya ako na ibigay to sakanya mamaya." sabi ko kay Ameera habang nandito kami sa kotse nila at kasama ang mga magulang niya pati na din si Rafi.

"For sure magiging masaya yung mokong na yun na bibigyan mo siya ng regalo HAHAHAH" natatawa na sabi ni Rafi. Namula naman ako.

"Rafi naman." sabi ko at natatawa pa din siya.

"Ano ba yang regalo mo insan? Pwede ba namin malaman hehehehe." sabi ni Ameera sakin at tinignan ko naman siya.

"Hindi pwede. Manigas kayo dyan." sabi ko sakanila.

"Well....malalaman ko din yan. Dahil tatanungin ko din si Malik kung ano ang regalo mo sakanya." nang aasar na sabi ni Rafi sakin at napasimangot nalang ako.

"Sabihin mo din sakin kuya!" masaya sabi ni Ameera kay Rafi.

"Bahala ka dyan." sabi ni Rafi sakanya at pinandilatan siya. Napasimangot naman si Ameera katulad ko.

"Unfair mo talaga kuya! Sige ka, hindi ko na gagawin ang pinagagawa mo sakin tungkol kay Aliyah!" sabi ni Ameera at nanlaki naman ang mata ni Rafi sa sinabi ni Ameera sakanya at natawa naman ako dito.

"Oo na! Sasabihin ko na din sayo! Tsk!" suko na sabi ni Rafi sa kaniyang kapatid.

"Yes!!!" parang nanalo sa lotto na sabi ni Ameera habang ako ay nakasimangot pa din. Mas lalo ako nahihiya sa regalo ko kay Malik.

"Tigilan niyo na nga si Zahrah. Palagi niyo nalang inaasar ang pinsan ninyo." sabi ng kanilang Ina.

"Oo nga." sabi ko habang nakasimangot pa din.

"Heheheheh peace insan." sabi ni Ameera sakin pero hindi ko nalang siya pinansin. Humigpit naman ang hawak ko sa paper bag ng makita ko na malapit na kami sa school namin.

Nang huminto ang kotse ay bumaba na kami. Nakita ko naman kaagad si Malik na nakasuot ng toga niya habang hawak niya ang para sa ulo niya. Napangiti naman ako ng makita ko siya. Mas lalong gumuwapo atah ang lalaki natu. Lumapit naman si Rafi sakanya at nag fist bump naman silang dalawa at nagyakapan na para bang isa ito sa mga masayang araw nila. Agad ko naman tinago sa likod ko ang regalo ko.

Napatingin naman siya sa banda dito at napahinto siya. Nag iwas naman ako ng tingin mula sakanya. Naglakad na kami nina Ameera kasama ang kaniyang mga magulang papasok sa loob. Habang sina Malik at Rafi ay nasa likod lang namin na nakasunod. Nakita naman ako ng magulang ni Malik at nilapitan ako ng kaniyang Ina.

"Zahrah! Nandito ka!" masaya sabi nito at niyakap ako. Niyakap ko naman ito pabalik at bumitaw din kaagad.

"Magpicture kayo mamaya ni Malik ah?" tanong niya sakin. Nahihiya naman ako tumango.

"Sige sige mamaya. Ganda mo talaga, anak" sabi nito sakin at naglakad na ulit papunta sa upuan niya.

"Yieeee anak daw insan." tukso ni Ameera sakin. Nag iwas naman ako ng tingin.

Nang magsimula na ay umupo na din kami. Habang si Ameera naman ay kumukuha ng litrato kina Malik at Rafi habang naglalakad ito pataas ng stage habang kasama ang kanilang magulang. Masaya naman ako para sakanila. Nang matapos ay nataranta pa ako kung ibibigay ko na ito o mamaya nalang. Marami din kasi nagpapa picture kina Malik at Rafi. Bigla naman lumapit sakin ang Ina ni Malik.

You Are My Dua | ✓Where stories live. Discover now