Ngayon araw na ang pagtatapos ko sa medisina at sobrang saya ko dahil sa wakas! Lahat ng paghihirap ko ay natapos din. Sobrang worth it! Alhamdulillah! Naka suot ako ngayon ng uniporme namin na nurse at nakaputi lahat pati ang hijab ko. Napangiti naman ako habang naglalakad kasama sina Ummie at Abie habang ang mga kaibigan ko ay nandun na nakaupo.Si Ameera naman ay kinukuhanan ako ng litrato hindi maalis sakin ang mga ngiti ko ngayon. Parang maiiyak atah ako dahil natapos na din ako ng kolehiyo. Parang kailan lang ay nagmo-moving up pa ako ng high school.
"Congrats insan!" sabi ni Ameera sakin at umiyak. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Congrats, Zahrah!" sabay sabi ng kambal napangiti naman ako dahil nandito sila sa special na araw para sakin.
"Shukran at nandito kayong tatlo." sabi ko sakanila at tumulo naman ang luha ko.
"Awww wag kana umiyak dyan." natatawa sabi ni Ameera sakin hinampas ko naman siya sa braso niya.
"Ano ba HAHAHAHA. Umiiyak ako dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon." sabi ko at pinahid ko naman gamit ng panyo ko ang luha na tumulo sa mga mata ko.
Alhamdulillah nakatapos din ako.
"May regalo pala kami sayo."sabi ni Aminah sakin at nilahad sakin ang mga regalo nila.
"Bat nag abala pa kayo." sabi ko sakanila habang nakanguso napatawa naman sila sakin.
"Regalo namin yan sayo. Syempre dapat may remembrance din mula samin noh." sabi ni Aliyah sakin. Tinanggap ko naman ito at niyakap silang tatlo.
"Thank you so much!" nakangiti ko sabi.
"Welcome!" sabay nilang sagot sakin.
Pagkatapos nun ay nagpicture muna kami nina Ummie at Abie habang kasama si Elvis. Oo sinama ko si Elvis papunta dito pero si Aliyah naman ang may hawak sakanya kanina. Syempre parte din ng pamilya si Elvis. May litrato din na kaming dalawa ni Elvis habang hawak hawak ko siya at hinalikan sa ulo niya. May litrato din kaming apat. Sobrang saya ng araw namin.
Nagcelebrate kami sa restaurant habang kasama sina Ummie at Abie pati na din ang mga kaibigan ko. Syempre kami kami lang. Habang nakatingin ako kay Elvis ay bigla ko naman naalala si Malik. Namimiss ko na siya. Napangiti nalang ako at hinawakan ang ulo ni Elvis na nakatingin lang din sakin.
"Sana nandito siya noh?" sabi ko kay Elvis at tanging meow lang ang sagot niya sakin kaya naman napangiti nalang ako.
"Luhh miss mo na talaga siya?" tanong ni Ameera sakin. Napatingin naman ako sakanya na nasa harap ko lang.
"Hmm" mahinang sagot ko sakanya at tumingin ulit kay Elvis.
"Mag iisang taon na din simula ng umalis so Malik." sabi ni Aliyah.
"Oo nga noh. Ang bilis talaga ng panahon grabe." sabi ni Aminah.
"Mag iisang taon na din hindi siya nakikita ni insan HAHAHAHA" nang aasar na sabi ni Ameera sakin pero binalewala ko lang iyon.
"Okay lang. Gusto niyang maghafidz syempre. Alangan naman pigilan ko diba?" sabi ko at sumang ayon naman sila sa sinabi ko.
"Magkikita din kami ulit dalawa. Inn Shaa Allah." sabi ko at ngumiti naman sila.
"Oiy oiy kayo naman ni Rafi sa susunod na buwan na kayo ikakasal yieeee!" tukso ni Aminah sa kakambal nito. Namula naman ito kaagad at siya naman ang kinulit namin.
Nang matapos na din kami ay hinatid na namin sina Aliyah at Aminah sa mansion nila gamit ang kotse namin. Pagkatapos naman nun ay si Ameera naman. Wala naman problema dahil magkalapit lang ang bahay namin nina Ameera.
YOU ARE READING
You Are My Dua | ✓
Teen FictionHe's praying for her. She's praying for him. Little do they know, Allah sealed their fate with each other before they were even born. This is a Muslim lovestory. ***YOU DON'T HAVE TO BE A MUSLIM TO READ THIS***