"Mamaaaa!!! bakit hindi mo ako ginising ng maaga? Malapit na akong ma-late sa klase ko. First day of school pa naman ngayon," sigaw ko kay mama na naghahanda ng almusal namin.Kakagising ko pa lamang ngayon at sobrang antok ko pa kaya hindi ko namalayan na alas siyete na pala ng umaga. Hindi ko na nga napansin na kanina pa nag-iingay ang alarm clock sa bawat sulok ng kwarto ko.
"Aba, bakit ako pa ang sinisisi mo? Kasalanan ko bang late kang nagising ngayon? Naku, magdamag ka na naman sigurong nagpuyat kakatanaw ng bl series."
Bl is life. Iyan ang motto ko sa buhay. Charott.
"Eehhh mama naman!! final episode na kasi yung 2gether the series tsaka hinintay ko pang mag update si Ai_Tenshi sa wattpad. Nakaka excite na kasi eh! Sana ako na lang si Blas na isang ugly duckling na naging magandang swan", sabi ko habang pumupunta sa kusina at kasalukuyang naghilamos ng mukha para naman magising ang diwa ko ngayon.
"Ayan ka na naman, nananaginip ng gising. Asa ka pang may magkakagusto sa iyo eh tingnan mo nga ang itsura mo. Kulang na lang eh aanihin na natin iyang mga tigyawat mo sa mukha. Dinagdagan mo pa ang pagpupuyat gabi-gabi. Tapos nag-uunahan pa sa paglaki ang tiyan at braso mo."
Grabeee ka naman mama.
"Anak mo ba talaga ako mama? Sakit sakit mo namang magsalita", maktol ko.
"Ganyan talaga ang mga magulang anak, nagsasabi ng totoo kahit na masa-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil lumabas na ako ng bahay.
"Sige na mama, lalabas na po ako, baka hindi na ako papasukin ng guard sa school, byeeee!!" sabay halik sa pisngi nito.
"Mag-iingat ka ha!!! Aral muna bago landi." sigaw nito.
Ako nga pala si Lionel Cruz. 19 na taong gulang at nag-aaral sa St. Therese Academy. Maitim, maraming tigyawat sa mukha, may naglalakihang mga braso, at may matabang tiyan. In short, PANGET. Solong anak lang ako kaya nabibigay lahat ni mama ang mga gusto ko.
Hindi naman siguro obvious diba?
Nagtatrabaho si papa sa ibang bansa bilang isang seaman habang si mama naman ay nasa bahay lang kaya hindi na namin kailangan pang kumayod ni mama para mabuhay. Dalawang beses lang sa isang taon umuuwi si papa dito kaya talagang paghahandaan namin siya sa tuwing magbabakasyon siya kahit saglit lang.
Ngayon ang unang araw para sa bagong pasukan dito sa Manila. Malapit lang ang eskwelahan mula dito sa kinaroroonan ng bahay namin kaya pwede ko lang itong lalakarin. Pero kapag late na talaga ako sa klase o di kaya'y nagmamadali ako ay sasakay na ako ng jeep katulad ngayon.
Pagkapasok ko pa lang sa main gate ng campus ay sinimulan ko na ang paglakad ng mabilis dahil malapit ng magsimula ang first class ko.
Freshman pa lang ako dito kaya hindi ko pa alam kung saan ko hahanapin ang magiging room ko. Kagaya ko ay marami ring mga estudyanteng nagpagala-gala dito sa loob ng campus at wala na akong time para magtanong pa kaya sinimulan ko na itong hanapin.
First day of school pa lang ay haggard na talaga ako kakatakbo dahil malapit ng magsimula ang first class ko. May namumuo na ring pawis sa noo ko pero wala akong paki basta makapunta lang ako sa room.
Takbo dito. Liko doon. Tapos takbo na naman ulit.
Huminto muna ako dahil hinihingal na talaga ako. Tiningnan ko muna sandali kung saang floor na ba ako.
3rd floor.
Ang laki naman ng building na ito. Juskooo. Wala bang elevator dito? Baka mahimatay pa ako kapag ginagawa ko ito araw-araw.

BINABASA MO ANG
ARE YOU READY FOR IT?
Teen FictionAlam mo sa sarili mong straight ka talaga. Ngunit nagbago ang lahat simula nung makilala mo siya. Ngayon ay tinatanong mo na ang sarili mo kung kaya mo bang gawin ang lahat para lang maangkin mo siya. Handa ka na ba? Samahan natin sina Lionel Cruz a...