Chapter 12

171 4 2
                                    

Herbert

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Herbert? Meron ka pang pagkakataon na bawiin ang pangako mo,"

"Oo, I'm very sure sa sinasabi ko basta ipangako mo sakin na mapapatawad mo ako."

Sigurado na ako sa sinasabi ko. Gusto kong makuha muli ang tiwala ni Lionel sakin. Ilang araw na rin ang nakalipas nung nakita ko siya sa bago niyang anyo. Simula nun, hindi na siya mawala sa isipan ko at iyon ang ikinalito ko nang sobra.

Flashback.

Shit. Anong ginawa mo sakin bakla ka? Hindi ka naman babae para magkaganito ako ng sobra sayo.

Aaaaahhh. Fuck. Fuck. Fuck.

Hindi ko na mapigilang magmura dito sa loob ng kwarto ko.

Fuck Lionel. You're making me crazy.

Kaya binato ko lahat ng mahawakan ko dahilan para magkagulo ang mga gamit dito sa kwarto ko. Hinihingal akong nakaupo pagkatapos kong magwala. Pero hindi pa rin siya mawala sa isip ko.

Ilang araw ang nakalipas pero mas lalo lang naging malala ang sitwasyon ko. Kada pikit ng aking mga mata ay kanyang mukha lang ang palaging nakaukit. Parang hindi ko na nakikilala ang sarili ko.

End of flashback.

Lionel

"Heto na ang lahat ng mga pagkaing pinabili mo sakin Lionel. May iba ka pa bang kailangan?", tanong nito sakin matapos ko siyang utusan na bumili ng mga pagkain sa mall kahit na nasa campus kami.

Ngayon ang simula ng pagiging sunod-sunuran niya sakin para lang mapatawad ko lang siya.

Neknek mo Herbert. Matagal pa bago kita mapatawad.

Tiningnan ko muna lahat ng mga pinamili niya. In fairness, sakto lahat ng pinabili ko sa kanya. Pero hindi pa diyan natatapos ang ipinapagawa ko sa kanya.

"Teka lang. Diba sabi ko sayo, kulay blue na gatorade. Hindi pula. At tingnan mo nga ito oh. Iyong malaking Mang Juan at Piattos na kulay green ang bilhin mo, isauli mo itong mga pinabili mo", singhal ko.

Napabuntong hininga na lang si Herbert. Alam kong kanina pa ito napapagod kakabalik sa mall para gawin lahat ang gusto ko. Pero wala akong makita na nagreklamo ito bagkus ay ngiti lang ang ipinukol nito sakin.

"Kung gusto mo, pwede mo ng itigil ang pinapagawa ko sayo", ngiti kong tugon.

"Iyan ang hindi ko gagawin Lionel. Ito lang ba ang ipapabili mo sakin?"

Abaaa. Nanghahamon ka pala ha. Pwes, tingnan lang natin kung kakayanin mo pa ang ipapagawa ko sayo sa mga susunod na araw.

"Oo. Iyan lang ang ipapabili ko sayo. Pwede ka ng umalis".

Agad naman itong tumalikod sakin at lumabas na naman ng campus papuntang mall.

"Hayy. Kawawa naman si Herbert." bungad ni Pearl sakin habang nakatingin kay Herbert papalayo mula rito sa kinaroroonan namin.

"Kawawa? Saang banda? Kulang pa iyan. Nagsisimula pa lamang ako. Saka matagal pa niyang makuha ang tawad ko. Hindi ko iyon ibibigay hanggang hindi pa mawawala ang galit ko sa kanya," gigil kong turan.

Napakatahimik lang ni Pearl kaya tiningnan ko ito. Napakaseryoso ng mukha niya.

"Bakit, may problema ba sa sinabi ko bakla?", tanong ko.

"Oo. May problema sa sinasabi mo. Napakalaking problema. Alam mo, hindi ko na alam kung ikaw pa ba ang bestfriend ko. Nag-iba ka na eh. Nang dahil lang sa galit mo ay nagawa mo ng maghiganti ng wagas. Wala ka ng awa sa ibang taong nanakit sayo. Kung ako sayo, dapat lang na pata-", hindi pa natapos ni Pearl ang sasabihin nito.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon