Chapter 25

162 10 10
                                    

Lionel

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang magandang pangyayari sa amin doon sa probinsya ng Bohol kung saan iyon ang pinakamasayang naganap sa buong buhay ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti dahil hindi ko akalain na kami ay magkasintahan na ni Max.

Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na iyon ay hindi ko maiwasang kiligin at mamula ang mukha lalo na kapag naaalala ko ang kanyang nakatirik na...

Juskooo Lionel. Nagsimula ka na namang maging manyakis.

Eh kasi naman. Aksidente lang ang pagkakita ko nun ha! Hindi ko iyon sinadya.

Pero gusto mo naman?, sigaw ng isa kong isipan.

Magtigil ka nga diyan Lionel. Ang harot mo na, sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Kasalukuyan akong kumakain ngayon ng agahan kasama si mama na ngayon ay nakatingin sa akin kaya naman napakunot ang noo ko.

"Bakit mama?", tanong ko sa kanya habang ngumunguya ng dried squid.

"Napapansin ko lang anak ha!", puna nito. "Lagi ka nang nakangiti simula nung umuwi kayo ni Max dito mula sa pinagbakasyunan niyo."

Napataas naman ang kilay ko." Bakit mama? Masama ba ang palaging masaya?"

"Hindi naman sa ganun anak. Okay lang naman ang maging masaya pero sa sitwasyon mo, parang abnormal ka na", natatawang tugon nito.

"Hayy naku mama. Abnormal na nga yata ako", sabi ko at pumuntang kusina at kasalukuyang nagsisipilyo.

Pagkatapos kong magsipilyo ay naghanda na ako para pumasok sa campus.

Ngayon ang simula ng unang araw para sa second semester ng taong ito kaya excited na akong pumasok ngayon.

Lalabas na sana ako sa aming bahay pero bago ko pa iyon magawa ay tinawag ako ni mama kaya napalingon ako rito.

"Bakit mama?"

Sandali naman itong natahimik at tiningnan ako nang naka seryoso ang mukha kaya naman kinabahan ako ngayon.

"May nangyari na ba sa inyo ni Max doon sa Panglao?"

Halos lumuwa naman ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. Ngayon ay nakita ko namang napahagikhik si mama na para bang wala lang sa kanya ang kanyang sinabi.

"Bakit iyon naman ang naisip mo mama?", nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Dahil hindi maayos ang paglalakad mo", pagkasabi niya nun ay bigla naman akong naubo.

Hindi pa kasi gaanong naghilom ang mga sugat ko sa talampakan kaya hindi pa ako nakakalakad nang maayos. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinabi kay mama na magkasintahan na kaming dalawa ni Max at wala akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol doon. Hahahaha ang sama ko na talaga.

"Nagkaroon po kasi ako ng-", hindi ko pa natapos ang aking sasabihin nang sumingit si mama.

"Huwag kang mag-alala anak. Okay lang sa akin kung may nangyari sa inyong dalawa dahil nasa wastong edad naman kayo", nakapilyong sabi nito sa akin kaya lumabas na ako sa bahay dahil feeling ko ay namumula na ang mukha ko sa hiya.

Juskooo ka mama.

Pagkalabas ko pa lang sa labas ng aming tarangkahan ay agad bumungad sa akin si Max na ngayon ay nakangiti lang habang tinitingnan ako.

Lionel. Huwag kang ngingiti. Baka asarin ka na naman niyan.

Hindi ko alam pero simula nung sinagot ko siya ay hindi ko maiwasang mapatulala sa kanyang tindig. Kada kita ko sa kanya ay para na akong nakukuryente na parang ewan na nakakapanghina ng tuhod. At hindi ko na rin maiwasang maging manyakis sa tuwing titingin ako sa kanyang....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon