Lionel
Kasalukuyan akong nagluluto ngayon para sa aking agahan.
Fried rice, itlog, at hotdog ang aking napasyahang lutuin dahil pagod pa rin ang katawan ko. Pagkatapos kong magluto ay pumunta na ako sa lamesa. Kanina pa gustong kumawala ng mga sawa ko sa tiyan. Charott.
Gutom na talaga ako eh. Kasi naman, hindi na ako nakakain kagabi. Nakatulog na agad ako.
Inamoy ko muna ang aking niluto dahilan para mas lalo pa akong nagutom kaya kumain na ako.
Nagsimula na akong kumain nang mapadako ang tingin ko sa kinakain ko ngayon.
Fried rice with hotdog and egg.
Hotdog and egg.
Hotdog.
Ngayon ay parang uminit na naman ang katawan ko dahil sa naiisip ko ngayon. Tila bumabalik sa aking isipan ang lahat.
Iyong panaginip ko kagabi.
"Juskooo. Ano ba iyan Lionel. Dirty minded ka na naman. Tigilan mo na iyang iniisip mong kabastusan", pangaral ko sa sarili.
Eh kasi naman. Ang walanghiyang Max pa ang napaginipan ko. Ganito na ba ang epekto niya sakin na kahit sa panaginip ay siya pa rin ang pinapantasya ko?
"Ayy. Hindi pwede iyang iniisip mo. Hindi pwede."
Para mawala na ang mga dirty thoughts ko ay napagpasyahan ko na lang na pumunta sa mall para naman mag-enjoy ako ngayon.
--------------------------------
Monday.
Nandito na ako sa labas ng aming bahay para pumunta na sa campus.
"Mag-ingat ka anak." sabi ni mama.
"Sige ma."
Nakauwi na pala si mama galing Boracay. Pagkauwi pa lang niya dito kahapon ay nagulat na lang ako dahil naka swim suit pa ito habang may mga bagaheng dala. Nakiki-feeling teenager.
Naglalakad na ako papuntang sakayan ng jeep nang may humintong sasakyan sa gilid ko. Kunot-noo kong tiningnan kung sino ito.
"Get in", sabi nito.
Pagkasabi niya ay tila nanigas ang aking katawan na parang isang kandilang nakatayo sa kalsada. Hindi ko namalayan na hinihila na niya ako papuntang sasakyan niya.
"Ang bagal kumilos. We're almost late.", dagdag pa nito.
Habang nag drive si Max ay daldal siya ng daldal. Parang nanay ko na ito dahil sa daming sinasabi. Kaya hinayaan ko na lang siyang magsalita.
"Why didn't you came in the party?"sabi nito.
Anong sasabihin ko? Na inindian lang ako ni Herbert? Hindi pwede iyon. Alam kong magkakagulo lang pag nalaman pa niya iyon.
Bigla akong natigilan sa pagsasalita nang may napansin ako.
Teka lang. Parang natanong na niya sa akin iyan ah? At ganun rin ang sagot ko.
Isa lang ang pumapasok sa aking isipan.
De javu?
Hindi. Hindi ito de javu. Panaginip iyon. Ngayon ay hindi na. At saka isa pa, hindi mangyayari iyong napaginipan kong pumunta siya sa bahay namin habang sinasayaw niya ako at pagkatapos ay naghalikan kami at pagkatapos ay sinu-
"Hey! I said why didn't you came in the party?", pag-uulit nito.
Doon na bumalik sa katinuan ang utak ko.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY FOR IT?
Novela JuvenilAlam mo sa sarili mong straight ka talaga. Ngunit nagbago ang lahat simula nung makilala mo siya. Ngayon ay tinatanong mo na ang sarili mo kung kaya mo bang gawin ang lahat para lang maangkin mo siya. Handa ka na ba? Samahan natin sina Lionel Cruz a...