Chapter 16

155 6 1
                                    

Lionel

Can I court you?

Can I court you?

Can I court you?

Hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ng malakas ang puso ko habang naiisip ko ang sinabi ni Max kanina.

Juskoooo Lionel. Nagiging abnormal na ang puso mo. Ano na ang sasabihin mo kay Max?

Hindi ko pa rin maisalarawan ang damdamin ngayon. Naghahalo pa rin ang kaba, saya, at pagkalito.

Paano kung biro lang ang lahat? Paano kung paglaruan rin niya ako katulad ni Herbert?, sigaw ng isa kong isipan.

Sa tingin mo ba biro pa iyon? Kinaya nga ni Max na humarap sa maraming tao para lang mapakita niya sayo na seryoso siya, sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Juskoooo Lorddd. Nakakaloka na talaga. Papayagan ko ba si Max? O hindi?

Papayagan? O hindi?

Papayagan? O hindi?

Ayyy. Bahala na nga. Wala naman sigurong mawawala sakin kung papahintulutan ko siya diba?

-----------------------------

6:45 am.

Napabangon ako dahil sa ingay ni mama sa labas ng kwarto ko. Ang aga-aga naman niya mambulabog. Inaantok pa nga ako eh.

"Lionel, anak. Lumabas  ka na diyan sa kwarto mo", sigaw nito.

"Mama naman eh. Maaga pa oh! Sinisigawan niyo na po ako", maktol ko.

"Sino ba naman ang hindi magsisigaw. Kanina pa may naghihintay sa iyo sa labas", pagkasabi pa lang niya nun ay bigla na lang akong lumundag sa kama at lumabas.

Sino ba naman ang pupunta dito ng ganito kaaga?

Kaya agad ko ng binuksan ang pinto ng aming tarangkahan at laking gulat ko nang tumambad si Max sa harapan ko habang nakangiti.

"Good morning cutie pie", bati nito sakin na nakangiti pa rin.

Ano daw? Cutie pie? Nagpapatawa ba siya? #Corny is waving!

"Anong sinasabi mong cutie pie? Corny mo talaga!"

"Isn't it cute?", sabay pagpapa cute niya sakin.

"Ewww! Hindi bagay sayo ang magpa cute Max."

Natatawa na lang ako sa tinuran ni Max. Kalalaking tao pero nagpapacute.

Uyyy. Aminin mo. Nagiging cute si Max sa paningin mo, pang-aasar ng isipan ko.

"So, ano ba ang bagay sakin? Ikaw?", nakapilyong ngiti nito.

Juskoooo. Tigilan mo na iyan Max. Maawa ka naman sakin. Huwag kang maging corny diyan.

"Lionel?", tawag ni mama sakin mula sa loob ng bahay.

Naku. Lionel. Baka makita pa si Max ng mama mo.

"Hoy! Max. Magtago ka diyan sa gilid", bulong ko kay Max.

Nakakunot noo naman akong tiningnan nito.

"And why?"

"Basta. Magtago ka lang diyan."

Nakita ko namang papunta na si mama dito sa kinaroroonan ko.

"Anak. Sino ba ang naghahanap sayo?", nandito na si mama nakatayo sa harapan ko.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon