Chapter 24

127 8 4
                                    

Lionel

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Hindi ko akalain na ang gabing iyon ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko. Ganun nga siguro kapag inlove ka sa isang tao, hindi mo namamalayan na nakangiti ka na palagi lalo na kapag nakikita mo na ang taong iyon kagaya ngayon.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama kasama ang nahihimbing at natutulog pa na si Max. Mariin ko lang tinitigan ang kanyang napakaamong mukha na akala mo'y parang isang anghel. Pero kapag gising na, ayy ewan ko na lang.

Hindi ko namamalayan na kanina pa ako nakangiti habang nilalaro ang kanyang maalon-alon na buhok at pagkatapos ay pinisil-pisil ang kanyang matangos na ilong. Habang nasa ganoong sitwasyon ay di ko maiwasang titigan ang kanyang mapula at nakakaakit na labi na kaysarap...

Hoyy Lionel. Magpigil ka. Huwag ka na namang magpadaig sa bad temptation, sigaw ng isa kong isipan.

Okay lang naman iyang iniisip mo Lionel. Magkasintahan naman kayo eh,  sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Ngayon ay naloloka na naman ako. Bakit ba kasi napakasarap tingnan ng kanyang labi? Hindi ko tuloy maiwasang mamula dahil hinalikan niya ako kagabi sa harap ng maraming tao.

"You have a permission to kiss me if you want", pilyong sabi nito na ngayon ay gising na pala kaya siniko ko siya dahil sa hiya.

"Bastos ka talaga Max kahit kailan", padabog kong sabi sa kanya para hindi niya mahalatang kanina ko pa pinagnanasaan ang kanyang labi. Hahahaha ang harot ko na talaga.

Tinawanan lang ako ni Max kaya tinitigan ko lang siya nang masama sabay tayo sa higaan namin pero bago ko pa iyon magawa ay hinila na niya ako pahiga at sa di inaasahang pagkakataon ay natumba ako at nasubsob sa kanyang...

A-ano i-itong m-matigas na b-bagay sa a-aking m-mukha?

Halos hindi na ako makahinga dahil sa pagkagulat sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil nakasubsob ang mukha ko sa pagitan ng kanyang magkabilang hita at nararamdaman ko pa ang pagpintig nito kahit na naka-boxers lang si Max.

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig dahil nanigas ang aking katawan kaya hindi ko magawang makagalaw. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagpintig nito sa mukha ko na parang gustong kumawala sa loob kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng laway.

Nararamdaman ko na lang na iniangat ni Max ang mukha ko paharap sa kanya at nakita kong nakangisi lang ito sa akin na parang nang-aasar.

"Matitikman mo rin iyan balang araw so be ready", pagkarinig ko pa lang nun ay halos lumuwa na ang mata ko at feeling ko ay namumula na naman ako.

Kaya bago pa niya makita ang pamumula ng mukha ko ay bumangon na ako at lumabas ng kwarto.

Juskoooo. Hindi ko na kakayanin ang kahihiyang ito.

------------------------------

Kasalukuyan akong nandito sa labas ng resort habang nanunuot ang malamig na hangin sa balat ko. 7:23 pa lang ng umaga kaya nagpasya akong magtampisaw sa ibabaw ng parte ng dagat.

Hindi ko pa kayang makita si Max ngayon dahil sa pangyayari namin kanina. Kahit na magkasintahan kami ay hindi ko pa rin maiwasang mahiya at mamula sa tuwing magkakaroon kami ng ganoong eksena. Imbes na manghingi siya ng tawad sa akin dahil sa aksidenteng iyon ay inasar pa ako. Nakakainis.

Habang nagtatampisaw ako ay hindi ko na namang maiwasang mamangha sa malawak na karagatan dito sa Panglao. Nakakaakit kasi tingnan ang maputing buhangin at ang malinaw at bughaw na tubig. Kaya naman para na akong bata dito na nagtatalon-talon at pinaglalaruan ang maputing buhangin na dumadampi sa mga paa ko at sinabayan pa ang malamig na tubig ng dagat.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon