Chapter 22

112 6 3
                                    

Lionel

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang nangyari kagabi. Halos hindi pa rin ako makapaniwala na ang totoong ama ay si Herbert at hindi si Max. Ayan tuloy, dahil sa pagdadrama ko ay napahiya pa ako.

Pagkatapos ang nangyari kagabi ay nagsiuwian na rin ang mga kaklase ko pati si Mr. Persephone. Inihatid na rin ni Herbert si Pearl pauwi dahil pupunta pa daw sila sa clinic para magpa check-up dahil ngayon ang buwan ng kanyang panganganak. At si Max naman, hindi nagpaawat. Sa halip na umuwi siya ay dito pa siya natulog kagabi.

Ang kapal ng mukha.

Flashback.

"Where are you going?", tanong ni Max habang pilit akong hinahabol pababa ng hagdan. Ano ba kasi ang naisip niya kung bakit iyon pa ang sinabi niya.

Don't worry, bubuntisin kita pagkatapos ng kasal natin.

Don't worry, bubuntisin kita pagkatapos ng kasal natin.

Don't worry, bubuntisin kita pagkatapos ng kasal natin.

Bastos ka talaga Max kahit kailan, sigaw ng isipan ko.

Yieeee. Pabebe ka pa. Gusto mo namang magpabuntis ni Max, sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Feeling ko talaga ay namumula na naman ang pisngi ko. Kaya hindi ko na ito nilingon at nagpatuloy akong bumaba pero napatigil lang ako sa paghakbang nang sumigaw si Max.

"If you're always acting that way, bahala ka. Ako ang matutulog sa kwarto mo", pagkasabi pa lang niya nun ay halos lumuwa ang mata ko.

Hiiiindi pwwweedeee!

"Hoyyyy! Max", tawag ko rito habang bumabalik na naman pataas ng hagdan.

Juskooooo. Saan ako matutulog nito kung doon si Max sa kwarto ko? Dalawa lang naman ang kwarto dito sa bahay namin. Isa para sa akin at isa para kay mama at papa.

Kaya kahit hinihingal na ako ay nagmadali pa rin akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Max para palabasin siya doon. Pero hindi pa ako nakaabot ay nasa loob na siya sa kwarto ko at sinarado ito.

Abaaaaaaa. Feeling mo sa iyo pa ang kwarto ko ha?

Kinapa ko sa bulsa ang susi ng kwarto ko pero napatigil ako nang wala sa akin ang susi.

"Teka lang. Nandito lang naman-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang maalala kong hindi ko pa iyon nakuha mula sa bagahe ko dahil naka unlock na agad ang kwarto ko.

Kung ganun...

"Maxxxx! Buksan mo ang pinto. Hindi mo naman kwarto iyan. Hoyyy! Buksan mo ito" pagsisigaw ko sabay katok ng makailang beses.

Paano ako makakapasok nito kung nasa loob ng kwarto ang susi na nasa bagahe? Juskooooo. Paano na ako nito?

"Kung di mo ako papasukin sa kwarto, isusumbong kita kay mama" pagbabanta ko sa kanya pero wala pa rin akong nakuhang sagot na takot siyang isumbong ko siya.

Nang dahil sa inis ay pinuntahan ko na ang kwarto ni mama para magsumbong.

"Mama", tawag ko sa kanya habang kumakatok ng makailang beses.

"Natutulog na ako", sagot niya mula sa loob ng kwarto.

Abaaaa. Meron bang natutulog na sumasagot? Juskoooo. May pinagmanahan talaga ako. Charott.

"Mama naman eh. Huwag nga kayong gaga. Tulungan mo naman ako oh. Hindi ako makakapasok sa kwarto dahil nandun na si Max sa loob" pagsigaw ko pero hindi na siya sumasagot.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon