Chapter 17

136 5 1
                                    

Lionel

Aaaaahhh! Bakit ikaw pa ang nakakuha ng first kiss ko? Walanghiya ka talaga Max, sigaw ng isa kong isipan.

Uyy. Aminin mo. Gusto mo naman diba? sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Kanina pa ako nagdadabog dito sa kwarto ko. Nagkalat na ang mga gamit ko sa sahig na parang dinaanan ng buhawi.

Alam ko naman na nagugustuhan ko na siya pero ang first kiss ko? Ninakaw niya. Gusto ko pa naman na romantic ang unang halik ko.

Oa mo naman Lionel. May pa-romantic-romantic ka pang nalalaman. Di bagay sayo.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakita iyon ni mama. Pagkapasok namin ng bahay kanina ay palagi na niya akong inaasar kung masarap ba ang halik ni Max.

Isa ka pa mama eh. Hindi ka nakakatulong.

Hinihingal ako matapos kong magwala sa kwarto ko kaya naupo muna ako.

Gusto ko ng matulog dahil pagod na ang katawan ko pero hindi ko magawa dahil ang utak  ko ay gising pa rin kakaisip sa mga nangyayari kanina.

Kaya ang ginawa ko ay nagpatugtog ng kanta para magkaroon ako ng peace of mind.

Di ko malaman ang nadarama
Sa tuwing ika'y aking nakikita
May kung ano sa damdamin
At abot-abot ang kaba.

Hindi ko alam pero pagkarinig ko pa lang sa kanta ay biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib.

Sa araw-araw ay nagtataka
Ang puso kong ito o bakit ba
Ang kilos ko'y nababago
Na halos na andiyan ka na.

Teka lang. Parang ako yata ang pinatamaan ng kantang ito.

Di makatulog sa gabi sa kaiisip
Sa diwa ko ikaw ang aking panaginip
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko.
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig ka sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama?
Anong kaba.

Sabi ko na nga ba. Ako ang pinatatamaan ng kantang ito.

Sa halip na magkaroon ako ng peace of mind ay mas nagiging malala pa ito.

Ayy ano ba iyan. Pati kanta ay inaasar ako. Magsama kayong dalawa ni mama. Hindi kayo nakakatulong.

Kaya nilipat ko na ang kanta at nagpatugtog ulit.

Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na di na alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan.

Halos tumalon na ako sa kama ngayon.

Ano bang problema ng mga kantang ito? Pati kinakanta ni Max nung-

Aaaah. Erase. Erase. Ayaw ko ng maalala pa iyon.

Kaya ang ginawa ko na lang ay pinatay ang kanta sa phone ko at pinilit na matulog.

Nakakaloka na talaga.

------------------------------

Feeling ko ay hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Kaya uminom na lang ako ng maraming kape kanina para mawala ang antok ko at lumabas na para pumuntang campus.

Pagkalabas ko ng bahay ay ang sasakyan ni Max ang unang bumungad sakin. Kinareer na niya talaga ang pagiging driver niya sakin. Charott.

Agad na akong sumakay sa kanya nang walang kibo.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon