Chapter 19

136 7 5
                                    

Lionel

Ngayon ay ang araw ng mid-term examination namin. Kagaya nga ng sinabi ni Mr. Persephone, ang top 5 na makakuha ng pinakamataas na profit ay exempted at isa ako dun. Hindi ako makakasali sa top 5 kung wala ang tulong nila Max at Herbert kaya matapos ang isang buwan ng pagtitinda ay nilutuan ko sila ng special na adobo at sarap na sarap naman sila sa aking ginawa.

Ilang subjects na lang ang aking pag-aaralan para makakuha ng mataas na marka. Simula nung nakaraang linggo ay nagkulong lang ako sa buong kwarto para makapag-focus sa pag-aaral.

Hindi naman ako ganoon katalino para ma-pressure. Ang sabi ni mama, kung ano lang ang makayanan ng utak ko, iyon lang ang mabibigay kong marka at masaya naman ako dahil pareho silang nakasuporta sa akin kaya gagawin ko ang lahat para makabawi man lang sa kanila. Ang mga ngiti sa kanilang labi ay sapat na para paghusayan ko pa ang aking pag-aaral.

Dahil buong linggo akong nandito sa kuwarto, walang nagawa sila Max at Herbert kundi ang sumunod sa bilin ni mama na huwag muna akong bisitahin o di kaya'y kulitin.

Timeout muna kayo boys sa panliligaw ha! Mag-aaral muna ang soon to be wife niyo. Charott!

-------------------------------

"Timer starts now", sabi ng aming prof habang nakabantay sa amin.

Pagkapasa pa lang niya ng mga testpapers ay sinimulan na namin itong sagutan.

Madali naman para sa akin ang exam dahil sa isang buong linggong pag-aaral kaya maaga agad akong natapos at lumabas na sa room namin.

------------------------------

Kasalukuyan akong pumunta sa cafeteria ngayon para bumili ng pagkain nang biglang sumakit ang tiyan ko kaya dali-dali akong pumunta sa cr.

Pagkadating ko pa lang doon ay may narinig akong isang pamilyar na boses kaya binilisan ko ang pag cr at sinundan ang tinig na kanina ko pa naririnig.

"Napatawad mo na ba siya?", rinig kong sabi ng isang lalaki.

"Matagal ko na siyang napatawad", sagot naman nung babae.

"Don't worry, everything will be fine."
Pagkasabi pa lang niya nun ay isa lang ang pumapasok sa isipan ko kung kanino ang boses na iyon.

Kay Max.

"P-paano kung malaman ito ni Lionel?" boses ng isang babae ang naririnig ko na parang umiiyak.

Para akong binuhusan ng tubig pagkasabi niya nun.

Anong dapat kong malaman? Bakit nasali ako sa usapan?, mga katanungang gusto kong makuhanan ng sagot pero hindi ko magawa.

Kaya ang ginawa ko ay lumapit sa kinaroroonan ng dalawa para masilip kung sino ang mga ito at laking gulat ko sa aking nasaksihan.

Magkayakap sila.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko magawang makagalaw lalo na ang mga mata ko na nakatutok lang sa kanilang dalawa. Nanginginig ang mga tuhod ko na para bang matutumba na ako sa mga oras na iyon at nagsimula na ring mamuo ang luha sa aking mga mata.

Kaya bago pa nila ako makita ay agad kong nilisan ang lugar na iyon at dali-daling pumunta ng room para kunin ko ang bag at lumabas sa naturang paaralan. Hindi naman tumutol ang guard dahil alam na niya na ngayon ang huling pagsusulit sa semester na ito at ito na rin ang huling araw para sa first semester ng taong ito.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon