Chapter 11

158 3 0
                                    

Herbert

Kanina pa ako nakatulala dito sa kwarto ko habang naaalala ko ang nakita ko kanina.

Hindi ako makapaniwala na ang baklang iyon...ay magiging ganun kagwapo.

I've never been like this before. I know that I'm very straight as a flag pole pero bakit ganito ang tama ko sa kanya?

Shit. Anong ginawa mo sakin bakla ka?

Lionel

Juskoooo Lord. Tulungan niyo po ako. Nahihiya na talaga ako sa sarili ko. Nahuli na nga ako ni Max na nagsisinungaling, nakita pa niya ang mukha ko kanina.

"Aaaahhh", hindi ko na mapigilang mapasigaw.

Kanina pa ako hindi mapakali sa kama ko. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Lalo na nung tinitigan ako ni Max nang ganun katagal.

Kaya natulog na lang ako para iwas stress.

-----------------------------

Kanina pa nagtuturo si Mr. Persephone sa harapan ng klase pero wala doon ang atensiyon ko kundi ang nangyari kanina.

Nakakapanibago lang kasi dahil walang Max na sumulpot kanina para sumundo sakin. Naghintay pa ako ng ilang minuto nun pero wala talaga.

Ayan ka kasi Lionel. Nasanay ka ng palaging hatid sundo kay Max. Hindi naman kayo magboyfriend para gawin niya palagi sayo iyon.

Tama nga naman ang nasa isipan ko. No strings attached lang ang peg naming dalawa kaya hindi na ako dapat pang magtaka kung sakaling hindi niya ako ihahatid.

-----------------------------

Recess time.

Nandito ako sa cafeteria at bumibili ng pagkain nang biglang sumulpot si Pearl sa harapan ko.

"Hi bakla. Long time, no see. Anyare sayo bakla?", puna nito sakin.

Nagsuot pa rin kasi ako ng hoodie at mask pero hindi na ako nag shades kaya mata lang ang nakikita ni Pearl.

"May sipon at ubo kasi a-", hindi na agad ako nakatapos magsalita nang bumulaga sa aming harapan si Max na. ...naka hoodie at mask rin?

Gaya-gaya lang ghorl?

"Hoy! Bakit naman nakaganyan ka rin? Ginagaya mo ba ako?", sigaw ko rito.

"This is a new fashion para sa mga gwapo, am I right?", sagot ni Max habang inilapit niya ang mukha sa akin.

Nambubuking na naman ba ito? Kakainis.

Pero bago pa ako makasagot ay sumingit agad si Pearl sa usapan namin.

"Teka lang ha. Naloloka na ako. New fashion para sa mga gwapo? Bakla, sabihin mo nga sakin, kailan ka pa naging gwapo?", pagtataka nito sabay tawa.

"Oo nga. Kailan pa ako nagi-", nabigla na lang ako nang hinila na naman ulit ni Max ang takip ko sa mga mukha at ngayon ay gulat na napatingin sa akin si Pearl.

"B-bakla, i-ikaw b-ba talaga i-iyan?", nauutal na tanong nito.

Pahamak ka talaga Max.

Magdadahilan pa sana ako nang tumili si Pearl nang pagkalakas-lakas para pagtinginan na naman kami.

"OMGGG BAKLAAAA. ANG GWAPO MO NAAA. SABIHIN MO NGA SAKIN, KAILAN KA PA NAGPAGANDA?"

Hiyang-hiya na talaga ako sa sarili ko. Maraming mata ang nakatutok dito sa amin lalo na sakin.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon