Chapter 14

130 5 2
                                    

Lionel

Arayyyy! Ang sakit ng ulo ko!

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama ko-

Teka lang. Parang may mali. Hindi ito ang kwarto ko. N-nasaan ako?

Iginala ko ang mga mata ko. Kulay green ang paligid ng silid na ito dahil sa mga halaman na disenyo sa kwarto.

Natigilan ako sa pagmamasid nang narinig kong may humihilik. Kaya tiningnan ko kung sino ito at nagulat na lang ako dahil sa aking nasaksihan.

Isang lalaki na walang suot na pang-itaas na damit ang aking nakita kaya kitang-kita ko ang hubog ng katawan nito.

Ngayon ko lang din napansin na nakayakap ako sa kanyang matipunong katawan at nakapatong ang isa kong paa sa kanyang....

Ano itong matigas na bagay sa paa ko?

"Aaaaahhhhhh", nagtitili na ako sa sitwasyon ko.

Bakit katabi ko si Max?

Nananaginip ba ako?

Lionel. Gumising kaaaaaa.

Sinampal ko ang sarili ko. Baka kasi nananaginip pa ako pero hindi.

Nararamdaman ko na naman ang matigas na bagay sa paa ko. Napalunok ako ng laway.

Max? Ang aga-aga. Pero ang ano mo. Nakatayo na.

Tiningnan ko ang mukha ni Max. Mahimbing pa itong natutulog at humihilik pa.

Natabunan ng habol ang kanyang pang-ibabang katawan kaya hindi ako sigurado kung may saplot ba siya sa ibabang parte o wala.

Napapalunok na naman ako ng laway.

Malaki kaya ang kay Max? O hindi?

Juskooo Lionel. Nagiging dirty ka na naman. Huwag kang matukso. Go away bad temptation! Shooo!

Kaya pinigilan ko ang sarili.

Bakit nagiging manyak na ako? Hindi ko mapigilang tingnan kung ano ang nasa loob ng nakabukol sa loob ng habol na iyan.

Lionel. Hindi naman niya mapapansin dahil nakahilik pa siya, titingnan mo lang naman, sigaw ng isa kong isipan.

Hindi. Huwag na huwag mong gagawin ang nasa isip mo. Bad iyon, sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Maloloka na talaga ako ngayon. Ang lakas na ng presence ng temptation ngayon.

Oh tukso! Layuan mo ako!

Ayy naku. Bahala na si Batman!

(Batman: bakit pati ako dinadamay mo?)

Ahh basta. Bahala na!

Tiningnan ko ulit ang natutulog na si Max.

Sorry sa gagawin ko Max. Isang beses lang naman ito.

Kinakabahan ako sa gagawin ko. Eh bakit ba kasi nakakatulo ng laway ang ganitong eksena?

Dahan-dahan kong ibinaba ang habol hanggang sa matagumpay kong maibaba ito.

Ngayon ay mas lalo pa akong kinakabahan sa nakikita ko. Naka boxers lang si Max na kulay gray at alam kong wala itong suot na brief dahil bakat na bakat ang pagkalalaki nito.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakalunok ng laway. Nakatulala lang ako sa bukol na nasa harapan ko.

"Malaki ba?"

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon