Chapter 4

189 5 0
                                    

Lionel

Pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay ay ang pagkagulat sa mukha ni mama ang una kong nakita.

"Ayyy juskoo kang bata ka! Anong nangyari diyan sa ulo mo Lionel? Bakit may bundahe iyan? Sinong may gawa niyan? Halika na. Pupunta tayo ngayon sa hospital", natatarantang sigaw ni mama.

Sabi ko na nga ba eh. Nagiging oa na naman si mama.

"Ma, ayan na naman kayo. Overacting lang? Ok lang naman ako eh tsaka maliit na sugat lang ito", pagtatanggol ko sa sarili pero patuloy pa rin sa pagsisigaw si mama.

"Paano nagiging ok iyan ha? Paano kung may infection iyang sugat mo? Tapos mawawalan ka ng malay? Tapos malalaman ito ng papa mo? Tapos uuwi siya dito dahil sobrang alala siya sayo? Tapos malalaman na lang namin na malapit ka ng ma-", hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil sobrang oa na talaga si mama.

"Mama. Okay na talaga ako. Huwag na kayong mag-alala. At saka hindi pa ako mamamatay kung hindi pa ako magkaka boyfriend. Neverrr!"

At dito ay natawa naman si mama. Hindi ko talaga maintindihan si mama eh. Minsan okay, minsan oa, minsan galit. Parang may regla lang araw-araw.

"Mas papaniwalaan ko pa na malapit ka ng mamatay sa sugat mo kesa magkaka boyfriend ka. Asa ka pang may magkakagusto sayo. Diba sabi ko sayo na magpapa derma ka na lang pero ayaw mo. Iyan tuloy ang napala mo."

"Anak, hindi ka naman panget eh. May itsura ka naman. Sadyang natatabunan lang ito ng maraming pimples mo kaya hindi nila nakikita ang natural mong ganda", dagdag pa nito.

Sanaol may natural na ganda.

"Ma, mas gugustuhin ko pa na ganito ang itsura kong maraming tigyawat sa mukha kesa naman maganda ako pero iyon lang ang nagustuhan nila sakin. Dahil alam kong ang taong may nagkakagusto sa iyo ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa kalooban mo. At saka isa pa, itong mga pimples ko na lang ang loyal sa akin, eh mawawala pa.", sagot ko rito habang papunta sa kusina.

"Eh, nasaan na iyong sinasabi mong sana mas gusto mong maging si Blas na isang ugly duckling na naging isang magandang swan?, tanong nito.

"Kalimutan mo na iyon mama. Simula ngayon, ako na si Lionel na wala sa bokabularyo ang salitang maganda kung hindi ang salitang loyal."

"Naku, baka naalog na yata iyang utak mo. O baka naman nalipasan ka ng gutom. Oh, halika na dito. Maghapunan na tayo", sabi ni mama.

Habang kumakain kami ay pumasok na naman sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Mula sa naganap sa cr hanggang sa pagsakay ko sa jeep hanggang sa pagkabangga niya sa aking-

Juskooo. Tumigil ka naaaa. sigaw ko sa aking isipan.

Paano ba naman kasi. First day of school pa lang ay marami ng hindi magandang nangyayari sa akin. At isa pa ay iyong Max na iyon. Nagiging bwesit ang araw ko dahil sa kanya.

Kung lahat ng gwapo ay hindi ko tatantanan hangga't hindi nila ako napapansin. Pwes, hindi rin kita tatantanan Mr. Fernandez hangga't hindi ka maaasar sakin.

"Uyy anak, may problema ba?", tanong ni mama sakin.

Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala hindi nagagalaw itong pagkain ko kaya tinanong ko si mama.

"Mama?"

"Ano iyon?"

"May kilala ba kayong bagong nakatira dito?", nacurios lang kasi ako kung bakit dito dumaan si Max kanina.

"Ahh. Oo. Iyong pamilya ni Mr. Fernandez. Bagong lipat sila dito mula sa States. Ang sabi kasi ni Aling Maria na may bagong business ang Fernandez Corp. dito sa Pilipinas kaya lumipat sila dito. Baka umabot pa sila ng ilang taon bago lumipat na naman ulit."

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon