Lionel
Pagkatapos ang isang mahabang usapan sa dean's office ay bumalik ako sa room para sulitin ang isang araw na klase bago ako mag-expelled. Kinausap na rin ako ni Mr. Persephone tungkol sa mga subjects na kailangan kong pag-aralan habang wala ako sa campus. Parang online class lang kumbaga.
Papauwi na sana ako nang makita ako ni Pearl at tinawag niya ako.
"Uyy bakla", sabi nito sabay yakap sakin.
"Ayy ikaw pala bakla. Kamusta?", bati ko.
Pagtingin ko sa mukha nito ay makikita mo ang seryoso nitong awra kaya kunot-noo ko itong tinanong.
"Bakla, seryoso ka ya-",hindi pa ako nakapagtapos sa pagsasalita nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
"Sorry talaga bakla. Alam kong kasalanan ko ito. Kung hindi ko sana pinutol ang tawag, baka natulungan pa kita. Hindi mo na sana inaway pa si Herbert", ngayon ay napahagulhol na ito sa pag-iiyak.
"Ayy naku, ikaw talagang bakla ka. Wala kang kasalanan. Kahit na natulungan mo ako ay aawayin ko pa rin si Herbert dahil isa siyang demonyo."
"Sorry talaga bakla ha? Hindi ko naman kasi alam na ganun pala ang ugali ni Herbert."
"Okay na iyon. Ang mahalaga, may natututunan tayo na isang bagay para hindi na natin iyon babalikan pa. Kaya kung ako sayo bakla, iiwasan na natin si Herbert. O di kaya'y sabunutan mo siya, malaking tulong mo na iyon sakin", sabi ko habang natatawa sa kalokohang naiisip ko.
"Ayy sige. Bet ko yan bakla. Gusto mo, sapakin ko pa ng liptint?", natatawang sambit rin nito.
------------------------------
Pagkauwi ko sa bahay ay agad sumalubong si mama sakin habang seryoso ang mukha. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin. Kaya napalunok ako ng laway.
"M-ma, anong m-meron?", nauutal kong tanong.
Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi ko magawang salubungin ang mga titig ni mama.
"A-anak, paano mo maipapaliwag sakin ito?", tanong niya sabay harap ng kanyang cellphone sakin.
Dito ay nakikita ko iyong pangyayaring naganap kanina lang. Iyong pagbangga ni Herbert sakin, pagsasagutan namin hanggang umabot sa pag-aawayan.
"M-ma, sorry p-po. Hindi ko po napigilan ang sarili ko. Sadyang natatabunan ako ng galit kaya nagawa ko iyang bagay na iyan," pagpapaliwanag ko.
Napabuntong hininga si mama.
"Alam mo naman siguro na mali ang pakikipag-away. Naiintindihan naman kita anak. Pero sa susunod, huwag mo na uulitin ang nagawa mo, maliwanag ba?"
"H-hindi ka g-galit mama?"
Napabuntong hininga na naman si mama.
Baka galit na ito dahil hindi na siya sumasagot.
Pag-angat ko ng mukha ay nakangiti si mama.
"Bakit naman ako magagalit anak? Manang-mana ka ata sakin. Pareho tayong palaban. Sana sinuntok mo pa ng maraming beses iyong si Herbert ba iyon. Ang lakas makalait sayo ha! Hindi naman astig. Natalo mo pa!", wika nito sabay tawa.
Natawa na rin ako sa sinabi ni mama.
"Hindi ka galit dahil na-expelled ako?", tanong ko.
Umiiling lang ito.
"Hindi. May rason ka naman kung bakit ka na-expelled sa klase. Huwag ka basta-basta magpapatalo kung alam mong tama ka at huwag mong hahayaang ipagpatuloy pa nila ang kanilang mga maling gawain," anito kaya niyakap ko si mama.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY FOR IT?
Teen FictionAlam mo sa sarili mong straight ka talaga. Ngunit nagbago ang lahat simula nung makilala mo siya. Ngayon ay tinatanong mo na ang sarili mo kung kaya mo bang gawin ang lahat para lang maangkin mo siya. Handa ka na ba? Samahan natin sina Lionel Cruz a...