Lionel
"Ayy juskoo kang bata ka. Ikaw na ba talaga iyan anak?", ang hindi makapaniwalang sagot ni mama sakin habang hinihintay akong makababa dito sa barko.
Ngumisi lang ako sa kanya sabay yakap dito.
"Hayy naku mama. Kahit kailan talaga. Hindi mo na naman ako paniwalaan", tumatawa ko pang tugon.
Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa. Nakakunot naman ang noo ko dahil sa paraan ng kanyang pagkakatingin sa akin.
"Mama, bakit ganyan kayo-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil sumingit na ito.
"Nang dahil ba kay Max kung bakit mo binago ang katawan mo?" tanong nito na parang nang-aasar pa.
Napalaki naman ako ng mata dahil sa sinabi niya.
Talagang iyon pa talaga ang naisip niya kung bakit ako nagkaganito? Juskoo ka mama.
"Tama ba ako anak?", pang-aasar pa nito sa akin.
Umiiling lang ako at tinakpan ang mukha ko dahil baka malaman pa niyang namumula ako.
Kaya naghintay lang kami saglit ng masasakyan at sumakay na para pauwi ng bahay.
-----------------------------
Pagkapasok ko pa lang sa kusina ay bumungad sa akin ang napakaraming pagkain na nakahain sa lamesa.
Ang dami naman yata nito.
Kaya tiningnan ko lang si mama na nandito lang sa tabi ko habang nakangisi lang.
"Mama, ang dami naman-" hindi ko naman natapos ang sasabihin nang may marinig akong ingay sa ikalawang palapag namin.
Kaya nilingon ko ang kinaroroonan ng ingay na iyon at halos lumuwa na ang mata ko dahil sa mga di inaasahang bisita.
Nakatayo malapit sa hagdan ang mga kaklase ko at may bitbit silang mga kartolina na may nakasulat na Welcome back Lionel. Meron ring iba na ang nakasulat ay We Miss You. Nakita ko rin si Mr. Persephone na may dalang kartolina rin at nakanganga lang itong nakatingin sa akin.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa kanyang itsura ngayon. Ayy hindi pala, halos silang lahat ay nakanganga lang habang pinagmasdan ako. Sa halip na ako ang masorpresa ay naging baligtad pa ang sitwasyon.
Hindi ko namalayan na nandito na pala si mama sa tabi ko at tiningnan na rin niya ang mga kaklase ko.
"Huwag kang mag-alala anak, matauhan rin sila maya-maya lang. Talagang nabighani lang sila sa ganda mo ngayon", ang sabi ni mama sakin kaya natawa na lang ako.
Posible kaya ang sinabi ni mama?
"Ano pa ang ginagawa niyo diyan? Bumaba na kayo dito at kumain na tayo", pagkasabi pa lang ni mama nun ay saka lang bumalik sa katinuan ang mga kaklase ko pati na rin si Mr. Persephone.
Dali-dali naman silang bumaba ng hagdan at agad niyakap ako na ikinagulat ko. Halos matabunan na ako dito dahil sa mga kaklase ko na nakayakap pa rin sa akin. Parang group hug lang ang ginawa namin.
Maya-maya lang ay kumalas na sila sa pagkakayap sa akin at ngayon ay si Mr. Persephone naman ang nakatingin ng diretso sa akin na nakangisi.
"Welcome back Mr. Cruz. Hindi namin akalain na ganito na pala ang itsura mo ngayon. Ilang buwan ka lang nagbakasyon pero ang laki na ng pinagbago mo", sabi nito sabay yakap rin sakin kaya napayakap na rin ako sa kanya.
Naku. Kung hindi ko lang professor si Mr. Persephone, baka matagal na akong nagkaka-crush sa kanya. Charott. Hindi naman kasi maitatanggi na gwapo si Mr. Persephone. Halos lahat naman ng mga guro sa St. Therese Academy ay mga gwapo. Lalaki kasi lahat ng mga professor doon.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY FOR IT?
Novela JuvenilAlam mo sa sarili mong straight ka talaga. Ngunit nagbago ang lahat simula nung makilala mo siya. Ngayon ay tinatanong mo na ang sarili mo kung kaya mo bang gawin ang lahat para lang maangkin mo siya. Handa ka na ba? Samahan natin sina Lionel Cruz a...