Chapter 10

168 5 0
                                    

Lionel

6:45 am.

Ang bilis lumipas ng mga araw dahil ngayon ang simula ng muling pagpasok ko sa St. Therese Academy. Sa loob ng dalawang linggong pagkaka-expell ko sa klase ay maraming naganap sa buhay ko.

Mmk lang ghorl? Charott.

Isa na nga dito ang pagbabago sa anyo ko. Ngayon pa lang ay inihanda ko na ang sarili para sa mga susunod na kabanata ng aking buhay.

Nagiging makata na yata ako kakatagalog ng bongga.

Bumaba na ako sa kwarto para mag agahan. Kasalukuyang naghahanda si mama ng mga pagkain kaya sakto rin ang pagbaba ko.

Habang kumakain kami ay napapansin kong hindi ginalaw ni mama ang kanyang pagkain.

"Ma, may problema ba?", tanong ko.

Hindi sumagot si mama. Kaya tiningnan ko ito.

Hayy naku. Si mama talaga. Hindi pa rin makapaniwala.

Nakatitig pa rin si mama sakin kaya kinawayan ko ito.

"Mama, kung hindi ka kakain, ako ang kakain niyan, gutom pa naman ako."

Kaya tumigil na rin ito kakatingin sakin at nagsimula ng kumain.

-----------------------------

7:03 am.

Sinadya ko talaga na maaga akong papasok sa campus ngayon para hindi ako maabutan ni Max dito malapit sa sakayan ng jeep.

Nakasuot ako ng hoodie, shades, at mask para walang makakapansin sa mukha ko.

Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin nila sakin.

Hindi pa rin ako sanay na nagbago ang anyo ko. Baka magtaka pa sila kung bakit bigla akong nagkaganito.

Papalapit na ako sa sakayan ng jeep nang may bumusina sa likuran ko kaya sa sobrang gulat ay nilingon ko kung sino ito.

Kung minamalas ka nga naman.

Bubuksan na sana ni Max ang sasakyan nito kaya nagmamadali akong tumakbo sa jeep para makasakay agad at hindi na niya ako mahabol pa.

"Hey! Where are you going?", sigaw nito.

Tiningnan ko lang ito sabay pakita ng nakakalokang ngiti at binelatan si Max. Natawa naman ako dahil sa hitsura ni Max. Nakabusangot ang mukha nito na akala mo ay inagawan ng lollipop.

Nakasabay agad ako sa jeep sa may dulo.

Okay lang na hindi ako nakaupo sa unahan basta hindi ako naabutan ni Max.

Kaya walang nagawa si Max kundi bumalik sa sasakyan nito habang sinusundan ang jeep.

Nakatingin lang sa akin ang mga taong nakasakay sa jeep dahil sa suot ko ngayon.

Sino ba naman ang hindi makakapansin nitong suot ko? Baka napagkamalan pa nila akong magnanakaw nito.

Hindi ko na lang sila pinansin pa. Nakatingin lang ako sa sasakyan ni Max na nakasunod pa rin sa sinasakyan ko. Alam kong nakikita niya ako mula rito kaya kinuha ko sa bag ang papel at pentelpen at nagsulat.

"Hahahaha. Hindi mo ako nahabol."
Ipinakita ko sa kanya ang sinulat ko.

Yaya dub? Is dat you? Parang aldub lang ghorl?

Alam kong naiinis na siya ngayon dahil huminto ang sasakyan nito. Maya-maya lang ay binuksan nito ang bintana at ginaya niya ang ginawa ko.

Middle finger ang ginuhit niya sabay pakita sakin.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon