Chapter 2

252 7 1
                                    

Lionel

Pagkatapos ng pagkikita namin ni Pearl sa cafeteria ay umalis na rin ako para bumalik sa room.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon nang may narinig akong akong kalabog at ungol. Sa bandang gilid nanggaling ang tunog kaya dahil sa curiosity ay sinundan ko ito hanggang sa mapadpad ako dito sa...cr?

Ano kaya iyon?

Dahan-dahan akong lumapit para walang makapansin sa akin at kada lapit ko ay palakas ng palakas ang aking naririnig. Kaya sinilip ko kung ano ang nasa loob ng cr.

"Ughhhhh... make it harderrr..."

"Uhmmm... ang laki naman nito"

Natutop ko ang aking bibig at tila nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa nasaksihan ko ngayon.

Juskoooo Lordddd. Patawarin niyo po ako sa aking nagawang kasalanan. Hindi ko po sinasadya. Ngayon lang po ako nakakita ng live show. Myyy goddddness. My virgin and innocent eyes, wala naaaaa!!!

Pilit kong siniksik ang katawan ko sa isa sa mga cubicle doon kahit na mataba ako habang patuloy ang panonood sa kanilang tatlo na gumagawa ng milagro.

Wowww ha. Hindi lang isa kundi dalawa pa ang nakaluhod sa kanya. Grabe naman kayo ghorl.

Hindi ko naman kasi nakikita ang itsura ng lalaki dahil nakatalikod ito mula sa tinataguan ko.

Habang nanonood sa kanila ay may maganda at nakakalokang sumagi sa aking isipan kaya kinuha ko ang aking phone mula sa aking bulsa at kinuhanan sila ng video.

Hmmmmm. At dito pa kayo gumagawa ng milagro ha!! Pwes, makakarating din ito sa dean. Tingnan lang natin kung hindi kayo sisikat pagkatapos nito. Maswerte ka boy dahil nakatalikod ka, demonyong halakhak ko sa aking isipan.

Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng video. Pero hindi pa umabot ng isang minuto ay biglang tumunog ang aking phone at pagtingin ko sa screen ay tumatawag si Pearl.

Bwiset. Bakit ngayon ka pa tumawag? natatarantang sigaw ko sa sarili.

Biglang huminto ang tatlo sa kanilang ginagawa at nagpalinga-linga kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

"Sino iyan?", tanong ng isang babae.

Hindi ako sumagot bagkus ay isiniksik ko pa ang aking sarili para hindi nila ako makita.

Juskooo. Baka makita nila ako dito.

Todo sa kakahanap ang tatlo kung saan nanggaling ang tunog na iyon nang tumunog na naman ang phone ko kaya napalingon ang lalaki sa kinaroroonan ko kung saan ako nakatago.

Mas lalo akong kinabahan ngayon dahil papalapit na ang lalaki dito habang inaayos ang pagsusuot ng pantalon nito. May namumuo na namang pawis sa aking noo dahil sa tensiyon na nararamdaman ko ngayon.

Lord. Help me pleaseee. Sana hindi ako mahuli nito.

Dito ay malapit na akong mapasigaw dahil iyong lalaki na nakita namin ni Pearl sa cafeteria.....ang gumagawa ng kababalaghan dito sa loob ng cr kasama ang dalawang babae.

Bubuksan na sana nito ang pinto kung saan ako nakatago.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil ako ang nakasaksi sa ginagawa nilang milagro dito.

Dito na ako nagpakawala ng malakas ng hangin nang tinawag ito nung isang babae at saka tumalikod na sa pintuan ng pinagtataguan ko ngayon.

Hayyy. Thank you Lord. Akala ko ay katapusan ko na talaga.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon