Chapter 23

130 7 8
                                    

Lionel

Nakauwi na rin si Pearl sa bahay nila pagkatapos ang isang linggong pananatili sa hospital dahil kailangan pa daw ng ilang medications, sabi ng doctor.

Hindi naman pinabayaan ni tita Helena ang kanyang anak sa pag-aasikaso lalo na si Herbert na palaging busy sa pag-aalaga kay Pearl at kay baby Hubert. Daig pa nga niya ang nurse dahil sa kanyang ginagawa.

Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila tita Helena dahil gusto niyang ipagdiriwang ang panganganak ni Pearl at masayang-masaya siya ngayon dahil mayroon na siyang isang munting anghel na apo. Kasama namin ang mga magulang ni Herbert na kanina pa naghihintay at tumulong na rin sa paghahanda. Nandito rin ang ibang kaibigan ni tita Helena na nandito sa sala na naghihintay sa pagdating nila.

Nauna kaming dumating dito ni Max dahil wala naman kaming magagawa doon sa hospital kaya tumulong na rin kami sa paghahanda.

Kasalukuyan akong nagluto ng adobo dahil alam kong magugustuhan ito ni tita Helena at iyon rin ang kanyang request. Habang abala ako sa paghalo ng mga pampalasa ay napansin kong panay ang tingin ni Max sa akin na nakatayo lang at nakapamewang pa.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?", pagtataray ko sa kanya habang inihalo ko ang manok sa sauce at inilagay sa kalan.

"Wala lang. I'm just thinking that you're now ready para makapag-asawa na", nakapilyong sabi nito kaya napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Paano naman ako mag-aasawa kung wala akong boyfriend?" patuloy kong pagtataray sa kanya.

"Why? Hindi mo ba ako boyfriend?"

Muntik ko nang mabitawan ang dala kong adobo na nasa kalan pa dahil sa kanyang sinabi.

Lionel. Kalma ka lang. Huwag kang marupok.

"S-sinasagot na ba kita?", sagot ko sa kanya.

"Well, not now. So be ready kung sasabihin mo na sa akin ang matamis mong 'oo' because if that happens", putol niya sa kanyang sinabi at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga.

"Expect that I'll be your posssessive boyfriend", bulong nito dahilan para magkaroon ng kakaibang sensasyon ang katawan ko ngayon.

Halos manghina ang tuhod ko dahil sa kanyang sinabi. Nagsimula na ring bumilis ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam pero ang lakas ng epekto sa akin ng kanyang binulong at dinagdagan pa ang kanyang boses na napakasarap pakinggan na mas lalong...teka lang

Kinikilig na naman ako? Juskoooo. Pigilan mo ang sarili mo Lionel.

"T-tabi ka nga d-dyan. H-hindi ka n-nakakatulong d-dito", nauutal kong sabi sa kanya at pilit pinapakalma ang sarili.

"Why so affected my dear?", pang-aasar niya sa akin kaya dahil sa inis ay binato ko siya ng kutsara pero bago ko pa iyon magawa ay nakatakbo na agad siya papuntang sala at lumingon pa siya sa akin sabay kindat.

"Bwiset ka talaga Max", sigaw ko sa kanya at tinapos ko na ang pagluluto.

------------------------------

"Welcome home", sabay naming sabi habang pumapasok sila Pearl, tita Helena, at Herbert na dala ang kanyang anak na si Hubert.

Isang masigabong palakpakan ang maririnig mo sa loob ng bahay nila. Sinalubong naman sila ng mga magulang ni Herbrrt na ngayon ay masayang-masaya. Ngayon ay nakikita kong napaluha si Pesrl dahil sa mainit na yakap na binigay ng kanyang magiging manugang bagamat hindi pa sila kasal ni Herbert ay tinanggap siya ng mga ito nang walang pag-alinlangan. Siguro ay ganun na nga talaga ang nature ng mga parents, kahit anong pagkakamali na nagawa mo ay papatawarin ka pa rin nila at tanggapin bilang anak.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon