Lionel
"Naku. Paano ko kaya sasabihin kay mama ang nangyari sakin?," tanong ko sa sarili.
Sigurado akong magagalit iyon sakin kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bundahe itong ulo ko.
Kasalukuyan akong nag-aabang ng jeep ngayon pauwi ng bahay. Nang pumarada ang sasakyan ay pumasok na agad ako baka maunahan pa ako sa favorite place ko. Gusto ko kasi na nasa unahan ako palagi para makaiwas sa siksikan.
Nagsimula ng tumakbo ang sasakyan. Habang nagmamasid sa di kalayuan ay tumunog ang phone ko at tiningnan kung sino ito. Si Pearl.
"Uyy bakla, napata-", hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumili ito ng pagkalakas-lakas. Parang sasabog na ata itong tenga ko.
"Arayyy ko naman. Bakit ba kasi tumili ka pa? sakit sa tenga!", maktol ko.
"Alam mo ba bakla?"
"Ano?"
Hindi pa ito nagsimulang magsalita nang tumili na naman si Pearl dahilan para mapasigaw ako sa loob ng sasakyan.
Paglingon ko sa likuran ay nakatitig silang lahat sakin na para bang kakatayin na ako sa oras na iyon. Kaya binigyan ko sila ng napakatamis kong smile sabay sabing, "Sorry po"
At ayun. Hindi na nila ako binalingan pa ng attention. Kaya binalikan ko ang tawag ni Pearl.
"Gaga ka talagang bakla ka! Napasigaw pa tuloy ako dito sa sasakyan. Ano ba kasing sasabihin mo? And note, kapag tumili ka pa ay hahampasin talaga kita ng foundation at liptint bukas", pagbabanta ko rito.
"Hindi na ako titili. Hayy eto na nga. Naalala mo ba iyong gwapong tinuro ko sayo nung nandon tayo sa cafeteria?", tanong nito.
Sino ba ang hindi makaalala dun? Eh isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagkaganito itong ulo ko.
"Oh, ano namang meron sa gwapong iyon?"
"Eh siya ang magiging partner ko sa acquaintance natin", maligayang sabi nito.
"Ha?", pag-uulit ko sa tanong nito.
"Bingi-bingihan lang bakla? Sabi ko, si Max ang magiging partner ko sa acquaintance."
"Max?"
"Oo bakla. Maxwelle Alexander Fernandez ang pangalan niya. Ganda diba?"
Ahh. Maxwelle Alexander Fernandez pala ang name ha? maki-search nga sa facebook mamaya. Charottt
Oo nga pala. Malapit na iyong acquaintance party namin. Next week na ata iyon. Dapat may partner ka para makapasok sa loob ng venue.
"Eh bakit hindi ako pinili mong partner bakla? Diba bestfriends tayo?", maktol ko
"Sabi kasi ng proof namin kanina. Dapat hindi kayo magkakilala o di kaya'y close ng magiging partner mo. Kaya nga acquaintance diba? Getting to know each other. At saka malay mo, baka ma-develop yung feelings niyo sa isa't isa. Hayy, excited na ako para sayo bakla", kinikilig sa sabi nito.
"Naku, tigilan mo nga ako bakla. Sino namang magkakagusto na maging partner ko? Sa laki kong ito? Meron pa kaya? Dapat tulungan mo akong makahanap ng partner bakla, please?", pagmamakaawa ko rito.
"Don't worry bakla, akong bahala sayo."
"Sabi mo iyan ha? Wala ng bawian", paninigurado ko.
"Oo nga. Sige, paalam na bakla"
"Sige bye!", paalam ko rito.
Pagkatapos ng kwentuhan namin ni Pearl ay eksaktong malapit na rin ako sa bahay namin kaya pinahinto ko na ang sasakyan at maglalakad na lang ako. Tutal, nakikita ko na naman ang bahay namin sa di kalayuan.
Pagkalabas ko palang sa sasakyan ay halos lumuwa na ang aking mata sa nakita ko.
"I-ikaw?", gulat na tanong ko.
"A-anong ako?", kunot-noong tanong rin nito.
Iyong lalaki. I mean si Max. Nandito siya sa harapan ko.
"Ah. Hehe wala naman. Sige.", sabi ko sabay lakad papalayo sa kanya.
"Hey! W-hat about me?", naguguluhang tanong nito.
Sa halip na sagutin ko siya ay mas binilisan ko pa ang paghakbang para hindi na niya agad ako masundan pa.
Bakit ba nandito si Max? Sinusundan niya ba ako?, tanong ko sa kabilang isipan.
Naku. Assuming ka naman ghorl. Hindi ba pwedeng taga-rito din siya?, sagot naman sa kabilang isipan ko.
"Baka nga taga rito din siya", bulong ko sa sarili.
Pero teka lang. Kung taga rito talaga siya, bakit ngayon ko lang siya nakikita?
Sa dami kong iniisip ay hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harapan ng aming bahay. At hindi ko rin namalayan na nahulog pala ang wallet ko.
Akmang kukunin ko sana ang nahulog kong wallet nang may bumundol sa likuran ko at saktong nakatuwad pa ang posisyon ko.
A-ano yung bagay na bumangga sa pwetan ko?
Napalingon ako kung sinong taong iyon ang nakabangga sa akin. At kung minamalas ka nga naman.
"BASTOS KA! BAKIT MO GINAWA SA AKIN IYON? ALAM MO BA NA PWEDE KITANG KASUHAN NG HARASSMENT NGAYON? AT DITO PA SA HARAP NG BAHAY NAMIN? WALANGHIYA KA MAXXX!!!", galit kong sigaw rito.
"Oh, is it my fucking fault? Eh sino ba ang tumuwad sa harapan ko? Diba ikaw iyon? And how do you fucking know me?, sigaw rin nito.
"WALA KA NG PAKIALAM KUNG PAANO KO NAKUHA ANG PANGALAN MO. AT SAKA EXCUSE ME. FYI LANG HA, KAYA LANG NAMAN GANITO ANG POSISYON KO DAHIL PINULOT KO IYONG WALLET KO. NAKITA MO NAMAN ITO DIBA?", sabay pakita ko sa wallet ko.
Sasagot pa sana ito nang biglang sumigaw si mama.
"Hoy Lionel. Bakit ba nagsisigaw ka diyan?
Kaya bago pa ako sumagot kay mama ay tiningnan ko ng masama si Max.
"May araw ka rin sakin, Maxwelle Alexander Fernandez.
To be continued...
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY FOR IT?
Novela JuvenilAlam mo sa sarili mong straight ka talaga. Ngunit nagbago ang lahat simula nung makilala mo siya. Ngayon ay tinatanong mo na ang sarili mo kung kaya mo bang gawin ang lahat para lang maangkin mo siya. Handa ka na ba? Samahan natin sina Lionel Cruz a...