Lionel
"So, sinasabi mo ba na you're worthless?", tanong nito.
"Parang ganun na nga", sagot ko.
Tama naman diba? Sino ba naman ang magkakagusto sakin? Waley. Nganga ka ngayon Lionel.
"Then I'll prove that you're wrong".
Kumakabog na naman ang dibdib ko.
Anong ibig sabihin niya?
Juskoooo Lionel. Ano na ang nangyayari sayo?
Hindi pa rin tumitigil sa pagkabog ng puso ko nang malakas. Sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya nung nasa rooftop kami ay para akong nakukuryente.
Max. Anong ginawa mo sa puso ko?
------------------------------
Kasalukuyan akong nasa gate ng campus para pumasok nang may humarang sa aking harapan.
Unti-unti silang lumapit sakin at nagsimula na nila akong pinalibutan. Apat na lalaki ang pumalibot sakin at may mga malalaking katawan kaya kinakabahan ako.
"T-teka lang. A-anong kailangan n-niyo s-sakin?", nauutal kong tanong.
Pero imbes na sagutin nila ako ay hinawakan ng apat na lalaki ang kamay at braso ko para hindi ako makagalaw. Tinakpan nila ang mata ko para wala akong makita na kahit ano.
"Hoy! A-anong gagawin niyo sakin?"
Gaya ng dati ay wala pa rin akong nakuhang sagot kaya nagpupumiglas na ako sa kanila pero sadyang malakas sila at marami pa kaya wala akong nagawa kundi tumigil na rin.
"Nakahanda na ba ang lahat?", iyan ang narinig ko sa isa sa mga dumakip sakin.
Nakahanda? Anong nakahanda na? Anong gagawin nila sakin? May fraternity ba dito at ako ang irerecruit nila? Whaaaaah!
"Yes boss. Nakahanda na po ang lahat."
Mas lalo akong kinabahan sa mga naririnig ngayon. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sakin. Ikalawang beses na akong nadakip at...
Teka lang. Baka may kinalaman si Mr. A. dito kaya dinakip niya ako ulit.
"Mr. A? Ikaw ba iyan?", nagbabasakali akong siya ang may pakana nitong lahat.
Wala akong natanggap na sagot kaya nagsimula na akong magreklamo.
"Hoy! Bakit ba hindi niyo ako sinasagot? Mga pipi ba kayong lahat?", para na akong tanga dito kahit wala naman akong nakikita.
"Sagutin niyo nga ang-", hindi ko na natapos ang pagsasalita nang pinaupo nila ako.
"Arayyy!"
Ang sakit naman ng pagkakaupo nila sakin. Nararamdaman ko na lang na tinali nila ang mga kamay ko sa upuan kaya hindi ko na kayang makagalaw pa.
Ang tanging naririnig ko ay ang bulungan ng mga tao sa paligid ko.
Teka lang. Ano ba talaga ang nangyayari?
Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na di na alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan.Iyan ang naririnig ko ngayon. Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam ang mga nagaganap.
Bigla namang may kumuha sa takip ng mata ko kaya napakurap-kurap pa ako.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nasaksihan ko ngayon. Iginala ko ang mga mata ko.
Nandito ako ngayon sa gymnasium ng campus habang nakaupo at may tali ang mga kamay. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa kinaroroonan ko habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY FOR IT?
Teen FictionAlam mo sa sarili mong straight ka talaga. Ngunit nagbago ang lahat simula nung makilala mo siya. Ngayon ay tinatanong mo na ang sarili mo kung kaya mo bang gawin ang lahat para lang maangkin mo siya. Handa ka na ba? Samahan natin sina Lionel Cruz a...