Lionel
"Oh, heto na ang magiging kwarto mo anak", sabi ni papa habang tinutulungan akong magdala ng mga bagahe ko papasok sa bagong kwarto na pansamantalang tutuluyan ko dito sa barkong tinatrabahuan niya.
Ito ang unang gabi ng pagbakasyon ko. Kaninang hapon ay ipinasyal ako ni papa dito sa cruise ship para daw magiging familiar ako dito. Naaliw naman ako habang nakamasid sa bawat lugar na mapupuntahan namin ni papa.
Isa-isa niyang sinabi ang mga patakaran dito sa loob ng barko at naintindihan ko naman iyon.
Matapos akong tulungan ni papa sa pagbubuhat ng mga gamit ko ay umalis muna ito saglit dahil meron pa daw siyang aasikasuhin kaya ako na lang ang naiwang mag-isa dito.
Matagal kong pinagmasdan ang kwartong tinutuluyan ko. Ang ganda ng pagkakagawa nito. Halos kulay puti ang makikita mo sa buong kwarto mula sa kama, sa mga gamit, at pati ang sahig ay puti rin. May bintana rin ang naturang kwarto kung saan makikita mo ang buong kalawakan ng dagat kaya pinuntahan ko ito at binuksan para makalanghap ng sariwang hangin.
Ang sarap sa pakiramdam.
Tila nawala ang pagod ko sa paglilibot dahil sa preskong hangin na dumampi sa katawan ko. Sinamahan pa ang napakatahimik at payapang alon ng dagat kaya mas lalong nakapanghinahon ng isip.
Nawala lang ang pagmumuni ko nang bumukas ang pinto at tinawag ako ni papa para maghapunan na kami kaya lumabas na ako at sinundan siya.
------------------------------
Kasalukuyan akong nagpapahangin dito sa ibabaw ng barko pagkatapos naming kumain. Bumalik na rin si papa sa trabaho dahil ngayon ang schedule niya hanggang umaga habang nagpapahinga naman ang mga kasama niya.
Kaunti lang mga tao dito na kagaya ko ay nagpapahangin rin. Sa di kalayuan ay may napansin akong parang may nagsisigawan. Sa may bandang dulo ata iyon. Hindi ko kasi gaanong nakikita ang mga mukha nila dahil naka dim lang ang mga ilaw dito.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!", narinig kong sigaw ng babae.
"Please give me a chance. I won't do it again" pagsusumamo naman nung lalaki.
Kaya dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan nila para maki-chismis.
"Sige na, pagbigyan mo na ako", pamimilit pa rin nung lalaki.
"Bitawan mo ako sabi."
Hindi na nakapagtimpi pa ang lalaki kaya mas lalo pa niyang nilapitan ang babae.
"Ahh. Ganun pala ha!"
Hinawakan ng lalaki ang braso ng babae at akmang sasampalin na niya sana ito kaya sa pagkagulat ay dali-dali kong hinarang ang sarili at pinigilan ang kamay ng lalaki.
"Hoy! Lalaki ka ba talaga? At may balak ka pang sampalin ang isang babae?" sigaw ko at inilayo ang babae para hindi na ito masaktan.
"Sino ka ba? Huwag ka ngang makialam dito"singhal rin nito sa akin.
"Wala kang pakialam kung sino ako. Hindi mo dapat sinasaktan ang mga babae."
Susuntukin na sana ako nito pero naalerto agad ako at sinuntok ito sa labi dahilan para pumutok at magdugo ito. Bagsak ito sa sahig kaya bago pa ito makabangon ay inilayo ko na ang babae at pumunta sa ibaba para ireport ang nangyari.
"Okay lang po ba kayo?", tanong ko sa babae na ngayon ay nakaupo na at kasalukuyang inilalayan ng mga tauhan dito sa barko.
"Thank you for saving me", sagot naman nito.
"Naku, wala po iyon. Dapat lang na suntukin ang lalaking iyon dahil hindi makatarungan ang ginawa niya sa iyo."
"Thank you again", muling wika nito.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY FOR IT?
JugendliteraturAlam mo sa sarili mong straight ka talaga. Ngunit nagbago ang lahat simula nung makilala mo siya. Ngayon ay tinatanong mo na ang sarili mo kung kaya mo bang gawin ang lahat para lang maangkin mo siya. Handa ka na ba? Samahan natin sina Lionel Cruz a...