Chapter 13

153 3 1
                                        

Lionel

Ang tanga-tanga mo talaga Lionel. Bakit mo naman iyon sinabi sa kanya, sigaw ng isang isipan ko.

Tama naman ang sinabi mo Lionel. Hindi naman kayo magboyfriend kaya walang karapatan si Max na magalit sayo, sagot rin ng isa ko pang isipan.

Iba nga talaga ang mga kinikilos ni Max kanina. Noon ko pa lang din iyon napapansin nung nakita ko siya sa cafeteria. Nakakuyom ang kanyang kamao habang tinitingnan kami ni Herbert na nagpakilala sa isa't isa. Kanina naman ay galit na galit ang kanyang mukha na animo bulkan na handa ng sumabog sa sobrang pula ng mukha nito. Kulang na lang ay uusok ang tenga at ilong ni Max sa galit niya sakin kanina. Hindi naman big deal ang paghalik ni Herbert sakin eh. Nagulat lang ako kaya hindi ko agad nagawang magpumiglas pa.

Pero teka lang. Bakit naman magagalit si Max nang dahil lang sa halik na iyon? Hindi kaya...

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi sa naiisip ko ngayon.

Gusto ako ni Max?

Iyan lang naman ang naiisip ko kanina pa.

Posible kaya iyon? Na gusto ako ni Max? Pero bakit?

Gaga ka talaga Lionel. Paano ka magugustuhan ni Max eh napaka straight nung lalaking iyon. Hindi iyon magkakagusto sa isang katulad mong hindi naman babaihan. Babaero pa ang bastos na iyon, sigaw ng isa kong isipan.

Pero bakit naman magpapakita ng motibo si Max kung hindi ka niya gusto, diba?, sigaw rin ng isa ko pang isipan.

Hayy. Nakakaloka naman. Paano ko naman malalaman kung gusto ba niya ako o hindi.

Inihiga ko na ang aking katawan sa kama nang maalala ko ang ibinigay ni Max sakin kanina. Kaya kinuha ko ang bag at binasa ang nakasulat dito.

Maxwelle Alexander Fernandez's birthday

July 20 @ 8:00 pm

You're invited.

Iyan ang nakalagay sa invitation card na binigay ni Max sakin kanina.

Kung ganun, birthday pala niya?

Gaga ka talaga Lionel kahit kailan. Nakita mo naman sa invitation card diba? Birthday ni Max ang nakalagay at hindi lamay ng patay. Nakaka stress ka ng bangs.

Anong petsa na ba ngayon?

Kaya pumunta ako sa sala namin at tiningnan kung anong date ngayon.

July 17.

Naku. Malapit na pala ang kanyang birthday.

Pero teka lang. Bakit naman niya ako iniimbitahan? Hindi naman kami gaanong close. Pupunta ba ako o hindi?

Naglakad-lakad ako ngayon sa kwarto ko habang nag-iisip ng desisyon kung pupunta ba ako sa birthday ni Max o hindi.

Pupunta ba ako? O hindi?

Pupunta? O hindi?

Pupunta? O hindi?

Kung pupunta ako, mabubusog kaya ako?

Kahit kailan talaga. Pagkain ang palagi mong inaatupag.

Kung hindi na lang kaya ako pupunta? Wala naman akong kasama papunta sa birthday niya eh.

Hindi pwede. Siguradong magagalit na naman iyon.

Kung pupunta ako, ano naman ang gagawin ko doon?

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon