Chapter 6

181 5 0
                                    

Lionel

Today is Thursday.

Ang lahat ay naghahanda na para bukas.

Ang Acquaintance Party.

Ngayon pa lang ay makikita mo na kung gaano kahanda at ka-excited ang mga estudyante pati na ang mga guro dahil sa kanilang ipinapakitang effort sa pagdidisenyo sa gymnasium. Doon gaganapin ang party bukas.

Dito palang sa kinatatayuan ko ay makikita mo na ang magandang decoration sa gym.

Kaya sa pagkamangha ko rito ay pumasok ako sa loob para matunghayan kung gaano ito kaganda.

Pagkapasok ko ay ang naglalakihang mga disco balls ang una kong nakita na nakalagay sa gitna at sa magkabilang gilid ng stage. Nag-aagawan rin sa dami ng kulay ang mga crepe paper na hugis parihaba ang pagkakatabas na nakasabit sa ceiling na parang isang chandelier. Sa gilid naman nakapwesto ang mga lamesa na nilagyan ng mga palamuti para maging presintable at kaaya-aya pagmasdan. Sa gitna ay may malaking espasyo para sa mga estudyanteng gustong sumayaw kung sakaling magsimula na ang party.

Hindi rin nagpahuli ang mga disenyo na nakalagay sa labas. Mula sa gate patungo sa main door nakalagay ang red carpet kung saan lalakad kayo kasama ng magiging partner mo. Sa mismong pintuan nakalagay ang isang mini stage para sa gustong magpakuha ng picture. Sa ibabaw naman ng main door nakalagay ang katagang Welcome back to 90's na nilagyan ng dalawang dim light para mas nakakaakit tingnan lalo na kung sumapit ang gabi.

Vintage Retro Style.

Iyan ang napagpasyahan ng dean namin na maging theme para sa taong ito.

Kaya kanina pa lang umaga ay kinukulit na ako ni Pearl na magpunta sa mall para mamili ng aming susuotin. Gusto ko sana na simple lang ang outfit ko para bukas pero hindi pumayag si Pearl at ito na nga ang namili ng mga damit na nababagay daw sa akin.

"Ito bakla oh! Tingnan mo ito. Bagay na bagay sayo" sabay pakita niya sa akin ng isang maliit na polo.

Nang-aasar ba itong babaeng ito? Kaloka!

"Tigilan mo na nga ako bakla. Paano ba magkakasya sakin iyan?" reklamo ko.

"Ayy. Oo nga noh? Gaga ko talaga. Sayang naman nito", sabay balik sa damit na kinuha niya.

Halos nalibot na namin ang buong mall pero hindi parin ako nakapili ng magandang isusuot ko para bukas. Kaya huminto muna kami sa paglilibot at pumasok sa Jollibee.

Pagkapasok pa lang namin ay agad bumungad sa amin si Max kasama ang isang babae na nakapwesto malapit sa exit area.

Iyong babae. Kasama na naman niya? Ulit?

Ang babaeng kasama niya ngayon at iyong babaeng nakita ko sa cr kung saan sila gumawa ng kababalaghan ay iisa. Nakasuot ito ng maiksing short at naka spaghetti strap lang ito na halos lumuwa na ang hinaharap nito sa sobrang laki.

Napalingon ito sa kinaroroonan namin at nung nagtagpo ang aming mga mata ay umiwas ito ng tingin sa akin at ibinaling sa babaeng kasama niya.

Anyare sa kaniya? Iniiwasan niya ba ako? Pero bakit naman?

At dito ko napagtanto ang mga nangyari kahapon doon sa cafeteria.

Flashback.

"Sabihin mo nga sa akin bakla. Sino iyan?"sabay turo sa ilong ko na hanggang ngayon ay namumula pa rin.

"W-wala."

Ayoko namang aminin sa kanila na may crush ako kay Max noh? Mas lalo lang akong aasarin ni Pearl.

ARE YOU READY FOR IT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon