Sa isang napakalayong isla somewhere over the Pacific mayroong itinayong military base. Ang totoo niyan, pang front lang yung military base pero isa talaga itong malaking containment facility na dinisenyo para ikulong ang isang High Level Threat Prisoner of War. Napapalibutan ito ng mga barkong pandigma at matataas na sementong pader. May mga sundalo na nag roroutine exercise sa paligid at mga military truck na rumuronda, meron ding iilang tangke na nakapark. Sa gitna nito ay may isang dome at sa luob nito ay ang containment facility. Madaming sundalo sa luob nito, mga utility personnel at ilang scientist. Mula dito ay mayroon pang Elevator papunta sa napakalalim na parte ng facility at mula duon ay may iilan pang mga sundalo at scientist. Mayroong isang malaking kwarto na napapalibutan ng puting kulay at nagmimistulan itong mental hospital. Ang pinto nito ay gawa sa reinforced concrete at mayroon itong parteng salamin na ginagamit upang icheck ang status ng nakakulong sa luob. Sa luob ng mismong kulungan ay mayroong pod, napakalamig sa paligid nito at patuloy na finifreeze ang temperature sa paligid nito upang di magising at makagalaw ang taong nakakulong sa luob nito, walang iba kundi si Psion.
Sa kasalukuyan ay may dalawang sundalo na nagbabantay sa mismong containment cell. "Uy pre, tara panuorin natin yung live stream nung mass wedding ng mga kaibigan natin sa mainland" sabi nung isa. "sige, tara". Lingid sa kaalaman nung dalawa habang sila ay nanunuod sa monitor ay nanunuod din mula sa glass na tinginan si Psion at nasasaksihan ang mass wedding mula sa monitor. Dala ng pait ng nakaraan niya, unti unting nabuhay ang namahinga niyang will para lumaban. Ginamit niya ang galit na namumuo sa puso niya bilang lakas ng pag iisip, habang busy na nanunuod ng mass wedding ang dalawang sundalo sa live stream, unti unting natanggal ang fire extinguisher na nakakabit sa gilid at bigla itong tumama sa ulo ng isa sa mga sundalo, nagulat din ang isa pang sundalo ngunit bago pato makapag react humampas na din sa mukha niya ang fire extinguisher at paulit ulit na humampas sa mukha ng nakaratay na sundalo hanggang sa di na ito makilala at duguan na. Pagkatapos ay dahan dahan iniangat ni Psion ang katawan nung unang sundalo gamit ang psionic abilities niya na magpagalaw ng mga bagay o kumontrol ng tao. Inilagay niya ang kamay nito sa scanner upang mabuksan ang pinto ngunit di pala ito sapat dahil kailangan pa ng password, out of frustration inihagis ni Psion sa pader ang sundalo at mula sa loob ay nagconcentrate sya sa freezing machine na nakalagay malapit sa pod nya, inihampas nya sa pader dahilan para sumabog ito at mag apoy iniangat niya makinarya at inikot ikot ng mabilis sa paligid upang mabilis na matunaw ang yelong namuo sa kanya. Pagkatapos nito ay sinipa na niya ang glass cover ng pod niya, inistretch ang mga braso nya na at leeg, tumunog pa ito dahil matagal na hindi nakagalaw si Psion. Lumakad na sya at ikinumpas ang kamay sa may concrete na pinto at tumalsik ito na parang isa ng papel na nilukot lang. "WARNING CONTAINMENT AREA BREACHED". Yan ang malakas na paulit ulit na inaanounce sa Speakers, tumunog ang sirena sa itaas at naalerto ang lahat ng mga tao sa isla. Sumakay na sa elevator si Psion at umakyat sa taas, habang naghihintay ng byahe ay biglang pumasok sa isip niya ang masasakit na alaala niya mula ng pagkabata niya hanggang sa mga huling yugto ng ikaapat na digmaang pandaigdig. Ginagamit niya ang galit sa puso niya bilang lakas na pinaghuhugutan ng kakayanan niya. Walang ano pa man ay biglang huminto ang elevator sa gitna ng byahe nito, napatingin si Psion sa paligid at napansin ang isang camera na nakatutok sa kanya tinitigan nya ito ng maige at ang taong nanunuod mula sa kabila nito ay biglang nanigas sa kinatatayuan niya, di mapigilan ng sundalo ang sarili na pindutin muli ang "GO" para sa elevator. Pagkatapos ay humugot siya ng baril saka itinutok ito sa ulo niya, nasambit pa ng sundalo na "Maawa ka sakin please". Sumagot si Psion na nakatingin sa camera ng "Nagpakita ba kayo ng awa sakin?" saka ngumisi at kinalabit na ng sundalo ang trigger.
Samantala pumwesto na sa taas ang napakaraming sundalo, gumawa na ng barricade lahat nakatutok na sa pinto ng elevator, puno ng kaba ang mga ito at nakahanda ng magpaputok once bumukas ang pinto. Nang makaakyat na ang elevator tumunog ito at bumukas ang pinto saka din nagpaulan ng bala ang mga sundalo ng matigil ang pamamaril at humupa ang usok, nakita nila si Psion na nakatayo sa luob walang galos, lahat ng bala nila ay nakalutang at nakahinto lang mid air, nakayuko si Psion at ng tumango ito ay isa isang nagbagsakan sa lupa ang mga bala. Ngumiti si Psion at ang mga baril ng lahat ng sundalo sa harap nya ay bumitaw sa pagkakahawak nila at tumutok pabalik sa kanila, napalunok pa ang isang sundalo sa takot. Umapak na palabas ng elevator si Psion at nagumpisa ng pumutok ang mga baril, nakangiti lamang siyang lumagpas sa mga duguang katawan nito. Nakalabas na si Psion sa Containment dome at nanariwa ang pakiramdam niya ng maarawan siya, sakto namang may dalawang tangke na humaharurot papunta sa kanya iniangat niya ang kamay niya at lumutang yung isang tangke at tumilapon sa isa pa tsaka ito sumabog. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Psion at pumasok sa isang maliit na office, mukhang ito ang data center ng facility, kinuha nya ang USB at tsaka dinownload ang mga files ng mga military personnel at military bases sa isang computer. "Marami akong dapat kamustahin". Natapos na ang download, at lumabas sya saktong may paparating na helicopter sa kanya at nagfire ito ng missile ngunit umikot lang ang missile at bumalik sa helicopter saka ito sumabog. "Kahit kelan wala talagang may gustong gumamot sakin". malungkot na sabi ni Psion sa sarili. Nagpatuloy si Psion sa paglalakad palabas ng Military base ng may makita syang barkong pandigma sa gilid ng pampang, naka hinto lang ito. Iniaangat ni Psion ang isang kamay na para bang may binubuhat na mabigat kasabay nito ang paglutang ng barko mula sa tubig tsaka niya inihampas ang isang kamay na para bang may hinati sya sa ere tsaka naman nahati ang barko sa gitna."Kailangan ko ng umalis dito, dadami pa ang gusto manakitnsakin" sabi niya sa sarili. Di namalayan ni Psion na sa tindi ng lakas na ginagamit niya natuluyan ng nagbago ang kulay ng isa pa niyang mata at pareho na itong kulay asul. Nakayanan nadin niyang palutangin ang sarili ng bahagya mula sa lupa at ginamit nya ang kakayahang ito upang makalayo sa isla..."Magbabayad kayong lahat ng nanakit sa akin". Ang huli niyang sinabi bago tuluyang maglaho sa paningin ng isla.-End of Chapter 01-
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.