13-Awakening

1 0 0
                                    

PSION'S POV

I saw myself, I was running away, running away from people who... wanted to hurt me.....

Sumisigaw sila ng bakla! Makasalanan! Isa kang kamalian! Sunugin!

Along the way, may nakita akong lalake, may kahalikan at tumingin sya sakin, nagsalita siya ng

"ang gusto ko kasi lalaking lalake, sa kanya lang ako masaya, preference ko to"

Tsaka nagpatuloy sa pakikipaghalik sa lalake, nilagpasan ko sila at nakita ko ang isa pang lalake, naka tayo along the way, lumuluha siya ng dugo, humihingi ng hustisya sa pagkamatay niya

"Psion, sinaktan nila ako wag mong hayaan na saktan ka din nila"

Sumunod naman ay isang babae na nakaupo sa gilid at hinalikan sa pisngi ang batang nakatalikod na nakahiga, sinubukan niyang ihele ito pero pinigilan sya ng mga taong humahabol sakin..

Sa dulo ng madilim na kwebang tinatakbuhan ko ay may liwanag, mula duon ay may boses na tumatawag sakin...

"Psion, wake up...its time, they made your life miserable now its your time to return the favor"

Patuloy akong tumakbo papunta duon sa liwanag at ng marating ko ang dulo ay dumilat ang mata ko.

Nasa luob ako ng isang glass pod, bumukas ito at lumabas ako. Pagkalabas ko ay napapalibutan ako ng mga taong nakaluhod at nakahalik sa lupa, binati nila ako sa pangalan ko at nagmamakaawang tulungan sila mula sa mga nang aapi. Dahil dito ay tinignan ko ang mga papalapit sa lugar namin na mga sundalo, tangke, helicopter at jet fighters, sila ang nakita kong mga nang hahabol at gustong manakit sakin sa aking panaginip. Nag umpisa akong umangat ng bahagya sa lupa at habang nakalutang ako sa hangin, sinadya kong pagalawin ang alikabok at usok sa paligid, binalot ko ng makapal na usok ang lugar upang magdulot ng kalituhan sa kalaban, unang pumasok ang mga jet fighter at pinagbangga ko ito sa isa't isa na parang kotse kotsehan sa ere, sumunod ang mga helicopter at tinanggal ko ang mga elisi nito at tsaka hinagis sa mga sundalo upang mahati ang mga katawan nila, mula sa malayo ay nakita ko ang isang heavy bombarder Plane, kinumpas ko ang kamay ko na parang nanghahatak ng saranggola at bumagsak ito sa lupa, sumunod ang mga tangke, iniangat ko ang mga kamay ko at tumaob ang mga ito, itinaas ko ang kamay ko at kasabay nito ay umangat ang isang tangke mula sa lupa, iwinasiwas ko to sa ere saka ginamit pang hampas sa mga papalapit na sundalo na para ba akong pumupukpok ng pako, sobra sobra ang galit na nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako ng buong mundo dahil lamang sa pagkatao ko, lahat sila gustong masaktan ako, nagpaputok na ang mga sundalo ngunit tumigil lamang ang mga bala nila at bumalik sa kanila, may naghagis ng granada ngunit ng sumabog ito sa harapan ko ay nababalot ako ng enerhiya ko na prumoprotekta sakin, tinignan ko ng masama yung sundalo at unti unti syang lumutang sa ere habang umiikot at lumulobo, nung sobrang bilog na nya, tinanggal ko ang ulo nya na parang pin sa granada tsaka sumabog ang katawan nya at umulan ang dugo niya sa mga kasama niya. Natakot na ang iba at nag umpisa ng umatras ngunit siniguro kong walang makakatakas, lumutang sila sa ere at pinagbuhol ko ang mga katawan. Naubos ang buong sandatahan nilang sumugod saken at pinahupa ko na ang usok, saktong papasikat na ang araw at lumapag nako sa lupa.

Napakaganda ng tanawin ko, ang papasikat na araw, napakagaan ng pakiramdam ko. Ngunit, sino nga ba ako, ang alam ko lang ay ang pangalan ko at si Eva na nag alaga sakin simula pagkabata at ang Empress na nais kaming itaguyod bilang isang malayang bansa na hindi maaapi ng mapanghusgang lipunan. Hindi ako sigurado kung bakit parang may mali sa memorya ko.Naputol ang pag iisip ko ng may sumisigaw akong narinig na paparating sakin, isang lalaki na sugatan ang tumalon mula sa malayo at aamba ng suntok sakin. Pinigilan ko sya mid air at duon ay hinayaang lumutang, halata ang pag pupumiglas niya mula sa psionic abilities ko pero alam kong wala siyang laban sakin, sinabi ko sa kanya na ang lahat ng pagbabagong ginawa sa kanya ni Eva ay walang binatbat kumpara sakin. Hinawakan ko sya sa pisngi at tinignan ko sya ng mata sa mata, nagtataka ako dahil pakiramdam ko ay magkapareho kaming may galit sa puso at kalituhan sa isip. Bukod pa dun, ay napaka pamilyar nya. Nanghina na sya mula sa pag pupumiglas, naawa ako..hindi ko alam kung bakit... ibinaba ko na sya. Nag iisip padin ako at tinitigan sya ng maige, pinipilit kong intindihin ang sarili ko kung bakit parang napaka pamilyar nya at nagkita na kami somewhere ng biglang tinapunan niya ako ng lupa sa mata, dahilan para pansamantala akong mawalan ng paningin sa sakit, ginamit niyang pagkakataon yun para mailapat ang kamao nya sakin, sinuntok nya ako sa ulo tsaka ako binalibag, pakiramdam ko naalog yung utak ko. Malakas man ang mental abilities ko, ang physical attributes ko pa din ay kagaya ng sa isang normal na tao. Tumalsik ako at tuluyang nagdilim ang paningin ko...

*End of Chapter 13*

PSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon