05- Discovery Channel

1 0 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw at bumalik naman na sa klase si Billy, binati sya ng teacher namin at pinaupo sa upuan nya. "Class welcome back your classmate Billy, He just came from the hospital, he suffered some short term memory loss so he might not remember some events of his life, I ask of you his dear friends if you can help him to recall then do so please. Alright?" Yes ma'am sagot naming magkakaklase. Napaisip ako, pano kung di kaya sya nabagok, nabulgar na kaya ang buo kong pagkatao sa school??? Tsaka paano kung naalala padin niya yung tungkol sakin? Ano ng gagawin ko nito?!

Natapos ang klase at wala pa namang unusual kay Billy, inobserbahan ko sya hanggang sa lunch break pero di na niya ako kinakausap, mukhang limot na nya ang tungkol sa akin. Haaay! makakahinga nako ng maluwag! Plus ansarap pa nitong kinakaen ko, heaven ang sarap sa pakiramdam.

Natapos na ang lahat ng subjects at nag uwian na kami. Sa wakas! Walang pasok bukas! Weekend, makakasama na ako kay mama sa pag titinda niya. Maaga kaming gumising at nag ready, syempre fresh dapat ako at cute kaya punulbohan pako ni mama bago kami umalis ng bahay. Nag umpisa na kaming mag alok alok ng mga paninda niyang pagkaen, syempre ako pabibo naman para makadami kami ng customers. Tanghaling tapat na ng mapagpasyahan naming tumigil muna para kumaen, pagkatapos ay nagpaalam muna ako kay mama para mag banyo. Nung maghuhugas nako ng kamay ay may nalaglag sa bag ko, hala! Nadala ko pala yung headband ni mama! Sinuot ko ito at nag model model sa salamin ng CR pero di inaasahang may pumasok at sa kamalas malasan pa Sanctum Police! "Anong ginagawa mo, ka bata bata mo pa babakla bakla ka na! Halika dito! Sumama ka sakin! Dapat senyo bata pa lang pinagtitino ! Makasalanan!". Huwag po! Huwag po! Wala po akong ginagawang masama! Maawa po kayo sakin! Naiiyak kong pagmamakaawa sa police. Di naman ako pinakinggan nito at kinaladkad ako palabas ng kainan, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nagulat si mama at nagmakaawa sa police.

"Sir! Sir! Pag usapan natin to! Ano pong nangyayari?!"

"Etong anak nyo Ma'am nahuli ko na may suot na headband at pakendeng kendeng sa luob ng CR"

"Pero sir, wala naman pong ginagawang masama yung anak ko, wag nyo naman po ipadala sa correction camp, kaming dalawa na lang po ang magkasama, huwag nyo po sya ilayo sakin, parang awa nyo na"

Nakiusap si mama ngunit bingi ang police at ako naman ay nag pupumilit pumiglas mula sa pagkakahawak nito. Sobra sobra ang takot ni mama na malayo sakin kaya bigla itong nahirapan huminga. Inaatake sa puso si mama! MAAAAMAAAAA!!! Sigaw ko habang umiiyak! Ngunit di ito pinansin ng police, mukhang mas malaking bagay pa para sa kanya ang pagkatao ko kesa sa nag aagaw buhay kong ina. Nakaladkad nako palabas ng police at nasabunutan nako, umaaray na ako sa sakit habang pinagtitinginan ako ng mga tao sa labas pati na ng ibang bata. Nandun din si John at nakatingin din sakin. Walang gustong tumulong sakin, wala namang magagawa si John, nakatingin lang ako sa kanya dahil wala naman din syang balak na tulungan ako. Patuloy padin ako sa pagpupumiglas ng itinulak nako ng police papasok sa likod ng sasakyan. Pagkatapos ay nilock na nya ito at sumakay sa unahan, agad niyang pinaandar ang kotse at umalis na kami sa lugar. Bumangon ako at kinakalampag sya sa bintanang bakal mula sa likod, di niya pinapansin ang pagsusumamo ko. Matapos ang ilang minuto ng byahe biglang natigil ang pag iyak ko at nahimasmasan ako, bumalik ako dahan dahan sa pagkakaupo, ang takot ko ay unti unting napalitan ng galit, naalala ko ang helpless na itsura ni mama sa may kainan at ang mukha ng mga taong walang balak na tumulong samin, pati na ang mga tingin nilang mapang husga. Bumilog ang kamao ko at tinitigan ko ng maige ang rear view mirror, unti unti itong nagcrack at nabasag, dumiretso ang mga bubog sa mukha nung police! Napasigaw sya sa sakit at dahil dun nawala ang concentration nya sa pagmamaneho, tumama kami sa gilid at tumaob ang sasakyan. Gumapang ako palabas ng kotse na sugatan, wala nakong pakialam. Naglakad akong umiiyak at duguan, medyo hindi nako pamilyar sa lugar kaya naupo nalang ako sa gilid habang umiiyak at pinupunasan ang mga sugat ko gamit ang damit ko. Nakasando lang ako at shorts kaya mukha na akong batang gusgusin at walang may gustong tumulong sakin. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad nakabalik nako dun sa may kainan at tinanong ko kung nasaan si mama, nanlumo ako nung sinabi saken nung ale na, di na daw inabutan ng ambulansya si mama. Dahil matagal daw ang naging responde nito, nasawi na si mama sa mismong kainan nato. Para akong nabingi ng mga panahong yun, nawala ang pakiramdam ko sa paligid, tumalikod ako at naglakad paalis na parang lutang na bata. Bumalik sakin ang mga ala ala nung sabay pa kaming kumakaen, yung mga tawanan namin at kulitan, yung pagpapakalma sakin ni mama tuwing umiiyak ako, yung mga yakap ni mama. Lahat yun nawala ng isang iglap, wala man lang akong nagawa. Pinagkait sakin ng ibang tao ang pagkakataon na makasama ko pa sana ang nag iisang mahal ko sa buhay. Wala na... Wala na....

Lumipas ang ilang araw at namuhay na lang ako sa kalye, nangungupahan lang naman kasi kami dati. Wala naman akong pangbayad dahil bata lang ako at wala naman akong pagkakakitaan. I survived daily by scavenging for left over food at the dumpsters, yung patapon ng pagkain sa iba kaya ko pa ngatngatin.

*End of Chapter 05*

PSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon