Sumama nako kay Leomer at isinakay nya ako sa kotse nya, tahimik lang ako habang nasa byahe. Paminsan minsan ay nahahagip ko ang mata niya na nakatitig sakin pero di ko sya pinapansin dahil kinakabahan padin ako sa kung saan niya ako dadalhin. Maya-maya ay huminto kami sa isang building at pumasok kami duon. Umakyat kami sa elevator at pagdating sa 23rd floor ay kumanan kami sa corridor, binuksan niya ang pinto at pinatuloy niya ako sa luob. Pinaupo niya muna ako at kumuha sya ng juice, pagkatapos ay tinabihan nya ako sa sofa at umakbay sya sakin. Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga pagkakataong ito, kinakabahan ako dahil hindi ko naman kilala ng maige si Leomer, napatingin ako sa kanya at nakatitig sya saken, ang ganda ng mata niya, ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nya napaka gwapo pala niya,brown na brown ang mata at singkit, makapal ang kilay, matangos ang ilong, manipis ang labi, makinis na balat, perpektong ngipin, may bigote at balbas sya na maganda ang trim, may kaunting katabaan. Nahypnotize ako sa mga tingin niya, ang kamay niya mula sa pagkaka akbay sakin ay unti unting bumaba, inabot nya ang dibdib ko at nilaro ito, para akong nakukuryente sa bawat ikot ng daliri niya, nag umpisa na syang halikan ako at gumanti nadin ako ng halik, nagpatuloy pa ang mga ginagawa niya at pinaparamdam sakin na ngayon ko lang naranasan.
Natapos ang gabing yun na magkayakap lang kami, nakasiksik lang ako sa dibdib niya at nag iisip. Tama bang hinayaan ko sya na makauna saken? Bakit hindi ako nakapang laban? Bakit kahit di ko siya masyadong kilala ay may nangyare samen? Masyado ba akong desperado sa pagmamahal at atensyon kaya nangyare sakin ito? Bakit parang may nagising sa katawan ko na kakaiba? Nakatulog nalang ako sa kakaisip at pagkagising ko ay wala na si Leomer sa tabi ko. Nag iwan sya ng note na nauna na sya dahil kailangan pa daw nya atendan ang mga meetings nya. Pagkabangon ko ay tumingin muna ako sa paligid, ang ganda ng view mula sa condo niya, sana naisipan man lang niya na bigyan ako ng pang agahan pero baka nga naman busy na sya at nag mamadali. Umalis na ako sa condo at pagkadating ko sa tinutuluyan namin ay sinalubong ako ni Zee.
Zee: Hoyyy ikaw, saan ka galing?! Anong ginawa nyo nung guest kagabi?! Bakit lakad lotus feet ka ngayon ha?! Hahahahaha
Psion: Masakit ang katawan ko kaya di ako makalakad ng maayos, huwag kang mag isip ng kung ano ano dyan
Zee: sabi ko na may tinatago kang kiri eh hahahaha wag ka mag alala sa umpisa lang yan masakit, masasanay ka din hahahahaha.
Napailing na lang ako kay Zee at pumasok na sa kwarto ko, napahawak ako sa labi ko at sinabiko sa sarili ko na "gusto ko pa".
Lumipas ang ilang araw at inaabangan ko si Leomer na bumalik sa restobar ngunit bigo lamang ako, sa tuwing bumubukas ang pinto ay buong sigla akong bumabati ngunit nadidismaya lamang ako tuwing ibang tao ang niluluwa ng pinto.
Matapos ang isang linggo at dumating na ang hinihintay kong guest sa wakas! Binati ko sya ngunit nagtataka akong parang di niya na ako kilala, pero ayos lang! Lumapit nako sa kanya sa table para kunin ang order nya, sinasadya ko talagang magpapansin sa kanya kulang na lang sabihin ko na ako na ang orderin nya. Nagpanggap pako na nalaglag yung pen ko at tumuwad sa harap niya, mukha namang effective yung ginawa ko dahil pagharap ko ay nakangisi na sya "you really want it that bad huh?". Napahigpit na lang ang hawak ng kamay ko sa isa't isa habang nakatingin sa gilid at napakagat nalang ako ng labi habang nagpipigil ng ngiti tanda ng pag sang ayon sa tanong niya para akong batang excited dalhin sa palaruan. Naulit na naman ang nangyari kahapon inuwi niya ako sa kanila ngunit pagkapasok pa lang ng pinto ng condo niya ay niyakap ko na kaagad sya at hinalikan, napakatindi ng halikan na ginawa namin sa pinto pa lang, huminto kami saglit at hinawakan niya ako sa pisngi "What's gotten into you? Parang last week lang you are sweet as a child ngayon you're like a hungry wolf wanting to devour me" . Sagot ko "nothing, I just want you inside me". Ngumiti siya at binuhat ako papunta sa higaan at duon ako inihiga....Natapos na naman ang gabing yun at masaya ang pakiramdam ko yumakap ako sa kanya at kinausap siya.
Psion: I love you
Leomer: Uhmmm may sasabihin sana ako sa'yo
Psion: Ano yun? (kinakabahan)
Leomer: Hindi pa kasi ako handa sa relationship....
Psion: bakit? kasi straight ka?
Leomer: Hindi ako straight, infact I like you but hindi lang talaga ako ready pa sa relasyon
Nalungkot naman ako sa sinabi niya pero tatanggapin ko na rin kung anong meron ako sa ngayon, hihintayin ko nalang ang araw na maging handa sya sa isang relasyon at sisiguraduhin kong handa din ako para sa kanya.
*End of Chapter 10*
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.