**patuloy na dumadagundong ang ingay ng pagsabog at baril sa lugar ng labanan sa pagitan ni Psion at ng hukbong sandatahan**
______________________________________
*Imperium Capital Building*Pres: What is the status in the battlefield?
War Planner: It appears that our forces are no match against Psion.
Pres: I just hope this works (sabay tingin sa blueprint sa table nya)
______________________________________
*Battlefield***Sunod sunod ang mga pumapasok na tangke sa labanan pero parang laruan lang ito kay Psion na ngayon ay lumipad na pabalik sa tabi ng cliff. Kabilaan ang dating ng mga kalaban kaya palitan na din ang kumukha ng attention ni Psion ng biglang may lumipad na malaking debris papunta sa kanya. Nasalag naman niya ito at pagkatapos ay nakita niya sa baba si John na nagngingitngit na sa galit.
Dumakot ulit si John ng isang remains ng tangke at inihagis to kay Psion ngunit ibinato nya lang ito pabalik kay John na siya namang tumalon para makaiwas dito. Tumatakbo ng mabilis si John at nakapulot ng baril para pagbabarilin si Psion ngunit wala namang nang yayare dahil nadedeflect lang ni Psion ang mga bala.
Tumulong na din ang Navy sa bakbakan at yung mga barkong pandigma sa dagat ay nagpaputok na kay Psion ngunit gaya ng dati ay nasalag niya lang ito. Humampas ng malakas si Psion dahilan para magkaroon ng malaking alon papunta sa direksyon ng mga barko at tumaob ang mga ito. Iniangat naman ni Psion ang dalawang kamay at dahan dahang umangat ang napakalaking Aircraft Carrier mula sa tubig, isa isang nahulog mula dito ang mga jet fighter na naka standby. Nagtatalunan ang mga sundalo mula sa barko papunta sa tubig at ng maiangat na ni Psion ang malaking barko ay bigla niyang inaangat ang kaliwang tuhod niya at nahati sa gitna ang barko. Mula sa tubig naman ay may lumipad na missile at pumunta sa direksyon ni Psion ngunit diniretso nya lang ito sa mga sundalo sa lupa. Hinugot naman niya ang submarine mula sa tubig saka ito inihagis sa mga tangke sa lupa. Ginamit ni John ang inihagis na submarine bilang pang bwelo upang tumalon ng malakas papunta kay Psion, aamba na siya ng suntok ngunit pinigilan lamang siya mid air ni Psion.
Psion: talagang di ka titigil hangga't di mo ko napapatay?
John: Nuon pa lamang ay dapat napatay na kita, isang pagkakamali na hinayaan ka pa nilang mabuhay
Psion: ang tanging gusto ko lang naman sa buhay ay lumaya at maging masaya... pero bakit ang buong mundo ay gusto akong pagdamutan nito?
John: After everyone you killed we deserve justice!
Psion: I know and I wanted to be a better person, my life is full of injustices as well and here you are...Adding salt to my wounds!
**itinaas na ni Psion ang kamay naghahanda na patayin si John.
Napigilan ang pagbagsak ng kamay niya ng tumunog ang kampanaryo nung simbahang malapit sa cliff. Napukaw ang attention nya dito, sa umpisa ay ordinaryo lang ang tunog nito ng dahan dahang magbago ang tunog, nanlaki ang mata ni Psion, naluluha hindi makapaniwala sa naririnig.
Ang tinutugtog ay ang hele sa kanya ng mama niya nung bata pa siya, nag umpisa ng pumatak ang luha ni Psion. Nawala na ang attention niya kay John, unti unti na itong bumababa mula sa pagkakasakal sa ere. Himalang may lumabas na malaking pakpak mula sa gilid ng simbahan, kumakampas sa hangin at ng tumiklop ito ay may inilapag ito sa lupa, ang mama ni Psion!
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.