20-Aftermath

1 0 0
                                    

*Makalipas ang 06 na taon*

John: Bilisan nyo na! Malelate na sa school yung bata! (sabay bumusina ng sasakyan)

**bumukas naman ang pinto ng bahay at lumabas ang isang bata at sumigaw ng "Pa! I'm ready!", "Andrew! Saglit lang!" sigaw ng kasunod nito.**

John: Hay nako Lancolm, kahit kelan talaga napaka bagal nyong dalawa ni Andrew kumilos

Lancolm: Saglit lang naman! Apurado kadin mahal eh no!

John: Halika nga dito! Pakiss nga gigil mo ako sayo eh!

Lancolm: Huy andyan si Andrew oh! Tsaka ano ka ba malelate na yung bata, mamaya nalang tayo sa bahay (wink)

**at nagmaneho na si John papunta sa eskwela ng bata. Madami ang nangyare sa luob ng 06 na taon matapos ang gyera kay Psion. Namatay na sa kulungan si Constance dala ng katandaan. Inilibing sa libingan ng mga bayani si Mallari, nagkaruon na ng ilawang eleksyon at iba na ang pangulo. Nagligawan sina John at Lancolm, nung una ay nagkakahiyaan pa hanggang sa naging sila din. Away bati pero mahal nila ang isa't isa. Naging legal na ang same sex marriage kaya nagpakasal na din sila, napagdesisyunan din nila na mag ampon ng bata mula sa dating Orphanage, pinangalanan nila itong Andrew bilang ala ala sa yumaong kaibigan niya. Nandun, padin si Sister Teresa at nagkwekwento tungkol kay Psion atleast kung pano nya ito nakikilala. Masigla padin si Sister Teresa at hindi dinadapuan ng sakit kahit 86 na ito, isang regalo na binigay ni Psion ng huli syang yakapin nito. Dumating na sila sa school at inihatid na sa klase si Andrew.

Lancolm: Baby Andrew, take care ha, behave like a good boy. You can share your food with your friends if you like, okay?

Andrew: Yes po papa

**humalik na ang batang Andrew sa kanila ni John at Lancolm, lumabas naman na ang guro para sunduin si Andrew, bumati lamang ito ng ngiti sa kanila at dinala na si Andrew sa luob. Umalis naman na ang dalawa**

Teacher: okay, class today we will have a fairy tale story telling, I will show you a video and then we will have a quiz after a short break okay???

Class: Yes po!

"Nung unang panahon, mayroong dalawang kingdom na magkaaway, nag aaway sila kung sino ang mas magaling sa pamumuno sa mga kaharian nila! Nag away sila ng nag away until di nila narealize may isa pang kingdom na aattack sa kanila at may dragon itong kasama! Nagkaisa yung unang dalawang kingdom para talunin yung 3rd kingdom. Natalo nila yung 3rd kingdom pero yung dragon mejo nahirapan sila! Nanlaban ito! bumuga ito ng apoy na sobrang init! Rawr! Pero nagawa din nila talunin yung dragon...kaya lang narealize nila na kaya lang pala nanlalaban yung dragon kasi nakatali ito at natatakot sa kanila! In the end natutunan nila na ang mga pagkakaiba nila, kapag nirespeto at nagkaisa ay malayo ang mararating at yung dragon? Kung tinignan lang nila ng maige, ang gusto lang pala nito ay makawala at bumalik sa family nya".
The end.

Andrew: Teacher ano pong name ng dragon?

Teacher: kailangan pa ba nun?

Andrew: kasi po ikekwento ko sa mga papa ko ang story today po!

Teacher: okay uhhmmm ang name ng Dragon..... Psion... oh sya CR muna kayo then we will have a quiz about the story okay?

Class: Yes po!

**natapos na ang araw ng klase at sinundo na nila John at Lancolm si Andrew sa school, sa sasakyan ay kinuwento ni Andrew ang fairy tale na natutunan niya**

John: Psion daw name ng dragon? haha weird ha... pero it sounds familiar

Andrew: Yes po pa! Kawawa naman po si Psion gusto lang po bumalik sa family niya.

Lancolm: oo nga parang I heard that name somewhere, anyway.. Kaya Andrew before you get angry with others you have to know who they are ha, minsan kasi we fail to see both sides and see the world only from our eyes.. Minsan nagiging villain tayo sa paningin ng iba at ganun din sila satin.

**at nagmaneho na ang pamilya paalis ng school.**

Apparently, nung panahong sumabog ang matinding liwanag na bumalot sa buong mundo mula sa katawan ni Psion nag trigger sya ng isang massive brain washing at data purge sa lahat ng tungkol sa kanya at ang tanging immunized dito ay si Sister Teresa. Nabura mula sa ala ala ng mundo ang lahat ng alam nila tungkol sa kanya at naging isa na lamang siyang alamat...

Samantala, nagliligpit na ng lesson plan ang guro ni Andrew ng mapansin nito ang nakabukas na drawer sa ilalim ng lamesa. Tinignan ng guro ang laman nito, nangiti ito at kinuha ang nakalagay na item. Pinagpagan ito at tinitigan....... isang maskara na ala ala ng kahapon.

END OF THE SERIES

PSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon