**20 Years ago**
A 6 Year Old Psion's POV
______________________________________
"Oh anak mag iingat ka papasok sa school ha,magpaka good boy ka duon". "Opo Ma" sagot ko. Ansaya first day of school ko ngayon. Ako nga pala si Psion, nag iisang anak ako ni mama hindi ko na nakilala ang papa ko kasi pinagbubuntis pa lang ako ni mama nung namatay sya sa sakit sa puso, yun ang sinabi niya, hindi ko naman na din hinanap si papa at yung side ng family nila kasi sabi din ni mama masama daw ugali ni papa binubugbog sya nung pinagbubuntis pako. Naisip ko naman eh bakit naman kasi din nagpabuntis si mama kung ganun si papa. Pero sabagay, kung wala kasi siya edi wala ako dito ngayon. Sa wakas andito nako sa school! Hmmm simple lang naman yung school namin kasi mahirap lang kami di namin afford yung sa private pero ok na din atleast nakakapag aral ako. Sabi nila karapatan daw ng bawat tao na magkaruon ng edukasyon, totoo naman pero ang realidad ang makapag aral ay isang prebilehiyo, kaya nga ang kaalaman ay isang kayamanan dahil hindi lahat natatamasa ito. Haaaay! Ang bata bata ko pa kung ano ano ang pumapasok sa isip ko! Dapat kasi paglalaro lang inaatupag ko, siguro nga may tuktok ako gaya ng sabi ng ibang bata saken. Kaya ayaw nila akong kalaro eh! Nagpunta nako sa classroom at as usual magulo ang mga kaklase ko, umupo lang ako sa gilid at tahimik na nagmasid sa kanila. Sana may gusto din makipag friends sakin, hmmmp. Pumasok na ang teacher namin at nag turo na, a looooonggg daaaaay aheeaad na naman para sakin.After a few hours tumunog na ang school bell at lunch break na, yes! Ansakit na ng pwet ko kakaupo, agad akong tumayo at nagpunta sa canteen. Pagka order ko ng food naghanap ako ng bakanteng lugar, uupo sana ako dun sa isang vacant seat kaya lang naunahan ako. Dumaan nalang ako saglit sa gilid nila at narinig ko pa ang usapan nila "John! Laro tayo mamaya after school". Wika nung isa. "Ewan ko sayo Andrew! Lumayo ka nga sakin!" sagot nung aburidong John. Buti pa sya, may gustong makipag laro pero ako wala. Sinusubukan ko naman makihalubilo sa ibang bata pero nahihiya kasi ako di ako makasabay sa mga trip nila, hindi ko alam kung ano bang problema sakin.
Pagkatapos kong kumaen dumiretso muna ako sa CR, sa cubicle ako umiihi, hindi ko kasi kayang makipag sabayan ng ihi sa urinal gaya nung ibang bata, may iba akong nararamdaman sa kapwa ko lalaki hindi ko lang matukoy kung ano yun. Pagkatapos kong umihi, dumiretso nako sa sink para maghugas ng kamay. Dahil mukha namang walang tao naisipan kong ilabas ang isang bagay na nakakapag pasaya sakin, yung headband ni mama, sinuot ko to, color pink, ang cute cute ko! Sabi ko sa sarili ko ng biglang lumabas mula sa isang cubicle yung classmate ko! Si Billy! "Aha! Bakla ka pala ha! Lagot ka! Isusumbong kita kay Teacher!". Huwag please! maawa ka! mapapalo ako! Baka ilayo nila ako kay Mama at dalhin sa Correction Camp, pagsusumamo ko na naiiyak na. "Sige, tutal cute ka naman, hindi kita isusumbong pero... kailangan ibigay mo sakin ang baon mo araw-araw, malinaw?!" O-oo sagot ko at natapos ang araw na yun na nanginginig ako at may pangamba kung panghahawakan nga ba ni Billy ang pangako niya. Napaka religious na Estado kasi ng Sanctum kaya kapag lumabag ka sa batas na base sa Ancient Teachings, ipapatapon ka sa correction camp kapag bata ka pa at kapag malaki ka na at di nagtino ipapatapon ka na ng gobyerno sa malayong lugar at pababayaan. Ayaw kong mangyari sakin yun! Ang bata ko pa ayaw ko malayo kay mama.
Kinabukasan ay papasok na naman ako ulit, kinakabahan akong pumasok sa gate ng school. Binati naman ako nung Guard ng good morning at sinuklian ko naman ito ng good morning at matamis na ngiti. Habang papasok ako sa building ay nakasalubong ko si Billy, nginisihan lang ako nito at bumulong ito ng "Yung pera mamaya ha". Kinilabutan ako sa kanya at nagmadali na akong pumunta sa classroom namin. San kaya pupunta yung kumag na yun at pareho naman kaming magka klase, siguro magcu cutting yun.
Dumating na ang lunch break at pumunta na ako sa canteen, palabas na ako ng building ng may biglang humatak sakin papasok sa isang kwarto at nilock ito. Walang iba kundi si Billy! Tinulak nya ako sa pinto at inilagay ang kamay niya sa may pader sa gilid ng mukha ko. Natatakot na ako at kinakabahan, jusko umasa pa naman akong nalimutan na niya yung tungkol sa pera. Nanginginig akong tinanong sya "A-ano bang ke-kailangan mo sa-sakin?". Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong "Asan na yung baon mo?". Kinilabutan ako at yumuko habang nanginginig na inabot ang pera ko sa kanya mula sa bulsa. Pagkakuha ni Billy nito hinawakan nya ako ng mahigpit sa bibig tsaka sinabing "subukan mong magsumbong at malilintikan ka". Tsaka nya ako binitawan at itinulak palabas. Umiiyak akong tumakbo pa puntang CR at nagtago sa cubicle.
*End of Chapter 02*
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.