15-Pursuit of Happiness

1 0 0
                                    

PRESENT DAY PSION...

**Kasalukuyang lumulutang ng bahagya si Psion sa dagat habang tumutungo sa direksion na papalayo sa Containment island, mukha namang wala pang nakasunod na kahit anong pwersang militar sa kanya dala nadin ng biglaan ang lahat ng pangyayari. Hapon na ng may namataan siyang kalupaan. Mula dito ay tumungo sya sa walang taong parte ng pampang. Dahan dahan siyang lumapag sa buhanginan para kung sakaling may makakita sa kanya ay di sya mahalatang kakaiba. Mula sa pampang ay may nakita syang munting bahay kubo, pumunta sya dito at swerte namang may nakasampay na damit sa likuran nito. Kinuha nya ito mula sa sampayan at naghanap siya ng lugar na maaring pag bihisan. May nakita siyang mga puno na kumpol sa malapit, pumunta siya dito at nagbihis. Hinubad na niya ang kanyang sumbrero at kapa na mula pa sa kasagsagan ng pananakop ng Imperyo, pati nadin ang damit niyang pang itaas at shorts. Lahat ng bagay na nagpapa alala sa kanya sa imperyo ay inihubad na niya. Humukay siya ng malalim sa lupa gamit ang abilidad niya at itinapon ang lahat ng hinubad at ibinaon na niya sa limot ang mga ito maliban na lamang sa maskara niya na nakuha niya mula pa nuon sa una niyang trabaho,ibinulsa na lamang niya ito kasama ng USB file na naglalaman ng military information na maaring kailanganin niya.

Pagkatapos magbihis ay umalis na siya sa lugar at naghanap ng kalsada. Mula dito ay sinundan niya ang direksyon patungo sa pinakamalapit na siyudad ng naglalakad lamang.

Samantala, kumalat na ang balita na nakatakas si Psion, inilunsad na ng militar ang isang man hunt operation dahil sa banta ng panganib at kasiraan na maari niyang idulot.

Dumating si Psion sa siyudad na kung tawagin ay Republic city, nakita ni Psion ang mga batang masayang naglalaro sa gilid ng kalsada. Naalala niya ang sarili nung kabataan nya, nung panahong bata pa siya at nais lamang makipag laro sa iba ngunit itinataboy. Nalungkot si Psion para sa sarili, nakuha ang attention niya ng isang batang lalake na umiiyak. Nilapitan niya ito at tinanong kung bakit to umiiyak, sinabi ng bata na walang gustong makipag laro sa kanya at itinulak siya kaya nasugatan siya, tinignan ni Psion ang binti ng bata, dala ng awa ay lumuhod sya sa harap nito at umaktong hinihipan ang sugat ng bata.. Pero ang totoo ay hinihilom niya ang sugat nito, isa sa mga kakayahan ni Psion na bunga ng enhancement. Pagkatapos ay niyakap niya ang bata at pinatahan ito**

"Tama na ang iyak, alam ko malungkot ka gusto mo din ng kalaro, minsan walang gusto satin makipag laro pero di naman ibig sabihin nun ay totally walang gusto satin makipag laro, kailangan mo lang hanapin yung batang gusto ka talaga makalaro"

**Binitawan na ni Psion yung bata at nagpasalamat ito sa kanya, umalis naman si Psion at naglibot sa siyudad, kapansin pansin na kahit ilang buwan pa lang natapos ang gyera ay maayos ang lugar na parang walang nangyare,

"the Empire may really have no intention to destroy the places it subdued but it will surely control the lives of the people by reinforcing their will in them"

Mukhang narating ni Psion ang gitna ng syudad at pansin niyang may napaka gandang gusali sa tapat nito.

"Maaring buwan lang ang lumipas ngunit maraming taon ang iginugol ko sa sleeping pod dahil sa experimentation ng Imperyo sakin, pamilyar ang lugar na ito pero parang di ko matandaan kung ano ito exactly"

Mula sa gitna ng plaza sa tapat ng magandang gusali ay merong nakalagay na signage:

-This Memorabilia is in honor of the Valiant Sanctum Soldiers who stood up and gave their lives to defend the former Sanctum Capital Building against the invading Imperial forces-

**Nalinawan naman si Psion sa lugar na kinatatayuan nya, mula dito ay tumuloy pa siya sa paglilibot, binalikan niya ang dating lugar kung san siya lumaki, ang bahay ampunan. Sa labas pa lamang ay nakita nya ang isang pamilyar na babaeng nagwawalis**

Psion: Sister Teresa?

**Humarap ang matandang babae sa kanya at tinignan sya ng maige nito, pagkatapos ihipan ang salamin ay nanlaki ang mata nito ng makilala niya ang kaharap niya**

Teresa: Psion?! Anak! Anong ginagawa mo dito?! Kamusta ka na?! (tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya) Nako ayos ka lang ba iho?

Psion: Ayos lang po ako Sister Teresa! Masaya po akong makita kayo! Kamusta po? Buti at nakaligtas po kayo mula sa gyera..

Teresa: Ito ayos naman! Salamat sa Dios at nakaligtas naman ako at itong ampunan mula nung panahon ng gyera hanggang ngayon, nako alam mo ba nung panahon ng Empirial occupation, abot langit ang kaba ko akala ko wawasakin nila itong city buti nalang at hindi nila ginawa yun, alam mo mababait naman pala sila eh... Narealize ko masyado lang silang nahusgahan bago pa yung pananakop nila kaya ansama ng tingin ng tao sa kanila. Hindi mo rin naman masisi kasi nakabase ang mga tao sa Ancient Teachings. Pero ngayon natututunan na silang tanggapin ng mga tao sa lipunan at masaya nako dun!

Psion: ganun po ba? Masaya din po akong malaman yun

Teresa: San ka na ngayon nagtratrabaho? May tinutuluyan ka ba iho?

Psion: Uhmmm Teacher na po ako, pero wala po akong matuluyan kasi nasira po yung school na pinagtuturuan ko (napakamot pa ng ulo si Psion sa pagsisinungaling)

Teresa: Hala! Kung ganun eh tumuloy ka muna dito!

Psion: Ayos lang po ba?

Teresa: Oo naman! Halika! Tamang tama! Maluluto na yung pagkaen sa luob, pagpasensyahan mo na ha alam mo naman medyo gipit tayo sa ampunan

Psion: Haha! Wala pong problema Sister Teresa

*End of Chapter 15*

PSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon