First time kong magiging mag isa. Actually, pwede naman mag provide ng assistance sila Sister Teresa na mahanapan ako ng trabaho bago umalis sa Orphanage, pero mas pinili ko nalang na wag ng magpatulong kasi nahihiya nako sa dami ng naitulong nila sakin sa bahay ampunan pa lamang. Meron naman akong pinag aralan dahil nakapag provide naman ng basic education sila Sister Teresa, hindi nga lang ito yung formal type ng education dahil wala naman ako sa paaralan. Nonetheless, alam ko naman sa sarili ko na may alam ako sa mga bagay bagay ngunit wala lamang akong diploma na pinang hahawakan. Naglakad lakad ako, naghanap ako ng
pwedeng mapasukan pansamantala ngunit, mukhang walang trabaho na pwede akong makapasa dahil karamihan sa mga naka paskil ay nangangailan ng graduate. Nanliit naman ako sa sarili ko dahil ito lang ako, pinanghihinaan man ng luob at pagod ay di ako sumuko, nagpatuloy padin ako sa paghahanap ng trabaho hanggang sa mapadpad ako sa isang building na may nakapaskil na "Help wanted, inquire inside". Inikot ko yung gusali dahil nakasara yung unahan, nakita kong bukas yung pinto sa likod kaya tumuloy ako dito. Pagkapasok ko sa luob ay may nakita akong babae na nakaupo sa may lamesa. Lumapit ako sa kanya at nagtanong tungkol sa nakita kong job advertisement sa labas. Sinabihan niya ako na"ay yun ba? wala na yun outdated na yun may nakuha na kami para sa position na yun"
Ay ganun po ba, sige po tumalikod nako palabas ng pinto ng may sumigaw ng "Sandali!". Lumingon ako at nakita ang isang lalake na naninigarilyo.
"Ano kaba? Tignan mo nga itsura nyan oh" sabi muli nung ate.
"Hindi mo ba nakikita yan? Maganda ang kutis, pwede naman natin takpan ang mukha at pagsuotin ng maskara, hoy ikaw, gusto mo ba magka trabaho? Pero stay in ka dito" sabi ng lalaki sakin.
Opo! Masaya ko namang sagot. Tamang tama yung alok nila sakin dahil mababawasan na yung isipin ko sa titirhan kong lugar. Agad naman akong pinasamahan sa helper papunta sa tutuluyan kong kwarto.
"Napaka bata mo pa, sana ay kayanin mo ang trabaho dito" sabi nung helper.
Nagtanong ako kung bakit pero mukhang walang balak sumagot yung helper at nagbingi bingihan nalang. Lumabas na sya sa kwarto at ako naman ay napahiga sa kama, sa sobrang pagod ko sa paghahanap ng trabaho, di ko namalayang nakatulog na pala ako ng may gumising sakin.
"Gumising ka na dyan, kailangan mo ng magready para sa trabaho" sabi nung helper.
Napatingin ako sa bintana at gabi pa lamang, nagtataka ako kung bakit gabi yung trabaho. Pero inisip ko nalang na baka kasi nandun sila madaming costumer.
"Nandyan na yung uniform mo, pagkatapos mo maligo bumaba ka na para tumulong sa pagreready" sabi muli ng helper.
Ano nga po pala ang pangalan nyo? "Constance" sabi niya. Ahh ako po pala si Psion, matapos kong magpakilala sa kanya ay dumiretso nako sa CR para maligo. Pagkatapos ay lumabas nako para magbihis ngunit ngayon ko lang naobsebahan yung binigay na uniform saken, mukhang masyadong maikli yung short at bakit vest lang yung pang itaas, meron ding maskara na binigay sakin. Sinuot ko nalang ito at bumaba na, nakasalubong ko naman si Constance at sinamahan nya ako papunta sa lugar na pagtratrabahuan ko. Dumiretso kami sa kusina at pinakilala niya muna ako sa mga nagtratrabaho duon, mukha namang masyado na silang abala sa pagluluto para kilalanin pako. Pinaliwanag sakin ni Constance na ang trabaho ko daw ay ang kumuha ng order mula sa mga costumer at dalhin ito sa kusina. Waiter pala ang nakuha kong trabaho, ayos nadin kesa wala. Lumabas na ako sa kusina para pumunta sa dining area. Paglabas ko napakarami palang
tao dito at mukhang mayayaman sila base sa kasuotan nila. Napaka elegante ng paligid, may chandelier, mga kandila, red wine at ibang magagandang palamuti. Nakakahiya nga dahil sobrang di bagay itong uniform na suot ko sa lugar na ito. Nag umpisa nakong kumuha ng order ng mga diners at mukha namang madali lang tong trabaho ko. Medyo naiilang lang ako sa lagkit ng tingin ng ibang tao sakin pero di ko naman sila masisisi dahil na din sa ikli ng suot ko. Nagpatuloy ang pagkuha ko ng order ng mga customer at paghatid din ng pagkain nila ng biglang pinalo ng isang customer yung puwet ko, dahilan para mabigla ako at matapunan ng pagkaen yung isa pang customer. Nabigla siya at sinimulan nakong pahiyain."Hoy ikaw! Bakit mo tinapunan itong damit ko?! Alam mo bang ang mahal mahal nito?! Kulang pang pambayad ang pagkatao mo dito! Sabi nung customer na matandang babae.
Lumapit naman agad yung manager na lalake, yung tumanggap sakin dito, nagtanong kung anong nangyayare. Nag umpisa ng magsumbong yung matandang babae sa manager namin, tinanong ako nung manager kung totoo daw ba ito.
"Ma'am pasensya na po di ko po talaga sinasadya, na out of balance lang po talaga ako" paliwanag ko.
"anong pasensya pasensya?! Akala mo ganun ganun lang yun?! Hoy kayong mahihirap puro kayo pasensya, kung hindi naman pasensya, paawa, akala nyo ba nakakatuwa kayong tignan, puro kayo pasensya paawa bakit di nyo subukang dumiskarte sa buhay at ng umayos ayos naman yang buhay nyo. Tsaka ikaw, nakakahiya ka sa magulang tatanga tanga ka kasi kaya ito lang kinabagsakan mo!"
Sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Pwede naman palitan ang mga bagay na nasira pero ang mga binitawang salita ay di na mababawi. Naiyak ako sa pamamahiya niya sakin, pero mas masakit na dinamay pa niya ang magulang ko dito. Nagumpisa ng mapalitan ang sakit na nararamdaman ko ng galit. Wala silang kinalaman sa kinahinatnan ko! Lahat ng meron ako at kung ano ako ngayon ay dahil sa lupit ng mga pangyayare sa buhay ko! Kasalanan ito ng kapaligiran ko! Dahil kahit kelan hindi ko ginusto na maging ganito at walang kahit na sino ang gustong mapunta sa ganitong sitwasyon! Tahimik lang ako, Nakayukom na ang kamao ko at pakiramdam ko ay gusto kong durugin yung matandang babae. Sa isang iglap lang ay nabagsakan sya ng chandelier, nagsigawan ang mga tao sa takot at nagtakbuhan palabas. Nanghina ako at nahimatay ako sa gitna ng kaguluhan.
Nagising na lamang ako na nasa hospital bed nako, sakto namang dumating yung doktor at pinaliwanag na posibleng over fatigue lang daw kaya ako nawalan ng malay. Matapos ang ilang oras na pamamahinga ay may pumasok na nurse, napaka cute naman nito sabi ko sa sarili ko. Mukhang nakahalata naman siyang nahihiya ako sa kanya kaya nginitian nya ako at sinabing "Hi, ako nga pala si Carlo". Nagpakilala din ako sa kanya at magaan ang luob ko sa kanya...
*End of Chapter 07*
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.