08-The Cure

2 0 0
                                    

Sabi ni Carlo gusto niya daw akong ihatid pabalik sa tinutuluyan kong work. Nahihiya akong tumanggi sa kanya pero napaka mapilit niya kaya napapayag nya din ako. Heto ako ngayon naka upo lang sa lobby ng hospital at naghihintay sa kanyang lumabas, matapos ang ilang minuto ay lumabas na sya at nakapagpalit na sya ng damit. Napaka cute naman ng lalaking to, nahihiya tuloy ako sa sarili ko. Gayunpaman ay may kakaibang saya na namumuo sa puso ko, hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko ay parang nagkaruon ako ng halaga bilang tao. Umalis na kami sa Ospital, habang naglalakad ay nag usap kami, kinuwento ko ang buhay ko sa kanya mula ng mawalay ako kay mama hanggang sa paglaki ko sa bahay ampunan. Nakinig naman sya at hinawakan ako sa kamay, napatingin naman ako sa paligid dala ng pangamba na may makakita samin, mabuti na lamang at walang tao, "Kaya pala parang napaka lungkot mo tignan kasi sobra ang pinagdaanan mo sa buhay, sana andun ako para protektahan ka" sabi ni Carlo. Nag init ang mukha ko pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa mukha ko, napangiti na lang ako sa sinabi niya. Natawa naman siya sakin, sabi niya para na daw akong makopa dahil ang pula ng pisngi ko. Nagtawanan na lang kami, iniisip ko na sana lagi nalang akong may ganitong pakiramdam na bitbit sa puso ko, pakiramdam ko ay kaya kong gawin ang madaming bagay.

Nagpaalam nako sa kanya at tumuloy na sa tinutuluyan ko, bago pa man kami maghiwalay ay hiningi niya ang number ko pero sabi ko wala pakong cellphone dahil bagong salta lang ako mula sa bahay ampunan, natawa naman siya at ginulo ang buhok ko, sabi niya magkita na lang daw kami kinabukasan ng umaga habang wala pang trabaho, pumayag naman ako.

Pagkabalik ko sa trabaho ko ay sinalubong ako nung manager, ang pangalan nga pala niya ay si Mr. Takahashi, half japanese daw siya. Japan yung tawag sa dating bansa bago pa man naganap ang ikatlong digmaang pandaigdig dahil sa agawan ng mga bansa sa gamot sa The Great Plague na Covid, kinamusta ni Mr. Takahashi ang kalagayan ko at sinabi ko namang ayos lang ako. Humingi din ako ng paumanhin dahil sa naganap kagabi, kinuha ko na ang pagkakataong to para kamustahin yung kalagayan ng matandang babae kagabi. Ayon sa kanya, nag aagaw buhay daw ito ngayon sa ospital dahil sa lakas ng pagkakabagsak sa kanya ng chandelier. Naalala ko na naman tuloy yun, nung mga panahong sobrang galit ko at pakiramdam ko ay gusto ko siyang durugin. Ganito din ang nararamdaman ko nuon, puno ng galit ang puso ko at pagkatapos ay may mangyayaring kakaiba. Pakiramdam ko tuloy may guardian angel ako na nagbabantay sakin. Binalewala ko nalang lahat ng naiisip ko dahil baka dala lang to ng gutom. Nag excuse nako kay Mr.Takahashi at tumuloy nako.

Makalipas ang ilang oras ay umpisa na ng trabaho, madami padin ang customers despite what happened last night. Tagumpay ko namang nairaos yung buong gabi at ng kinaumagahan nga ay excited akong naghintay sa pag sundo ni Carlo.

Dumating na sya at binati ko naman sya, napaka pogi naman nito wika ko sa sarili ko. Hindi ko alam pero ansaya ng pakiramdam ko dahil sa kanya. Niyaya na nya akong umalis at mamasyal. Tinanong nya ako kung bakit naging blue yung isa kong mata, sabi ko bata pa lang ako ng makuha ko yun. Dumating kami sa isang park ,naupo at nagkwentuhan tungkol sa buhay, nalaman kong dalawa lang pala silang magkapatid at yung papa na lang niya ang kasama niya sa buhay. Yung kapatid niya daw ay may sariling pamilya na kaya sya na lang daw at papa niya ang magkasama sa bahay. Malugod naman akong nakinig sa mga kwento nya sa buhay niya at di ko maitago sa sarili ko na masaya akong kasama siya. Natapos ang pagkikita naming yun ng magpaalam nakong uuwi dahil kailangan ko pang magpahinga para sa trabaho mamaya.

Mabilis na dumaan ang mga araw at linggo, nagpatuloy kami sa pagkikita ni Carlo, masaya talaga akong kasama sya, napakagaan ng pakiramdam ko! Hanggang sa dumating ang araw na di ko inaasahan, nagtapat siya na gusto niya ako, hindi ko alam ang isasagot ko pero sigurado akong gusto ko din sya. Napayakap na lang ako sa kanya saka tumango bilang oo. Napakasaya ko nung araw na yun, pakiramdam ko nabigyan ako ng halaga bilang tao. Sa wakas, siguro ito na yung kasiyahang matagal ko ng hinahanap mula ng mawala si mama.

Lumipas ang ilang buwan bilang kami ni Carlo, palagi nya akong sinusundo mula sa trabaho. Minsan saglit lang kami magkita kasi kailangan din daw niyang makauwi agad dahil paiba iba raw ang oras ng pasok niya, ayos lang naman yun sakin dahil ang importante ay nakakapagkita kita kami. Isang araw, lugmok sya ng magpakita sakin, tinanong ko kung bakit sya ganun, ang sabi niya yung papa niya ay sinugod sa ospital dahil inatake daw sa puso. Dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng magulang ay labis akong naawa sa kanya, tinanong ko kung ano ba ang pwede kong gawin para kahit papaano ay makatulong naman ako sa kanya. Nahihiya syang nagsabi na nangangailangan sya ng pera, dala ng awa at pagmamahal ay pinilit ko sya na bigyan kahit papaano ng pera mula sa ipon ko, gusto ko syang tulungan at kung ito ang paraan para makatulong ay gagawin ko. Matapos nyang kuhanin ang pera ay niyakap nya ako at nagpasalamat sya.

Kinabukasan ay di kami makapag kita ni Carlo dahil marami raw gawain sa ospital. Minabuti kong bumili ng mga prutas para dalhan siya at ang papa niya sana sa ospital. Pagkadating ko duon ay dumiretso ako sa lobby para hanapin si Carlo.

Nurse: Ah! Si Carlo ba?! Nasa ER pa kasi siya medyo madami kasing pasyente eh, pero yang dala mong prutas pwede mo naman dalhin dun sa 2nd Floor room 208, andun yung Girlfriend nyang buntis nagpapahinga

Psion: (Nanlaki yung mata) A-ano po? Yung Girlfriend nya nanduon?

Nurse: Oo, malapit na kasi yun manganak kaya dinala na dito, oh sya excuse me muna ha may iba pa kasi akong gagawin

Nanlamig ako sa sinabi nung nurse, baka naman prank lang to, pero kung ganon ay di sya nakakatuwang biro. Napagdesisyunan ko na tumuloy padin sa kwarto. Pagkadating ko sa tapat nito ay, nanginginig padin ako, dahan dahan kong binuksan yung pinto at halos mawalan ako ng hininga ng may nakita akong babaeng buntis sa luob. Pinagpatuloy ko padin ang pag lapit sa babae tutal gising naman ito.

Girl: Sino ka?

Psion: ah-a-ako nga pala si Psi..Psion (sagot kong garalgal na)

Girl: Ahhh! Ikaw yung kaibigan ni babe Carlo ko! Uy salamat ha kung di dahil sayo di ako maipapa admit ni Carlo sa ospital

Psion: (tumingin sa tyan ng babae saka hinaplos ito) Walang ano man yun, masaya ako para sa inyo... (sagot ko at binigyan ko ng ngiti ang babae)

**saktong bumukas ang pinto at pumasok si Carlo, halatang nabigla sya sa nadatnan. Nagpaalam nako na mauuna nako sa kanila dahil sobra na ang kinikimkim kong sakit. Hinabol ako ni Carlo sa labas para magpaliwanag, naluluha akong humarap sa kanya.

Psion: all this time ba, niloloko mo ako?!

Carlo: I'm so sorry, hindi ko sinasadya..

Psion: Hindi sinasadya?! Ano yun?! Nadapa ka tas nabuntis na lang syang bigla?! Niloko mo ko! Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sayong mali para ganituhin mo ko!

Carlo: I have needs too, I'm sorry pero kasi straight talaga ako, sana mapatawad mo ako Psion..

Psion: I've had enough of this!

Tumalikod nako at tumakbo paalis sa lugar na yun, umiiyak at puno ng sakit ang nararamdam ko sa puso, hindi ko magawang magalit dahil kahit na nasasaktan ako alam kong normal lang na hindi ako mahalin ng isang straight, kaya purong sakit lamang at awa sa sarili ko ang nararamdaman ko. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapagod ako...

"Dahil ba ito ang realidad ng buhay ay dapat ko nalang itong tanggapin? Hindi ba pwedeng itama ang mga nakakasakit na gawain?"

*End of Chapter 08*

PSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon