Ilang araw ang lumipas, puno pa din ng lungkot ang puso ko dahil sa nangyaring hiwalayan namin ni Carlo. Gusto ko mang kalimutan sya ay di basta basta dahil masyadong masakit at biglaan ang mga pangyayare. Yung matagal mong chinerish na kaligayahan ay maari palang mawala sa isang iglap lang. Nakatayo ako ngayon at nagliligpit ng mga pinagkainan ng huling guest namin sa kainan ng lumapit si Mr.Takahashi. "Psion, ito nga pala si Zee, bago mo syang kasama na waiter dito, turuan mo sya ha". Binati ko naman si Zee at mukhang mabait naman ito. Tinuruan ko sya ng mga pasikot sikot sa trabaho namin, pansin ko mejo slow mag pick up tong si Zee pero okay lang, kita naman yung eagerness nya na matuto.
Nasa kalagitnaan kami ng pag tretrain ko sa kanya ng lumingin sya sa paligid saka ako kinausap pabulong..
Zee: Uy, may itatanong lang ako ha pero sana maging honest ka sakin
Psion: Ano yun?
Zee: Ganito kadin ba? (sabay baliko ng kamay nya)
Psion: Ha ha ha ha! oo... bakit?
Zee: Wala lang, pansin ko lang din kasi, ako din eh hahaha! Itatanong ko lang din ha, virgin ka pa ba?
Psion: huy! bunganga mo! ha ha oo naman, ikaw ba?
Zee: nako, napaka religious kong tao..mahilig kasi akong lumuhod HA HA HA HA HA
Napalo ko si Zee habang nagpipigil ng tawa, kung may makakarinig lang samin siguradong maipapatapon na kami malayo sa Sanctum. "Anong pinagtatawanan nyo dyan?!" biglang pasok ni Constance. Wala po! Ang sagot naming dalawa, tapos naghagikhikan kaming dalawa kakapigil ng tawa. Mukhang makakasundo ko itong si Zee.
Lumipas ang mga araw at naturuan ko na si Zee sa mga gawain sa restaubar. Sanay naman na din sya, may mga pagkakataong nagkakamali pero minor lang naman din. Minsan nagkabanggaan pa kami at nalaglag yung mga bitbit naming tela para sa mga lamesa, sabay naming pinulot yun ng bigla kaming nagkawakan ng kamay, mula sa tela ay unti unting umangat ang ulo namin, bumagal ang paligid at nagkatitigan kami. Maya maya ay bigla kaming nagtawanan at nag apiran, ansaya pala ng pakiramdam na may kaibigan ka.
Psion: Naka ilang boyfriend ka na?
Zee: Di ko na mabilang eh, bakit?
Psion: Nag iisip lang kasi ako kung bakit parang walang nagkakagusto sakin..
Zee: Didirechohin kita ha, halata ka kasi, alam mo mabait ka naman, actually ako gusto ko nga yung personality mo pero para ka kasing spaghetti
Psion: Ay ganon ba yun, (yumuko) akala ko kasi kapag mabait ako enough na yung character ko para magustuhan ng tao, hindi ka ba naniniwala sa kindness will prevaik?
Zee: Maganda naman yung sinabi mo, pero ang realidad kasi natin kung di ka lalaking lalaki tignan walang magkakagusto sayo na kapwa natin, unless sa straight ka pero kailangan may perang involved
Nalungkot naman ako sa sinabi niya, bumigat yung pakiramdam ko una dahil tama sya na kailangan ko ng pera kung gusto ko ng straight base sa naranasan ko pangalawa mukhang totoo din yung sa sinabi nya tungkol sa kilos ko kaya walang nagkakagusto sakin...
Tinapos ko na ang usapan namin at nag paalam nakong magpapahinga muna. Pagkahiga ko ay nahirapan akong makatulog, tumatakbo padin sa isip ko yung sinabi ni Zee. Nagugulumihanan ako dahil ang buong akala ko ang diskriminasyon ay nanggagaling lang sa mga straight na tao. Sa sinabi ni Zee, mukhang pati mismo samin ay may ganitong turingan sa isa't isa. Preference daw ang tawag nila duon. Pero, kung di namin tanggap ang isa't isa, paano pa namin aasahan ang ibang tao na tanggapin kami. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, para bang may sama ng luob akong naitanim sa puso kakaisip tungkol dito, mas nangingibabaw nga lang ang kalituhan sa pakiramdam ko dahil nahahati ako sa pagitan ng inis at lungkot sa mga tao dahil dito. Wala naman akong magagawa kung ganun sila mag isip eh, pero sana dumating din ang araw na lahat ng tao ay makaranas ng kasiyahan at wala ng makaranas ng lungkot na gaya ng sa dinadala ko.
Kinagabihan ay umpisa na naman ng trabaho, the usual madaming guest sa kainan, masaya naman naming pinagsilbihan yung mga kumakaen. May napansin akong isang guest namin na mag isa sa table at tingin ng tingin sakin, lumapit ako para tanungin kung may kailangan pa sya.
Guest: Wala naman, gusto ko lang malaman, ano ba ang pangalan mo?
Psion: Ako po si Psion sir... kung may kailangan po kayo tawagin nyo nalang po yung isa sa amin, mauuna na po ako
Guest: Ang sungit mo naman, ako pala si Leomer, gusto kitang makilala, labas tayo?
Psion: Pasensya na po sir, bawal po dahil may trabaho po kami
**Umalis na si Psion at nag libot para kumuha pa ng order ng ibang customers, samantala si Leomer naman ay nakangisi at tumayo na mula sa table**
Takahashi: Psion! Halika dito..
Psion: Ano po yun sir?
Takahashi: Magpalit ka ng damit, you may leave your post but you need to accompany our guest there..
**mula sa likod ni Mr.Takahashi ay matatanaw si Leomer na, kumakaway kay Psion at kumindat pa, nanlaki ang mata ni Psion at sinabing**
Psion: Pwede po bang tumanggi, hindi po kasi ako comfortable na sumama kung kani kanino
Takahashi: Psion.. this man here paid a handsome price just to take you out, sa tingin mo bakit ganyan ang suot nyo dito sa Restobar ko? Besides,
isipin mo nalang repayment mo to dun sa eksena dun sa matandang babae, remember?Pumayag nako dala na din ng hiya ko kay Mr.Takahashi, pakiramdam ko ay magiging mahaba ang gabi na to
*End of chapter 09*
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.