Lumipas pa ang ilang araw at patuloy padin ang pang bablack-mail ni Billy saken, nawalan nako ng gana pumasok dahil dito. Napansin din ni mama ang pagka tamlay ko "anak ok ka lang ba". Opo Ma, ang sagot ko saka ko tumayo mula sa lamesa at kinuha ang bag ko. Tumayo si mama at niyakap ako "Anak kung may problema ka pwede mong kausapin si mama". Wala po mama at tuluyan nakong umalis. Gusto ko sana sabihin kay mama ang tungkol sa pang bubully sakin ni Billy pero natatakot ako na imbes na tulungan ako ni mama ay ipagtabuyan pa niya ako.
Maraming araw ang lumipas at talagang walang konsensya itong si Billy na araw-araw akong kinukuhanan. Hanggang sa isang araw napikon na ako at sinigawan siya."Hanggang kelan mo ba ako balak, kuhanan ng pera?!". "Hanggang gusto ko!". Tsaka niya inagaw sakin ang baon ko. Hindi na naman ako makakakaen nito, kumakalam na ang sikmura ko, hindi ko na mabilang ang araw na hindi ako nakakakaen, nakita kong tinapon ng isang estudyante yung cupcake niya mukhang di pa nagagalaw. Natakam ako, pero ayaw ko namang umabot sa ganun. Nagtiis nalang ako ng gutom hanggang sa mag uwian.
Isang araw habang kumakaen kami napansin ni mama na parang napapalakas ang kaen ko tuwing nasa bahay, "Anak malakas ka naman kumaen pero bakit parang nangangayayat ka? Hindi kaya nay bulate ka sa tyan? Sa weekend pupunta tayo sa Health Center ipapacheck up kita". Okay lang po ako ma, sabi ko. "Oh sya sige, eto na ang baon mo mag iingat ka". Binalik ko ang pera kay mama at sinabing: Ma, ayaw ko na po mag baon simula ngayon. "Ha?! Bakit?!". Kasi po, kasi po..... naiiyak nakong tumuloy ng salita "Kasi ano anak?! Magsalita ka!" at lumapit si mama para yakapin ako, Ka-kasi po nabubully ako ki-kinukuha po ng classmate kong si Billy yung baon ko, sagot ko habang umiiyak na. "Huwag kang mag alala anak tutulungan kita". Sinamahan nako ni mama sa school, kinakabahan ako kasi malakas ang pakiramdam ko na baka magsumbong na si Billy, mayayari ako nito.
Dumating na kami sa school at dumiretso kami ni mama sa guidance office, nagsumbong na si mama regarding sa pangingikil sakin ni Billy. Siniguro naman ng guidance councilor na maipapatawag si Billy para kausapin at pagharapin kami. Makalipas ang ilang minuto at dumating na nga si Billy at mukhang matapang pa ito na para bang nay dalang bomba na handang pasabugin sa datingan ng mukha niya. Nag umpisa ng mag init ang dugo ko, ang dating takot at kaba ko ay napalitan ng galit, nanggagalaiti ako sa kanya. Preying on other people's weaknesses is a coward's resort. Tikom ang bibig ko pero nagkikiskikisan na ang ngipin ko sa gigil at galit, umupo na si Billy sa harap ko. Nakapagitan samin ang guidance councilor, nasa tabi ko naman si mama. Kinausap ng guidancs councilor si Billy hinggil sa pang bubully nito sakin. Sumagot si Billy ng "Alam ko pong masama ang maging bully pero alam nyo po bang may masama pa sa pagiging bully?". "Anong ibig mong sabihin Billy, ipaliwanag mo ang sarili mo" tanong ng councilor. "Well, si Psion po kasi isa po syang..." natigilan ang pagsasalita ni Billy para bang na lock jaw sya. Tinitignan ko lang sya habang punong puno ng galit ang puso ko. Hinawakan ni Billy ang nakabuka niyang bibig, pinipilit nya itong itikom gamit ang dalawang kamay pero di niya magawa. "Billy? Anong nangyayare sayo?" Tanong ng councilor, maging si mama ay nagulat. Walang ano pa man ay biglang tumayo si Billy at tumakbo palabas na para bang nawala sa sarili. Nagulat si mama at ang councilor, nahimasmasan ako ng mapasigaw si mama ng makita niya na nagdudugo ang ilong ko. "Anak?! Anak?! Nagdudugo ang ilong mo Diyos ko!" Natatarantang kumuha ng panyo si mama at pinunasan ang dugo sa ilong ko, iniangat nya ang mukha ko para di na tumulo ang dugo ngunit nabigla sya ng makita niyang nag iba ang kulay ng kaliwa kong mata. "Anak?! Anong nangyayari sayo?!". Maya maya pa ay nanghina ako at nagdilim ang paningin.
**Samantala ay bigla namang nagsigawan ang mga tao**
Dumilat ang mata ko at parang nasa Hospital ako, nasa tabi ko si mama, umiiyak sya. Hinawakan ko ang kamay niya at ng makita nyang gising nako ay napayakap siya saken. Sakto namang dumating ang doktor para icheck up ako. "Hmmm stable naman ang Vitals mo, Misis, mukhang may Heterochromia ang anak nyo". "Ano po yun?" tanong ni mama. "It is a condition where one iris is of different color to another, wag po kayo mag alala di naman po ito deadly although if you like pwede naman siya mag contact lenses. As far as I can observe mukhang benign naman yung case nya there are no underlying cases naman on his health" sabi ni dok.
Ilang oras pa ang lumipas at pinayagan na kami ma discharge ni dok. Pwede na din daw akong bumalik agad sa school since hindi naman daw makaka abala sakin yung pagiging magkaiba ng dalawang kulay ng mata. Habang nasa daan kami nabanggit ni mama na kasabay ko ding naospital si Billy, aniya pagkatapos daw umalis nito, tumakbo daw si Billy pababa sa hagdan at natapilok dahilan para mahulog sya at mabagok. Tumango na lamang ako at inisip ko na, kung nagin mabait lang sana sya baka hindi ito ang kinahinatnan niya..
*End of Chapter 03*
BINABASA MO ANG
PSION
Genel KurguThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.