17- Fishing

2 0 0
                                    

*Imperium Capital Building*

**Sunod na nagpresinta ang mga war planners ng kanila mga stratehiya, in collaboration with the scientists nakahanap sila ng paraan para iconvert ang mga Telecommunications tower na maging homing beacon, sa pamamagitan nito, madedetect nila ang kahit na anong Psionic activity para ma pinpoint kung saan ang eksaktong lugar ni Psion. Agad naman itong inaprubahan ng Pangulo at agad na sinimulan ang conversion ng mga Telecommunication towers.
______________________________________
*ORPHANAGE*

Psion: Sister Teresa, pupunta na apo ako sa Palengke

Teresa: ok! Mag ingat ka!

**Tumuloy na nga si Psion at namalengke na, pumunta sya para mamili ng pagkaen sa bahay ampunan, tinitignan nya ang mga tao na masayang naglalakad sa paligid. May nakita siyang magkahawak na kamay na lalake, tinignan nya ang mga ito at kita niyang maligaya ang dalawang ito sa isa't-isa. Dalawa ang nararamdaman niya tungkol dito, una ay masaya siya dahil nagagawa ng dalawa ito publicly, kung sa panahon pa ito bago bumagsak ang Sanctum malamang ay dinakip na sila ng kapulisan, pangalawa ay ang lungkot para sa sarili dahil malinaw na lalaking lalaki ang postura nitong dalawa, isang bagay na nagpapa alala sa kanya na dahil sa preference ng mga kapwa niya ay napag iiwanan siya. Napahawak na lamang si Psion sa isa niyang braso, tanda ng pag aalinlangan sa sarili, iniisip kung may halaga nga ba siya bilang isang tao na mahalin.

Natapos ang pamimili ni Psion at pabalik na siya sa Orphanage. Pagliko niya sa eskinita ay may nakita siyang matandang namamalimos humihingi ng tulong para sa pangkaen. Dala ng awa ay binawasan niya ng kaunti ang pinamalengkeng tinapay at binigay ito sa pulubi. Nagpatuloy na siya sa paglalakad ng may masalubong siyang Imperium police, agad na yumuko si Psion at nagmadaling lumakad pauwi sa bahay ampunan. Muling naalala ni Psion ang panganib na dala niya pag nagkataong nalaman ng Imperium soldiers kung nasaan siya...

Matapos makapag handa at kumaen ng pananghalian sa ampunan, lumapit si Psion kay Sister Teresa upang kausapin ito, tumungo naman sila sa tanggapan ng matanda at duon ay nag usap.

Psion: Sister, gusto ko lang po kayong pasalamatan para sa lahat ng nagawa ninyo at ng ampunan para sakin, kung wala po kayo baka lumaki na lang ako sa kalsada

Teresa: Walang ano man iyon iho, para nadin kitang naging anak at ang ampunan ay naging tahanan mo nadin

Psion: Gusto ko lang din po sabihin na, aalis na po ako, kailangan ko na po asikasuhin yung application ko bilang teacher sa isang school na malayo po dito

Teresa: Ganon ba iho? Parang napaka bilis naman, pero mag iingat ka duon ha. Masaya ako para sa'yo, kung sakaling gusto mong bumalik, tandaan mo laging bukas ang pinto ng bahay ampunan para sa'yo

Psion: Marami pong salamat sa lahat Sister... Pagkatapos po ng lahat ng ito ay marami pong pagbabago na magaganap

Teresa: Anong ibig mong sabihin?

**Ngumiti at niyakap na lamang ni Psion si Sister Teresa, lingid sa kaalaman ng matanda ay may iniwan ito sa kanya.

Nagpaalam na si Psion na mauuna na siya, dahil wala namang dala si Psion maliban sa sarili sa bahay ampunan ay mabilis naman syang nakaalis dito.Muli niya itong tinignan gaya ng kung paano niya ito tinignan nung una syang umalis dito. Umalis na si Psion ngunit wala siyang idea kung san siya pupunta basta lumakad lamang siya ng lumakad. Sa gitna ng paglalakad niya ay nakita nya muli yung matandang namamalimos na naglalakad sa kalsada at nanghihingi ng kaunting tulong, nahabag siya para dito dahil alam niya ang pakiramdam ng mamalimos. Yung pakiramdam ng nanghihingi ka ng tulong pero walang pumapansin sayo,yung pakiramdam na pinagdadamutan ng ibang tao, napukaw ang atensyon niya ng magsigawan ang mga tao dahil nahulog yung isang bloke ng semento mula sa pagkakatali sa crane ng ginagawang building at mababagsakan yung pulubi. Agad niyang itinaas yung kamay niya at iniurong yung babagsakan ng semento sa direksyon na walang tao.
______________________________________
*Imperium Capital Building*

War Planners: Gentlemen, we have received Psionic readings at Republic capital, we are currently triangulating his position.

Pres: You heard the war planners, I'm mobilizing the army, John and Lancolm I need you to formulate a device on how we can get him, for now we will try to contain him in one area.

Both: Sir, yes sir.

**Umalis na ang dalawa upang gumawa at mag isip ng paraan kung paano nga ba nila mahuhuli si Psion, isinama na din nila ang mga war planners para tumulong, paulit ulit nilang binalikan ang mga records ngunit wala talaga silang makitang direktang information tungkol sa kahinaan ni Psion. Mukhang ang Empire mismo ay wala ding idea kung papaano sya mapapatigil. Muling tinignan ni Lancolm ang CD ng talambuhay ni Psion. "Guys, I think I have an idea", at nag usap na sila sa kung ano ang mga paraan na maari nila magapi si Psion.**
______________________________________
*Republic City*

Samantala, nararamdaman naman ni Psion na may papalapit na mga kalaban sa kanya. Tumingin sya sa paligid at nakita niya ang mga tao at mga pamilya na naglalakad, hindi alintana ang gulo na paparating. Minabuti ni Psion na umalis sa lugar at maghanap ng isang malawak na espasyo kung saan walang masyadong tao. Nakarating sya sa dulo ng siyudad at duon ay may cliff, malapit dito ay may simbahan at mula sa cliff ay matatanaw ang ganda ng papalubog na araw. Humarap siya sa papalubog na araw, pinagmasdan ang ganda nito.Tumulo ang luha niya habang nag iisip. Inaalala ang mga piling saya na naranasan niya sa buhay.

"Ang gusto ko lang naman ay sumaya gaya ng iba, bakit ba ipinagdadamot nyo sakin yun"

Tumingin siya sa ibaba ng cliff, kita ang malalakas na alon na humahampas sa bato. Matapos punasan ang mga luha, isinuot na ni Psion ang kanyang maskara.

*End of Chapter 17*

PSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon