Isang gabi habang ako ay natutulog sa may tabing kalsada, naramdaman ko na may kumakalabit sakin. Nagising ako at may nakatayong isang babae sa harap ko. "bata, meron kaming lugar na mas okay tulugan kesa dito sa tabing kalsada". Ha? ano po? pupungas pungas pa ako at di ko maintindihan yung sinasabi ni ate, pinaliwanag nya na taga Social welfare department daw siya at gusto nya ako tulungan para magkaroon daw ako ng mas ligtas na tutuluyan at mas maayos na pagkain, sumama naman ako dahil nadin ayaw ko na maghirap sa tabing kalsada.
Dinala nila ako sa isang bahay ampunan, duon ay kinuha na nila ang timbang ko at mga detalye tungkol sakin. "Iho, sobrang malnourish ka, ang payat payat mo na , pero wag kang mag alala, aalagaan ka namin dito sa shelter hanggang sa may umampon sayo" sabi sakin nung babaeng naglilista ng mga pangalan namin. "Psion... Trancy...okay registered kana, sister Teresa pakisamahan mo na itong si Psion papunta sa tutulugan niya". sinamahan nako nung madre papunta dun sa sleeping quarters, wala padin ako sa sarili ko dahil inaantok pa ako, pero alam ko namang pag gising ko ay nasa mas maayos nakong kalagayan kumpara sa pagtulog ko sa kalsada.
Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng ibang bata, akala ko ay nasa playground ako, pero dahil ang lambot ng kamang pinagtulugan ko, narealize ko na nasa isa akong tunay na kama. Dumilat ang mga mata ko at sinalubong ako ng tingin ng mga nag uusap na bata,"sino sya?" wika ng isa sa kanila. Bumangon ako at umatras sila, Hi! ako nga pala si Psion, sabi ko ng may ngiti. Ngumiti naman sila at winelcome ako sa bahay ampunan, nandito nga daw pala ako sa Heaven Sent Orphanage. Maya maya ay bumukas ang pinto, pumasok si Sister Teresa, "Good morning mga bata, naka ready na ang breakfast". Pumunta na kami sa may dining hall at naglaway ako sa dami ng pagkaen, pakiramdam ko may pyesta. "Kids, may bagong dating kayo na kapatid, let's all welcome Psion", binati naman ako ng mga bata at masaya naman akong bumati sa kanila. Pakiramdam ko ay nagkaruon ako ng isang pamilya ulit at this time mas madami pa sila! Masaya akong kumaen nung araw na yun! Nagsalita si Sister Teresa "Mga bata, maligo kaagad kayo at mag ayos, may dadating tayong mga bisita" Opo! sagot namin. Pagkatapos ng masayang kainan ay dumiretso na kaagad kami para maligo. Mukhang excited yung mga kasama kong bata, hindi ko alam kung bakit pero nakisabay na lang din ako. Kahit na ganito kasi ay di ko padin maalis sa pagkatao ko yung pagiging mahiyain.
Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay nakapag bihis nako ng mas matinong damit. Galing daw ito sa mga donation, maya maya pa ay tinawag na kami ni Sister Teresa, sumunod naman kami at pumila yung mga bata pa salubong dun sa may pinto palabas. Bumukas ang pinto at may mga pumasok na babae at lalake, mukhang mga mag asawa, binati sila ng mga kasama kong bata, ngumiti din ako at nakibati. Nandito daw itong mga mag asawa para magtingin ng mga batang aampunin.
Kaya pala napaka excited ng mga kasama kong bata dahil pagkakataon na nila ito para makaalis sa bahay ampunan. Bago lamang ako dito kaya hindi pa naman ako ganun ka eager na maampon, dagdag nadin na nagdadalamhati pako sa pagkawala ni mama kaya ayos lamang sakin sa ngayon na di pa ako mapili. Lumibot ang mga mag asawa at isa isa kaming tinignan, ngumiti ako ng matamis ng matapat na saken ang isa sa mga mag asawa ngunit dinaanan lamang nila ako na parang hangin. Ayos lang naman sakin dahil baka hindi ko pa ito pagkakataon na mapili, dadating din ang araw ko sabi ko sa sarili ko.
Natapos ang araw na yun at napili ang iba samen, kita ko naman ang saya nila at masaya nadin ako para sa kanila.Lumipas ang araw, linggo, buwan at mga taon, unti-unti ng nagbago ang mukha ng mga batang nasa paligid ko. Lahat sila ay inampon na at nagsipag alisan. Yung mga dinatnan ko dati na bata ay wala na, ang pinaka huling nakuha na bata mula sa mga dinatnan ko ay naka alis na nung nakaraang taon. Nag iisip ako kung ano bang mali sakin at walang may gustong umampon sakin. Maging sila Sister Teresa ay nagugulumihanan na din kung ano daw ba ang problema, mabait naman daw ako na bata, masunurin, masipag at tumutulong sa mga gawain dito sa Orphanage pero bakit wala daw kumukuha saken. Madalas na nga, kapag may dumadating na mga bisita ako na ang inihaharap nila. Pinapakita ko naman na kaya ko maging bibo, masayahin at matalino akong bata, minsan pa nga sumasayaw ako kahit nahihiya nako pero wala eh minsan kahit gawin mo na ang lahat pag di para sa'yo wala talagang mangyayare.
Tinanggap ko na lang ang katotohanan na wala talaga sigurong gugustuhing patuluyin ako sa buhay nila kaya kailangan kong maging matatag dahil wala din akong masasandalan. Heto nako ngayon 18 taong gulang, nasa wastong edad na. Nakatayo nako sa labas ng Orphanage at tinitignan ang harapan nito, lumapit naman sakin si Sister Teresa..
"Parang kelan lang napaka liit mo pa nung dumating ka dito, ngayon eto ka na. Iiwan mo na kami".
Naluluha si Sister Teresa na niyakap ako at nagpaalam nadin ako sa kanya. Bago ako tuluyang umalis ng ampunan ay iniabot niya sakin ang isang rosaryo bilang pabaon.
*End of Chapter 06*
BINABASA MO ANG
PSION
General FictionThis is the continuation of IMPERIUM, it will focus more from Psion's perspective. What happened to his past, how did he end up as the commando of the Empire and the aftermath of the 4th Great War.